CHAPTER 10

14 3 6
                                    

CHAPTER 10

"Ang lalaruin natin ay.." sus! May pa-suspense effect pa 'tong baklang 'to.

"Ano?" tila naiinip na tanong ni Clau.

"TRUTH OR DARE" napa-tampal na lang ako sa noo ko. Never gets old huh

"Argh! Bwisit ka bakla" halos baliktarin ni Claudette yung mesa at ihagis kay Yano. Lahat ata kami rito umasa na may pakulo siya.

"Come on guys! Mag eenjoy tayong lahat dito. Ang umatras.. friendship over"

"O siya umpisahan na yan ng magkaalaman na ng mga baho niyo" kahit kailan talaga itong si Suzy.

Umayos na ng pwesto ang lahat at inilagay na ni Yano ang bote sa gitna. Kung sinong matapatan ng puwetan ng bote ay siya ang mag tatanong at ang matapatan naman ng ulo nito ang tatanungin. Kapag hindi mo nasagot ang tanong sayo may consequences na kapalit. Isa lang ang hiling ko ngayong gabi.. sana lang huwag tumapat sakin ang ulo ng boteng 'yan.

Inikot ni Yano ang bote at.. "Damn! Bakit naman sa akin agad?" kung sinuswerte ka nga naman. Ang birthday boy pa talaga ang unang natapatan nito.

"Ready kana, bro?" nakangising tanong ni Mike. Siya ang mag tatanong.Tinignan ko ang reaksyon ng bawat isa sa kanila. Ang lalawak ng ngiti ng mga walanghiya.

"Tsk! I'll choose truth" wika niya.

"Weak!" Suzy. Inirapan lang ito ni Kyle at tinuon muli ang atensyon kay Mike.

"Since when did you fall in love with her?" Napansin ko ang mabilis na pag sulyap ni Mike kay Suzy. Hmm in love huh?

"Since day 1" nakangising wika ni Kyle. Nakita ko kung paano nito sinuyod ang tingin niya sa paligid at panandaliang nag tagal ito kay Suzy bago muling tumingin kay Mike. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa nakita at napatili ako. Oops! Mukhang nagulantang silang lahat sa tili ko.

"Ligawan mo na, Kyle! Thumbs up ako sayo, dude" Kinindatan lang ako nito at malutong na tumawa. Napatingin ako kay Anika dahil pinanlalakihan ako nito ng mata at inginunguso si Suzy. Ang bruha laglag ang mga balikat at parang pasan pasan ang mundo sa sobrang pagkalukot ng mukha. Hay Suzy! Wala kang alam. Napangisi na lang ako.

TUMAGAL ng ilang oras ang paglalaro namin at isa isa na ring tinatamaan ng alak itong mga kasama ko.

"Last spin na 'to. We need to sober up" Yano. Muli niyang iniikot ang bote. Ikot ikot ikot. Kasabay ng pag hinto ng bote ay ang pag hinto rin ng pag hinga ko. Tila gumuho ang mundo ko ng tumapat sa akin ang uluhan nito at ang puwetan naman ay kay James. Damn! I'm dead!

"Kung sinuswerte ka nga naman.. tsk tsk tsk! So Blair! Truth or Dare? " ipinagkiskis ni James ang mga kamay niya at ngumiti sa akin ng nakakaloko. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Tsk! Truth" Mas lalong lumawak ang ngiti nito.

" Tell me.. may hinihintay ka pa rin bang bumalik sayo?" hindi ako tanga para hindi mapansin na siya ang tinutukoy ni James. My mind suddenly stopped processing at the moment. Huminto ata ang mundo ko.

Awtomatiko akong napatingin kay Deene. Wala akong mabasang kahit na anong reaksyon sa mukha nito habang nakatingin sa akin. Inilipat ko ang tingin sa katabi nitong si Monica at sa braso nito na nakapalupot sa kanya. Humigpit ang kapit ni Monica kay Deene nang mapansin niya ang pag dako ng tingin ko roon. Parang biglang nagkaroon ng tensyon ang paligid sa tanong na iyon ni James. Natahimik ang lahat at ang mga mata nila ay nakatuon sa akin. Dinadambol ng kaba ang puso ko ngunit hindi ko ito ipinahalata instead I smiled at James who's patiently waiting for my answer.

LOVE NEVER SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon