#Chapter1

153 2 0
                                    

#Chapter1

Ashton's POV

"Hyung! are you here again?!" masungit na sabi ni Nethon nang pumasok ako sa dinning area nila.

"Apir Aries!" tumawa naman ito at nakipag apir saakin, dalawang taon na si Aries.

"Paborito talaga ako ni Aries no?" tumawa lang ulit ito.

"Asan si Achelois?"

"Nasa taas nililigoan si Aether"

Aether Nathan Caraquel-Kyril ang ikalawang anak nila, mag iisang taon na din iyon. Di naman masyadong malayo ang agwat ng magkapatid, isang taon lang ata agwat nila, di naman kasi halatang hindi nag mamadali si Nethon.

"Why are you here again hyung?"

"Lipat na kaya ako dito? ayoko na don sa mansyon ni Alexander, di na umuuwi ang gago"

"May sarili ka namang bahay bakit ka hindi don tumira?" biglang singit ni Achelois.

Mabilis akong lumapit doon at kinuha sakanya si Aether.

"Aigoo Baby Aether is so gwapo, mana sa tito Ashton niya diba?"

"Ayoko ko na nga sa mansyon kasi wala si Alexander tapos patitirahin mo pa ako don sa bahay ko na walang kahit sinong tao"

"Hindi ko naintindihan bakit ka nag tayo ng bahay mo kung hindi mo naman pala patitirhan."

Kompleto na ang mga gamit doon, may mga bantay at taga linis na nga, ako nalang naman ang kulang don pero ayaw ko muna.

"Ayoko nga! ang layo layo ng bahay na yun samantalang kayo andito kayo sa Makati tapos ako babyahe pa, ako lang yung malayo sainyo"

Yun din ang rason kung bakit ayaw ko, dahil sa layo ng bahay ko tapos sila mga pinsan at kapatid ko andito lang sa Makati tapos ako nasa Quezon. 5 fvcking hours away!

"Just eat this Aries" nakikipag agawan si Aries sa pagkain ni Nethon kaya binigyan niya ito ng orange.

"Olangesh!"

"Ano yan? korean hindi marunong sa r?"

"Just get married hyung and stop pestering my family"

"Here, kumain ka na Ashton" hinandaan naman ako ni Achelois, kaya napaupo na ako kaharap ni Nethon, kinuha niya naman si Aether saakin.

Masama niya akong tinignan, nagseselos na naman! crush kasi ako ni Achelois nung dalaga pa ito kaya ganyan makatingin saakin. Palibhasa minahal dahil nag papansin kaya ganyan ka bitter.

Inirapan ko nalang ito at ngumiti kay Achelois.

"Thank you ang caring mo naman, sana ikaw nalang asawa ko" matamis kong nginitian si Achelois, gulat niya naman akong tinignan.

"Ayst!" mas lalo akong giganahan ng marinig ko si Nethon.

Nag ring naman ang phone ko, kinuha ko naman ito kumunot ang noo ko nang makitang tumatawag saakin si Tyler.

"Hello?"

"Ashton tumawag po si Hanz, nag ka problema po sila sa pag deliver ng mga drugs dito sa Pilipinas"

"Ano ibig mong sabihin?"

"I don't know what happen but Hanz is now in China"

"Okay, pupunta na ako diyan" binaba ko naman ang tawag at tumayo, nakasunod lang ang tingin ng mag asawa saakin.

Ngumiti naman ako kay Achelois.

"Hyung may problema ba?"

"Yeah I need to go, bye Aries!" humalik naman ako dito at kay Aether bago lumabas ng bahay nila.

"Hyung!"

"Oh? bakit?" lumapit naman saakin si Nethon at huminga ng malalim.

"Mr. Chan is targeting you" mahina nitong sabi.

"Uhm, kaya siguro nag kaproblema kami sa pag deliver, nasa China ngayon si Hanz"

Alam lahat ni Nethon ang transaction na nangyayari sa pamilya namin, pag babantay sa Kyril? panakip lang iyon pero importante padin yun na trabaho. Kahit ang mga illegal na ginagawa ni Alexander alam niya, kung sino man ang mas may alam sa pinagagawa namin si Nethon yun.

"You need to tell Misha"

"Bakit ko naman sasabihin sa kapatid ko?" kumunot ang noo ko sa minungkahi niya.

"Kailangang iligpit si Mr. Chan, someone reported me, he already know who is Jafar"

Jafar is my codename, yung kontrabida sa Aladdin na palabas? basta yun!

"Misha can easily do that job" kibit balikat nitong sabi.

Masyado niyang inidolo ang kapatid ko sa pag gawa ng krimen, palibhasa ito nalang na babaeng Kyril ang natitirang matibay, si Belle at Alice tumigil na sa pag gawa ng krimen.

"Bakit di mo gawin?"

"Killing a guy is not my thing" maarte nitong sabi, may pag taas pa ito ng kanang kamay niya at pag kaway nito.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya, kung hindi ko lang talaga kilala ito baka masabi kong manyak ito, ang babae lang kasi pinapatay nito ewan ayokong pag usapan kung paano ito pumapatay, nawawalan akong kumain.

"Pinagsasabi mo" masungit kong sabi sakanya.

"I'm just suggesting, it's still up to you, pangalan mo din naman masisira not mine"

"Kung maka not mine ka, parang hindi Kyril ang dala mong apilyedo ha?"

"Atleast it's not Aladdin Ashton Kyril"

"Wow sumasagot kana kung isusumbong kaya kita kay Alexander?"

"Yeah whatever, just stop coming here will you? I'm tired seeing your face everyday"

"By the way, are you going to your office?" pahabol ko naman sakanya.

"Yeah, why?"

"Trace that Chan then report it to me" nilingon ko ito pero nakatingin lang ito saakin na para bang tamad na tamad siyang gawin ang inuutos ko.

"Ano? gawain mo yun kaya sundin mo inuutos ko, I have to go, sinasayang mo oras ko" inirapan ko ito bago ko sinuot ang Lang 01 K, Gentle monster sunglasses.

Sumakay naman ako sa kotse ko, bumisina pa ako nag papahiwatig na aalis na ako.

Mabilis akong nakarating sa basement ng kompanya namin, sumaludo naman saakin ang guard ng makita ako.

Nasa kabilang building ako, konektado naman ang basement dito at sa kabila, pero ang unang palapag lang nito ang konektado, ang ikalawa at pangatlo hindi na, dito kasi dumadaan ang mga tauhan papunta sa kabila.

Ang pangalawang palapag nito ginagamit ko na ngayon. Last year lang ako lumipat dito kasi nung doon ko pinaglalagay sa bar ko mismo ang mga illegal na pinaggagawa ko muntikan na sumabit.

Pinagalitan pa ako ni Alexander at inutos nito na gamitin ko nalang ang libreng espasyo sa HQ, umayaw pa ako nung una dahil ayaw ko ngang mag trabaho sa ilalim ng lupa.

Si Nethon lang ata yung mahilig mag trabaho sa ilalim ng lupat, si Alexander naman naa sa tuktok ng building nato, si Alice at Misha nasa itaas din kaso hindi katulad kay Alexander, syempre si Belle doon sa lupa, don sa shop niya, ito lang naman si Nethon ang nag tatrabaho sa ilalim ng lupa.

Wala na din akong magawa dahil syempre isang Peter Alexander Kyril na ang nag utos, pag siya na wala na kaming magawa kundi ang sumunod nalang kaysa ma badtrip si mahal na panganay, baka masuntok ang gwapo kong mukha pag mabadtrip ito. Ito pa naman palagi niyang sinasabi, siguro insecure yun sa mukha ko kaya gusto niyang bangasan ang perpekto kong mukha.

Sinamahan ko na din si Nethon dito sa ilalim ng lupa para naman hindi niya masyadong maramdaman na siya lang ang handang magpakalibing sa sarili. Pero syempre pag talaga may mangyaring masama, walang mahal na pinsan akong iisipin, uunahin ko sarili kong makalabas dito kaysa sa eh rescue ang isang yun na nasa ikalaliman ng lupa.

"Ashton! yung transaction natin sa mga baril" natarantang sabi saakin ni Tyler nang makita niya ako.

"Sa gwapo kong to ang dami kong problema pota" mahina kong sabi at nilingon si Tyler.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon