"What kind of shit are you wearing, Celestine Blair?" isinara nito ang pinto sa likod niya at sumandal doon. Nakakrus ang mga brasong pinasadahan muli ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ha?" tanong ko
"Answer me, Lady" wika nito
"Halaman" sinamaan ako nito ng tingin ngunit ngitian ko lang ito ng matamis at tumalikod saka nagmamadaling lumakad papuntang hagdan ngunit mabilis ko itong hinarap ng maramdaman kong papalapit na ito sa akin. Problema ba nito?
"Oops bawal yan! Bawal mang hila o mang hawak. Behave ka lang dyan. May girlfriend ka diba? Yun ang pagtuunan mo ng pansin. Ciao!!" pang aasar ko rito. Sumama ang timpla ng mukha nito kaya mabilis akong bumaba ng hagdan at dumiretso kila Clau. Ang bwisit na yon ang epal talaga kahit kailan. Napatawa na lang ako ng maalala ko ang sinabi ko rito. Tanga tanga ka talaga, Celestine!!
"Bruh! Anong nangyari sayo sa taas at kung makatawa ka dyan eh para kang sinapian ng kung anong demonyo?" takang tanong sa akin ni Yano.
"Its nothing guys! Don't mind me" pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Ang daming tao sa pool kaya siguro naupo muna ang mga ito sa gilid. Malawak naman ang pool nila Kyle kaso wala pa ata sa mood mag babad ang mga 'to.. sabagay the night's still young.
"Let's drink muna kaya? Look oh ang dami pa nyan, hindi tayo mag eenjoy kapag nakisawsaw tayo sa mga yan" wika ni Suzy
"Sinong kukuha ng mga inumin?" tanong ni Anika. Nag taas ng kamay si Yano at Suzy kaya tinanguan namin ito. Nang makaalis na ang dalawa napansin ko ang kakaibang tingin sa akin ni Clau at Anika.
Tinapunan ko ang mga ito ng nagtatanong na tingin. "What's wrong? Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Anong ginawa mo sa taas ha? Bakit ganon na lang yung tawa mo ng bumaba ka?"
"Hmm I didn't do anything promise! Natatawa lang ako sa sarili ko kase muntik na akong mapatid. Ang tanga lang diba?" sagot ko habang nakatingin sa pool. Boba ang lame ng reason mo.
"Talaga lang huh" puno ng pag dududang sagot ni Anika.
"Seriously guys? Its not a big deal!" wika ko.
CLAUDETTE'S POV
Etong malanding 'to! Feel ko talaga may nangyari sa taas eh. Siniko ko si Anika at nagkatinginan kami bago namin ibinalik ang tingin namin sa veranda na kaharap lang ng pool. Napansin ko ang isang tao roon na masama ang tingin kay Blair mula pa kaninang pag baba niya galing sa taas. Kahit na madilim sa postura pa lang nasisiguro kong si Deene yon. Hmm ano na naman kayang kagagahan ginawa nitong babaeng 'to.
"Ay ayaw mag salita, sister!" sabi ni Anika habang tinititigan si Blair na busy sa pag tingin sa mga tao sa pool.
"Hmm mukhang may ginawa yan sa taas na ikinagalit ng isa sa kanya. Sama ng tingin, mami!" natatawa kong sabi rito. Umiling iling lang ito habang nakangiti. Haynako Celestine Blair!!
BLAIR'S POV
Etong dalawang 'to parang tanga kanina pa bulungan ng bulungan. Hello! Andito pa ako baka gusto niyo 'kong isali dyan. I rolled my eyes at these two.
"Mga madam eto na po ang inumin niyo" Yano said in sarcastic vioce.
"Ayan po ang specialty namin dito" isa pa 'tong si Suzy.
![](https://img.wattpad.com/cover/228486766-288-k573558.jpg)