"D-deene" mahinang sambit ko. Narinig ko ang pag singhap ng mga kasama ko nang makilala kung sino ito.
Nilukob ng kaba ang dibdib ko nang makita ko kung paano nito sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. Mabilis kong iginala ang paningin ko sa paligid at palihim na nag pasalamat nang makitang wala sa amin ang atensyon nang mga tao doon.
"You're blocking my way! The next time you flirt with someone make sure that you're not blocking the way" ani nito.
Ha? Problema nito? Ang lawak lawak ng daanan tapos dito niya gustong dumaan. "Masyadong malawak ang mansyon nila Kyle, Deene" seryong sabi ko dito.
"Tsk!" nginisian ako nito at sinamaan ng tingin si Karson saka walang pakundangang dumaan sa gitna namin.
"Mukhang nakakain ng jelly si pogi ngayon ah" pabirong wika ni Yano.
"What the fuck is his problem?" nagtatakhang tanong ko sa kanila. Suzy shrugged at me while Anika and Clau has a playful smile on their lips.
"Let's see" ibinalik ko ang tingin ko kay Karson ngunit wala na ito sa pwesto niya kanina. Ang weird ng mga tao ngayon.
"Pustahan tayo mga sis" sabi ni Yano habang kumakain ng paborito niyang mga dessert. Napangiwi ako nang makita ko yung plato nito grabe ang dami ng kinuha niya tapos nagawa niyang ubusin lahat yon and take note diet pa daw siya nyan.
"Oh ano na naman bang pakulo mo?" tanong ni Anika
"Gusto ko may pa suspense kaya yung mga sasali lang ang makakaalam" mukhang may binabalak na naman ang isang ito.
"I'm in" sabay sabay na sabi nila Suzy. Tinignan ako ni Yano at tinaasan ng kilay.
"Come on, Blair! Don't be a kj" inirapan ko ito.
"Fine, count me in" napipilitang sabi ko. Hindi pa nag uumpisa ang tunay na kasiyahan pero mukhang ubos na ang lakas ko. Inaantok ako argh
"Yey! Looks like we're going to enjoy more this party later" damn Yano smiled like a demo. Uh-oh we're in danger.
When 10 o'clock hits the clock everyone suddenly transform into a wild animals just kidding. Nang makaalis na ang bisita nila Kyle or should I say the adults ay nag umpisa na silang mag palit ng kanilang mga damit. You can see the bitches in their bikinis and men showing off their bodies. Nanatili kaming nakaupo nila Anika habang hinihintay na mawalan ng tao ang comfort room na malapit sa pool. Hindi naman kami nagmamadali at masyado pang mahaba ang gabi para makipagsiksikan.
"Bakla pakisara ng bibig mo kadiri ka yung laway mo kanina pa tumutulo oh" pang aasar ni Clau kay Yano. Napuno ng tawanan ang mesa namin sa sinabing ito ni Clau. Kanina pa kase nakatitig si Yano sa mga lalaking naka topless na dumadaan sa harap ng table namin. Kung titigan niya ang mga ito ay para bang hinuhubaran niya na ang mga lalaking yon sa isipan niya habang bahagyang nakabuka ang bibig niya.
"Hindi pa ba kayo mag papalit?" nilingon namin ang pinanggalingan ng boses na iyon. Si Kyle.. topless.
"Ang sarap" dinig kong sabi ni Yano. Binatukan naman ito ni Suzy
"Mag tigil ka nga bakla ang harot harot mo dinaig mo pa kami" hinarap niya si Suzy.
"Aba ang damot ng isang 'to. Jowa mo? Jowa mo? Bruhang 'to" natawa ako nang makitang namula ang mga pisngi ni Suzy at iniwas ang tingin kay Kyle. Something's fishy
"Oh tama na yan. Pinuntahan ko kayo dito kase yayayain ko sana kayo na dun na lang sa guest room mag bihis para di na kayo makipagsiksikan sa kanila" nagkatinginan naman kami at sabay sabay sumang ayon sa sinabi niya. Hindi ata kami marunong tumaggi sa grasya lalo na si Suzy. Napahagikgik ako sa naisip ko.
Nang makaakyat kami sa second floor ng bahay nila Kyle ay di ko inaasahan ang mga taong naroroon. Hindi ko napansin na nakaalis na pala sila sa pwesto nila kanina. Andito rin sa taas sila James at naka upo sa mga sofa doon. Ang mga rooms nila ay nasa second floor. Ang second floor nila ay may sala rin. Hindi siya ganon kalaki at hindi rin ganon kaliit kumbaga sakto lang para pag tambayan. May mga sofa dito at center table. May isang flat screen tv rin dito na kung saan naabutan naming naglalaro ng play station si Mike at James. Lumingon ang mga ito sa amin at saglit na kumaway bago ibinalik ang atensyon sa nilalaro.
"Gusto niyo ba na magkakahiwalay kayo ng room or sa isang room na lang?" tanong sa amin ni Kyle.
"Sa isang room na lang Kyle" wika ni Anika. Wala dito si Clau at Yano dahil kinuha nila ang mga gamit namin sa kotse. Sinundan namin si Kyle hanggang sa makarating ito sa pinakadulong room.
"Call me if you need anything okay?" wika ni Kyle. Tananguan ko lang ito at pumasok na kami sa kwarto. Mayroong dalawang kama dito sapat na para sa amin. Maya maya pa ay dumating na ang dalawa at nag bihis na kami.
"Okay Blair you got this girl! Show them what you've got." sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin.
I'm wearing a bloody red stringed two piece bikini. It emphasizes my curves and damn.. it shows too much of my skin. Pahamak talaga 'to si Clau masasabunutan ko mamaya yung gaga na yan. Paano ba naman kase nawawala yung shorts and tops ko sa bag na dala ko at ang tanging laman lang nito ay isang two piece bikini and a mesh t-shirt. Nang matapos akong mag ayos ay lumabas na ako para makababa na kami. Nakakhiya sa birthday boy dahil masyado ata kaming natagalan dito sa taas.
"Ano ready na ba kayong lumandi sa baba ha? Taralets na wow chikababe" napalingon silang lahat sa akin ng sabihin ito ni Clau. Sumipol pa ang loka. Sinamaan ko ito ng tingin at ang magaling nag peace sign na lang.
"How do I look?" ngitian ako ni Anika at niyakap samantalang binigyan naman ako ni Suzy ng thumbs up. Umakbay sa akin si Yano at nag boses lalaki.
"Hi sexy! Can I call you mine?" tinampal ko ang kamay nito at nag tawanan kami. Hindi talaga kami sanay na naririnig ang boses pang lalaki nito dahil kung mag salita ito ay laging ipit.
"Iw sis! Di tayo talo" kunwaring nandidiring sabi ko. Inirapan ako nito.
"Hello girl, mas sexy at mas maganda ako sayo tandaan mo yan. Hindi ka mabiro ha hmp tara na nga sa baba nang makakita na sila ng mga dyosa" nauna na itong lumabas kaya sumunod na kami. Nag uusap usap sila ng mapansin kong may nakalimutan ako sa kwarto.
"Ahm girls? Pwede bang mauna na kayo? Sunod na lang ako sa inyo nakalimutan ko yung phone ko sa bathroom" tumango ang mga ito habang ako naman ay nag lakad pabalik sa kwarto namin. Binalikan ko yung phone ko sa bathroom at lumabas na ng kwarto.
Nang maisara ko ang pintuan ay nag umpisa na akong mag lakad ng may narinig akong pag bukas ng isang pinto. Nilingon ko ito at dinamba ng kaba ang dibdib ko ng makita kung sino ito.
"Deene" kahit mahina ang pagkakasabi ko ay alam kong narinig niya pa rin ito ngunit di ako tiningnan nito kundi ang suot ko. Pinasadahan niya ito ng tingin nakita kong napatiim-bagang ito at kunot noong tinitigan ako.