CHAPTER 1

22 2 0
                                        

CHAPTER 1

"Unexpected love is the best kind of love. Yun bang pagmamahal na hindi pilit at kusa mo na lang naramdaman." sabi dito sa librong binabasa ko ngayon. Napailing iling na lang ako ng aking ulo matapos mabasa ito.

"Tss best kind of love huh" natatawang sabi ko at tumingin sa labas.

Napatingin ako sa kalangitan at napangiti, kahit kailan hindi ako binigo ntong pasayahin at pakalmahin. Napatingin ako sa aking relos at nagulat ng makita ang oras.

"30 minutes na agad yon? Bilis ha" nakakainis naman akala ko makakapagpahinga pako ng matagal dito.

Napagpasyahan ko ng tumayo at ibalik yung libro sa dati ntong kinalalagyan. "Mamaya babalikan kita okay?" sabi ko sa libro na para bang tao ang kaharap ko.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at ibinalik ang upuan sa dati ntong ayos. Tumingin ako sa aking relos at nag madali ng makita ang oras. "Damn may 15 minutes na lang ako para makabalik doon"

"BLAAAAAAAAAIR" eto na naman yung nakakairitang boses ng babaeng to.

"Ano na naman ba yon Clau? Kung makasigaw ka dyan akala mo nasa pinakadulo ako ng hallway" tumawa lang siya at kumapit sa braso ko.

"Saan punta mo? Bakit hindi kita nakita kanina? Saan ka galing? Anong ginawa mo?" sunod sunod na tanong niya. Ibang klase talaga tong babaeng to kahit kailan.

"Yang bibig mo hindi mo rin maitikom kahit saglit lang no? Kung makatanong ka para akong nawala ng matagal"

"Saan ka ba kasi galing Blair?" naka ngusong sabi niya.

"Sa tyan ni mommy" biro ko

"Ha ha ha funny ka girl" sarkastikong sabi niya at saka nag martsa palayo sakin.

"Hoy saan ka pupunta?" tanong ko

"Maghahanap ng matinong kausap, wala kang kwenta kausap" sigaw niya. Ang arte talaga nito kahit kailan.

"Ang arte mo! Lika na dito samahan mo ko sa locker room kukuhain ko yung books ko"

"Heh weirdo" kunware pa eh susunod din naman. Bakit ba kase nakalimutan ko na naman dalhin tong mga to? Ang hassle tuloy.

"Ang dami mong nakakalimutan palagi no?"

"Oo nga eh ikaw na lang yung hindi" pang asar na tanong ko

"Sa ganda kong to? Ha sinong di makakalimot sa mukhang to?" pagyayabang niya

"Dami mong alam" inis na sabi ko

"Ewan ko sayo Blair" umiling iling si Clau

"Psh! Tara na nga" isinara ko yung locker ko at inilagay ang padlock nito.

Nag simula na kaming maglakad pabalik ng room dahil ilang minuto na lang ang natitira para sa susunod naming klase. Ito na ang huling klase namin para sa araw na ito dahil mamaya pag patak ng alas kwatro y media ay kailangang pumunta ng lahat ng estudyante sa quadrangle para raw sa program at kung anong program man yon aba hindi ko alam at wag niyo ko tanungin dahil wala nga akong alam.

Ilang saglit lang pag pasok namin sa room A-143 saka dumating ang Prof. I can say na he's one of the best teacher in our school. Paboritong teacher ko talaga to eh. Sobrang galing mag turo at ang kwela pa. Nag aayos na ako ng gamit ko ng bigla akong kalabitin ntong nasa likod ko.

"Hoy bruhang Blair! Gogora na ba kayo sa quadrangle?" tanong sakin ni Yano.

"Nag start na ba yung program?" singit ni Clau.

"Ay tinatanong ka te? Makasabat ka dyan" pambabara ni keanu. Ayan na mag aaway na yan.

"Papansin ka?" pabalang na sagot ni Clau

"Abat ang kapal naman talaga ng apog mong babaita ka" tinaasan siya ng kilay ni Yano at nakapamewang pa ang bakla.

"Aba naghahamon ata ng suntukan tong baklitang to. O tara sa labas ano?" Natawa ako ng iangat ni Clau ang sleeves ng uniform niya at pinakita pa ang kunwaring mga muscles niya sa braso.

"Nakakatakot tong shomboy na to te. Saan mo ba napulot yan?" nandidiring tanong sakin ni Yano

"Hahahahahaha tumigil na nga kayong dalawa para kayong mga isip bata palagi na lang kayong ganyan" Maya maya pa ay tumunog na ang school bell, isang paalala na kailangan ng bumaba ng mga estudyante sa quadrangle para sa schools program.

"Hoy tara na wag na kayong mag away dyan para kayong mga tanga" sigaw ni Suzy sa kanila

Sabay sabay kaming bumababa at nag tungo sa quadrangle. Pag dating namin don ay halos mapuno na ang quadrangle dahil lahat ng estudyante ay nandon na.

"Good afternoon students!!" Masiglang bati samin ni Ms.Hazel, ang assistant principal ng school.

"GOOD AFTERNOON MS.HAZEL!!" sabay sabay na bati sa kanya ng mga estudyante habang naka tungo.

"Hows your first week in our school,lovely students?" Nakangiting tanong nito.

"HAPPY"

"TIRING"

"EXCITED"

"SAKTO LANG" sigaw ni Clau. Walang hiya talaga kahit kelan

"SILENCE EVERYONE" natahimik ang lahat sa sinabing yon ni Ms.Hazel. Naingayan na siguro dahil sabay sabay nagsasalita ang mga estudyante.

"Ang purpose ng program na ito ay upang ipakilala namin sa inyo ang mga professors/teachers niyo sa bawat department, ang canteen staff, janitors, school guards at iba pang pwede niyong lapitan in case na may kailangan kayo and also, to inform the new students about the schools rules and regulations."

"Sus eto lang pala purpose ng program na to tapos sinama pa tayo tss" inis na sabi ni Clau at nag dabog dabog pa yung bruha. Napa-iling iling na lang ako sa inakto niya ang arte talaga tsk.

"Ang arte ntong bubwit na to edi sana umuwi kana lang kaimbyerna ka" pag tataray ni Yano sa kanya

"Ikaw na feeling may peanut palagi mo na lang ako napapansin ah? Ano may gusto ka sakin no? Umamin kana nga" pang hahamon ni Clau sa kanya. Nanlalaki ang matang nilingon siya ni Yano at tinuktukan sa ulo.

"Ay nako te wit ako magkakagusto sa tulad mong shomboy at mala mikropono ang bunganga" nandidiring sabi nito.

"Argh bwisit ka talagang paminta ka"

"Hahahahahahahahahahaha" hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil pulang pula na ang mukha ni Clau dahil sa pang iinis sa kanya ni Yano.

"Aba mukhang nagkakatuwaan kayo ah? Sali kami" sabat ng panibagong boses. Napahinto ako sa pag tawa at natigilan, ang boses na yon. Damn paano ko nakalimutan na malaki ang tyansa na magkita kita kami dito? Ang aga masyado, nakaka dismaya.

A/N:

Yano pronounced as ya-no

Suzette pronounced as Su-zet

Blair pronounced as bleyr

Clau pronounced as Claw

LOVE NEVER SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon