#Chapter38

55 1 0
                                    

#Chapter38

Jasmine's POV

Nanghihinang nilingon ko ang umiiyak kong anak.

"Congratulation it's a boy" masayang sabi naman ng doctor ko at binigay niya saakin ang bata.

Naiiyak naman ako habang tinitigan ito.

Nagising naman ako, si Hanz naman ang nag babantay saakin dito, sila ni Tyler at Hanz ang nag dala saakin sa hospital nang pumutok na ang tubig ko at sumigaw na manganganak na ako.

Naalala ko lahat ng pangyayari nang bumalik sila Ashton sa bahay.

Umaalis ito tuwing umaga, trabaho daw sabi niya kay Ashxyl, tuwing gabi naman ay trabaho din ang sinasabi niya kay Ashxyl pero alam kong sa bar ang trabaho nito.

Paulit ulit na ganon ang nangyayari, kumakain nga lang ito pag natapos na akong kumain. Nasa guestroom din ito natutulog. Natutulog akong kasama si Ashxyl pero kinaumagahan wala na ito kinukuha pala ni Ashton saakin at sakanya pinapatabi.

Minsan ko na din itong naabotan, amoy alak at amoy babae ito, sa tuwing naamoy ko ito hindi ko mapigilan na mag isip at umiyak na lang dahil wala naman akong magawa.

Nung una napag desisyonan ko itong harapan na ulit, hinintay ko itong umuwi galing sa bar pero masakit na salita lang ang natanggap ko sakanya.

"Don't act like you're my wife because you're not my wife anymore Jasmine" malamig niya itong sinabi saakin, paulit ulit na niyang sinasampalan saakin ang katutohanan na ang nawalan ng bisa ang kasal naming dalawa at isa nalang kaming sirang pamilya na naninirahan sa isang bubong dahil sa request ng nakakatandang pinsan nito.

Tinigil ko din ang pag hintay sakanya at patuloy ko na lamang itong iniiwasan, natatakot ako sa tuwing mag salubong ang mga mata namin, parang nangdidiri ito saakin at sa tuwing nag sasalubong ang mga mata namin sakit naman sa dibdib ang lage kong natatanggap.

Pinipigilan ko ang sarili kong kausapin ulit siya at gustong mag paliwanag, dahil gustong gusto ko talagang mag paliwanag sakanya para maging malinis naman ako sa paningin niya pero hindi ko na ito sinubok natatakot akong sakit na mga salita na naman ang matatanggap ko.

Wala na akong ibang natanggap sakanya kundi ang sakit na mga salita, minsan gusto ko ng mag selos sa sarili kong anak dahil nilalambing niya ito sa harap ko, may mga pasalubong pa si Ashton dito.

Yung mga crave ko gusto kong eh request pero kay Hanz ko lang ito magagawa, si Hanz ang nagbibili saakin ng kung ano anong gusto ko nag papasalamat nalang din ako.

Gusto ko man bumalik ang dati naming pamilya pero nag kalumot na ito na kahit anong gusto kong ayusin hinding hindi maayos kung ako lang mag isa.

Nagising din ako isang gabi na may humahaplos sa tiyan ko, sobrang kaba ang naramdaman ko non dahil sa takot na baka binalikan ako ni Celion, nakita mismo ni Ashton sa gabing yun pano ako kumilos dahil sa takot ko.

Siya lang naman pala ang humahaplos sa tiyan ko.

"I'm just here to say goodnight to the baby I saw you tummy move I think the baby is kicking and also get Ashxyl so Ashxyl can't disturb your sleep."

Pinigilan ko pa si Ashton non, gusto ko ulit siyang haplosin ang tiyan ko, siguro naramdaman ng baby ko ang presensya ng tatay kaya nag papansin pero tinabig niya lamang ang hawak ko, kinuha si Ashxyl at walang tingin tingin lumabas ang mag ama ko sa kwarto.

Ganon lang ang naging set up namin hanggang siguro ngayon, wala sa bahay si Ashton nang sumigaw ako na manganganak na ako. Hindi na din ako mag tataka dahil iniiwasan naman talaga ako nito. Hindi na din ako aasang bibisitahin niya ako at ang anak ko dito sa hospital.

"Asan si Ashton?"

"Binabantayan si Ashxyl daw"

"Talaga?" mahina kong sabi at tahimik lang ako.

Pumasok naman si Misha na may dalang Tupperware.

"Nakita ko na ang baby, sabi hindi daw kanya pero kamukha niya tsk" umiling iling pa ito, nilapag niya ang dalang prutas sa tabi ko.

"Kumain ka ng marami para may madede sayo si Ashton.... Jr." nakita ko pa ang pag ngiti ni Hanz sa sinabi ni Misha, kahit ako nailangako kung hindi niya siguro yun hinabolan ng JR iisipin kong si Ashton.

Binuksan niya naman ang dala niya at puro ito prutas, kumain nalang din ako.

"He looks like Ashton hyung" narinig ko pa ito kaya napalingon ako sa pintuan pumasok naman si Belle at Nethon, sumunod naman ang dalawang magkakapatid na si Alexander at Alice.

"He don't need DNA test, ipatingin mo lang sakanya ang mukha sa bata, kamukha niya talaga ito" Belle

"You already called him, Alexander hyung?"

"Yeah he just told me he's busy"

"Busy umiiwas lang tsk" Alice

"Send picture eh" Nethon

Lumabas naman si Hanz at umupo ang mag pinsan sa sofa.

"Annyeong Jasmine" bati naman ni Nethon, tumaas pa ang kamay nito at kinaway, ngumiti lamang ako sakanya.

Mabuti pa yung mga pinsan niya, nakita na ang anak ko siya mismo na tatay walang plano.

Sorry baby if I'm not with your father when I welcome you here.

"Ako talaga hihila sakanya pag hindi niya pinuntahan mag ina niya" sabi naman ni Misha sa tabi ko habang binabalatan niya ang orange.

"Hindi marunong mag isip lage nalang side niya iniisip niya, di ko alam san nag mana ang utak niyan" pahabol niyang sabi, gusto ko sanang matawa pero sa sitwasyon na ganito hindi ako matatawa.

Nakakawalang gana yung ganito, we still have an issue pero sana wag niyang isali ang anak namin sa galit niya saakin. I'm still trying to hate him.

-

Ilang araw na ang nakalipas ganon lang, si Misha lang ang bumibisita saakin at si Hanz naman ang nag babantay saakin.

Nawalan na din ako ng pag asang bibisitahin niya pa kaming mag ina.

"Mag layas ka kaya Jasmine" biglang sabi naman ni Misha sa kalagitnaan ng pag papadede ko sa anak ko.

"Anong mag layas?"

"I mean mag bakasyon lang kayong mag ina, isama mo si Ashxyl ako ang bahala."

"Pinagsasabi mo diyan?"

"Gumana kasi kila Alice at Belle yung mag layas try mo, tulongan kita" pilya nitong ngiti saakin, napangiti na lamang akong umiliglng dito.

"Kung hindi, kaya mo naman buhayin mga anak mo na wala siya, ewan ko lang sakanya kung kaya niyang mawalay sa mga anak niya"

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon