"Blair" nahinto ako sa pagsusulat at natuon ang pansin ko sa taong tumawag sa pangalan ko.
"Problema mo, James?" takhang tanong ko. Umupo ito sa tabi ko at tiningnan ang ginagawa ko.
"Ice cream parlor tayo?" pag aya nito. Hindi na ako nag salita pa at iniligpit na ang mga gamit ko.
"Are you really okay?" pang ilang beses ko ng tinanong 'to sa kanya mula pa kanina ng makapasok kami rito sa isang ice cream paror na katabi lang ng school.
"Seriously les? I'm fine" nakukulitang sabi nito.
"Duda ako, ang lungkot ng mata oh" pinaningkitan ko ito ng mata hanggang sa nauna siyang mag iwas ng tingin.
"Psh! You and your damn instinct" hindi ko alam kung bulong yon dahil umabot sa tenga ko.
"Ano nga? Parang tanga 'to gusto ata tatawagin pa si Claudette" mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito sa sinabi ko. Shoot!
"Ingay mo"
"Oh! Did I hit a nerve?" mapang asar kong sabi rito.
"Shut up!" tinawanan ko lang ito at pinagpatuloy na ang pagkain sa paborito kong chocolate ice cream.
"She's not available anymore, right?" naiangat ko ang tingin ko sa kanya.
"ahuh?"
"C'mon, Blair! I need an answer kung hindi mababaliw na ako kakaisip" kawawa naman 'to ang lakas ng tama sa pinsan ko.
"The last time I checked, available pinsan ko lalo na pag dating sayo." malakas itong napabuga ng hangin
"Then why?" unti unting nalukot ang mukha nito.
"Bakit? Ikaw nga linawin mo sakin pinagsasabi mo dyan kung hindi isasampal ko sayo 'tong kinakain ko" dire diretsong sabi ko.
"Dude, rejected ako. I can't," malakas akong napatawa dahil para itong pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura ngayon.
"Bobo mo talaga kahit kailan. Nag papabebe lang 'yon" natatawang sabi ko.
"No, Celestine! I'm serious" nahinto ako sa pag tawa ng banggitin nito ang pangalan ko.
"Ano ba kasing nangyari?" umayos ako ng upo ng makitang seryoso na ang mukha nito.
"I saw her yesterday at the mall, may kasamang lalaki at ang saya saya pa nila" sabi nito.
"Aba malandi"
"Tinawagan ko siya at tinanong kung nasaan siya but she declined my call and texted me, telling that she's with you"
"Ay puta dinamay pa ako sa kalandian niya. Mamaya talaga sa akin yang si Claudette kapag nag kita kami." halos umusok ang ilong ko sa galit. Aba't dinamay pa 'ko sa kalokohan niya.
"I don't know what to do anymore. Ang hirap mahalin ng pinsan mo, Blair" kawawa naman ang isang 'to.
"Let her do what she wants, James."
"Then what? Kapag nag sawa siya sa mga lalaki niya, babalik siya sakin?" napipi ako sa sinabi nito at natahimik na lang.
"Hindi siya gagawa ng kung anong kaestupidahan ng walang rason, James." tinitigan ko ito.
"Anong rason para umabot sa ganon?" mahinang tanong niya.
"Baka natauhan na sayo, itanggi mo ba naman ng ilang beses." Napahinto ito at tulalang napatingin sa akin.
