CHAPTER 15

5 1 0
                                        

"Hoy tulala kana naman dyan!" muntik ko ng maihampas sa mukha ni Yano ang hawak kong libro nang bigla na lang itong sumulpot sa tabi ko.

"Yano, lumayo ka nga hindi ako natutuwa sa mukha mo" agad itong napatingin sa salaming hawak niya.

"Ouch! Grabe ka sis, ganda ko kaya today"

"Wala yang ganda mo kung yung stalker mo may iba ng sinusundan" agad itong napalingon sa dalawang taong padaan sa amin.

"Itong malandi na 'to kukurutin ko singit nito" mahinang bulong niya.

"Oh bakit affected? Akala ko ba tahong yang meron ka?" inirapan ako nito at matalim na tumingin sa dalawang taong nagtatawanan. Dalawang table lang ang layo ng mga ito sa amin.

"Mahal daw ako pero kung makatawa sa sinasabi niyang shokoy akala mo eh luluwa na ang lalamunan" natawa ako sa sinabi nito dahil makikita mo talaga ang pagkairita nito sa dalawa.

"Uy aminin" sinundot ko ang tagiliran nito ngunit hinampas lang niya ang kamay ko.

"Ako nga ang tantanan mo, Celestine Blair! Hindi ako natutuwa sa paligid baka majombag kita dyan"

"Asus! Ang sabihin mo nahulog kana kaso torpe ka so hayaan mo na siya sa iba" agad akong napatayo ng umamba itong hahampasin ako.

"SELOSO!!" sigaw ko ng malakas at saka natatawang tumakbo pabalik ng building namin. Sigurado akong narinig yon ng stalker niya dahil halos patayin ako nito sa talim ng tingin niya bago ako makaalis.

"Hay" malawak ang ngiting tinungo ko ang klase namin ngunit agad itong napawi ng makita ko kung sino ang nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Excuse me! Dadaan yung magand-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang ako nitong hinila palayo at papunta sa hindi ko alam kung saan.

"Ano ba? May klase ako kaya pwede ba?" sinubukan kong piglasin ang kamay nito ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

"No! Kausapin mo muna ako"

"Kausapin para saan?" huminto kami sa kiosk.

"Seat" utos nito.

"Thick face"

Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nailang ako bigla sa mga titig na binibigay niya sakin.

"Kamusta, Lair?" mahinang tanong nito at itinuon ang pansin sa mga taong nagkakasiyahan 'di malayo sa amin.

"Lair huh? Its been a long time, Lex" malamig na sabi ko rito.

"Is it too late to beg for your forgiveness?" pahina ng pahina ang boses nito habang sinasabi niya yon ngunit di pa rin ito nakatakas sa pandinig ko. Natawa ako ng pagak sa sinabi nito.

"Way too late, Lex! Why say sorry now?" mahihimigan mo ang pait sa boses ko.

"Kinakain ako ng guilt araw araw, tuwing naiisip ko yung itsura mo habang umiiiyak dahil sa katarantaduhang ginawa namin. Hindi ko kayang harapin ka, Lair! Ngayon na lang ulit ako nag lakas ng loob dahil unti unti na ulit nabubuo yung bond na nasira namin noon" nakikita ko sa mata nito ang pagsisisi.

"Matagal na 'kong nag patawad pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha kung bakit?" mahinang sabi ko.

"Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang nung araw na iwasan mo kami dun namin napagtanto lahat."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE NEVER SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon