"Excuse me?" pagtataray ni Clau sa bagong dating
"Dadaan ka?" ngumiti ito ng nakakaloko na siyang naging dahilan para ikutan siya ng mata ng kaibigan ko.
"James ang ganda ng araw ko ngayon, kaya pwede ba?"
"Mas maganda pa sa araw si Blair, right?" kinindatan ako nito. Psh babaero talaga.
"Pa-chek up mo mata mo bro parang may deperensya" inirapan ko ito. Palihim kong pinasadahan ng tingin ang mga kasama niya. Himala, mukhang mag isa lang siya ngayon sa tropa nila ah? Swerte ko naman.
"May hinahanap ka Blair?" tanong ni James. Palagi na lang ako napapansin ntong kumag na 'to.Pinandilatan ko ito ng mata.
"Iba ata ang mga kasama mo?" nagtatakang tanong ni Yano sa kanya.
"Busy mga kaibigan ko pre"
"Excuse me? Can you please stop calling me pre?" kita sa mukha ni Yano ang pagkadisgusto habang sinasabi ito.
"Oh sorry, gorgeous" I wonder, ilang babae na kaya ng naloko nito sa mga ganyang linya niya?
"Tanghaling kay haharot ninyo" inismiran sila ni Clau sabay hila sakin palayo sa kanila.
"Saan punta niyo girl?" tanong ni Suzy
"Away from that frog"
"Witch"
"Asshole"
"Attention seeker"
"Kulang sa aruga" Napahagalpak ako sa tawa ng sabihin ito ni Clau. Nalukot ang mukha ni James at hindi na niya ito pinansin. Iniwan namin ang mga kasama namin sa quadrangle at nag tungo sa cafeteria. Pag dating doon ay padabog na inilapag ni Clau ang bag niya sa table at bumulong bulong.
"Oh ano? Napatay mo na ba si James dyan sa utak mo? Nasumpa mo na ba?" natatawang tanong ko. Sinamaan lang ako nito ng tingin at dumukdok na sa lamesa. Pahalata masyado tong isang 'to. Binaba ko ang mga dala ko sa bakanteng upuan at dumiretso sa counter. Habang naghihintay ako sa pila tinext ko na sila Suzy na dito na dumiretso para sabay na sabay na kaming kumain.
"Oh anong nangyari dyan te?" tanong ni Yano habang sinisilip ang mukha ni Clau.
"Masakit daw yung ulo" pagsisinungaling ko.
"Yung puso hindi?" pabirong tanong ni Suzy. Natawa ako sa sinabi nito.
"Nga pala asan si James?" Napansin ko kasing hindi na nila kasama yung asungot.
"Nauna ng umuwi si Papa James sister kumain na daw kasi siya kanina" wika ni Yano. Inilapag ko ang tray sa table at naupo sa tabi ng bag ko. Tumayo sila para umorder ng pagkain habang ako naman ay busy sa pagkalabit dito sa katabi ko.
"Hoy girl! Ano? Masarap bang humalik yang lamesa at nakalimutan mo na yung gutom mo?" wika ko. Iniangat niya ang kanyang ulo at padabog na nag martsa papunta sa mga kabigan namin. Habang hinihintay ko sila ay nag scroll lang ako ng nag scroll sa instagram.
Maya maya lang dumating na sila Clau at sinimulan na naming kumain. Habang kumakain, napansin ko ang komosyon sa kabilang table. Ang iingay, akala ata sila lang tao dito. Mag uusap na lang kailangan pa talagang rinig ng mga katabi nilang table.
