"BLAAAAAAAAIR! Bilis na kase pumayag kana dito. Ito na lang suotin mo oh" pagmamakaawa sakin ni Suzy. Kanina pa kami dito sa kwarto ko dahil dito nila napiliang mag ayos bago dumalo sa party ni Kyle.
"Hindi nga pwede Aella Suzette, look oh kapag sinuot ko yan konting tuwad at yuko ko lang makikitaan na ako" hindi ko binalingan ng tingin ang mga ito at nag patuloy sa paghahanap ng pwedeng masuot para sa party.
"Please Blair? Bigay mo na samin 'to oh" sambit ni Anika. Nasapo ko ang noo ko at napabuntong hininga sa kakulitan ng mga ito. Maaga ata akong tatanda dahil sa mga babaeng ito.
Marami ng mga tao ng makarating kami sa party. Expensive cars are everywhere, red plastic cups, sounds that boomed in the whole place and of course whores and jerks are everywhere. Ah this will be a long night. I scanned the whole place looking for the birthday boy.
Ramdam kong maraming taong nakatingin sa amin ngayon. Who woudn't be? Napatingin ako sa suot ng mga kasama ko pati na sa suot ko. Suzy is wearing a sexy gray satin flared mid sleeve dress that ends just above her knee. Clau with her tube dress that perfectly hugs her body. Anika with her backless dress in red color, what a hot chick. Yano with his white button down shirt, 3 buttons are open. My gay friend is smokin hot huh mukhang marami na namang babaeng maaakit dito. While mine is a champagne satin mini dress. It has a low v line at maikli rin ito. Lintik na buhay ito, bakit ba kasi hindi ko matanggihan ang mga bruhang kasama ko.
"Tara na?" huminga ako ng malalim at dumiretso kami sa backyard nila Kyle.
I saw some guys checking me out. May damit pa akong suot pero pakiramdam ko sa paraan ng panininitig nila ay hinuhubaran na nila ako sa isip nila. I didn't mind the glares instead nginisian ko ang mga babaeng nadaraan namin. Insecure huh
Nang matunton namin ang round table kung nasaan si Kyle ay kinalabit ko kaagad ito. "Kyle"
Lumingon ito sa akin pati na sa mga kasama ko. May narinig akong suminghap galing sa table nila, mukhang hindi inaasahan na dadalo kami.
"Happy birthday, Xander!" I hug him and kiss his cheeks. I used to call him on his second name because it perfectly suits him. Naramdaman ko ang paninigas nito at ang pag ubo ng ibang kasama niya sa round table na yon.
"Ehem mukhang may makakatikim ngayong gabi" pagpaparinig ni James
"Happy death day, Pareng Kyle!" dinig kong pang aasar ni Mike.
"Ay pogi may something like jelly ba ang dessert ninyo?" dagdag pa ni Yano.
Nag tawanan ang mga ito at natahimik nang may tumikhim. Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan non. There he is, sitting pretty with his new girl. Now I know kung bakit natahimik ang ilan nang lumapit kami sa table nila. Despite the awkwardness, I smiled at them. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at ibinaling ito kila Clau.
"Hoy kyle! Siguraduhin mo lang na magiging doble paningin ko mamaya ha?" Clau break the silence by throwing a nonsense joke.
Marahil nag tataka kayo kung bakit ganito ang mga suot namin dahil mamayang alas dyis pa mag uumpisa ang pool party. Ang balita ko eh may bisita daw ang mga magulang ni Kyle kaya hihintayin muna umalis ang mga ito bago umpisahan ang tunay na kasiyahan. Wild night kumbaga choz!
"Excuse us guys! Mag eenjoy na muna kami at maghahanap ng papa" malanding wika ni Yano. Nagulat ako nang mabilis na tumayo sila James at iminuwestra ang bakanteng upuan.
Tinaggihan agad ito ni Anika, naramdaman siguro ang tensyon na namumuo. "Thank but no thanks, dito na lang siguro kami sa katabing mesa niyo"
Wala nang nagawa ang mga ito nang mag kanya kanya na kami ng upo sa tabing mesa nila. I suddenly felt uneasy, ramdam kong kanina pa may mga matang nakatitig sa akin ng malalim mula nang makarating kami rito. Natatakot akong lumingon dahil ayoko nang may makita pang makakasira sa gabi ko. Tama na yung nakita ko kanina.
"Nagugutom na ako, ano wala ba kayong balak kumuha ng pagkain? Magtititigan na lang ba tayo dito buong mag damag?" pag iinarte ni Suzy. Itong isang 'to hindi ko alam kung paano niya na me-maintain ang pagiging sexy niya sa kabila nang pagiging matakaw niya.
Hinayaan lang namin ang mga gamit namin doon at tumayo para kumuha ng pagkain. Wala naman sigurong magtatangka na makialam nang mga gamit namin, takot lang nila kila Kyle.
"Grabe mars naglalaway bagang ko halos lahat ata nang pagkain dito eh paborito ko" sambit ni Suzy. Tinanguan ito nila Yano.
Lumapit kami sa mga nag se-serve doon ng pagkain at nang aabutin ko na ang plato na galing sa babae ay biglang may kumuha nito. Nilingon ko ang taong iyon. Kunot noong pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Excuse me? Who are you?" takhang tanong ko. Napatigil tuloy sa pagkuha ng pagkain ang mga kasama ko. Narinig ko pa ang impit na tili ni Yano sa likuran ko.
"Mami ang yummy" Obviously, they are checking out the guy in front of me
"Ahm hi?" nahihiyang ngumiti ito dahilan ng pag labas ng kanyang biloy sa pisngi. Tinitigan ko lang ito at napakamot naman ito sa kanyang batok. Aw cutie! Narinig ko muli ang pag tili ni Yano sa likod ngunit hindi na ito nag iisa dahil sinabayan na ito ni Suzy.
"What do you want?" buryong tanong ko dito. Nagugutom na ako at baka masipa ko 'to pag di pa sumagot 'to ng matino.
"I'm Karson and you are?" Pangalan ko lang pala. Karson huh? Nginitian ko ito at inabot ang nakalahad nitong palad.
"Hi Karson! I'm Blair, now can I have my plate back? Gutom na kasi ako eh" I smiled politely.
"Oh su-" natigil ang pag sasalita nito nang biglang may tumikhim sa likod niya. Tila natigil ata ang pag hinga ko sa mga oras na 'to nang makita ang dalawang pamilyar na pares ng mga mata na matamang nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin nito sa kamay namin. Napabitaw kaagad ako, pakiramdam ko pinagpapawisan ang mga kamay ko. Uminit bigla ang paligid.
"D-deene" mahinang sambit ko. Narinig ko ang pag singhap ng mga kasama ko nang makilala kung sino ito.
