#Chapter25
Jasmine's POV
"uhm!"
"Ma!" binuksan ko naman ang mga mata ko at nakita ko si Ashxyl, ngumiti naman agad ito nang makita akong gising na.
"Good Morning baby" malambing kong sabi dito, kinarga ko ito at ipinatong saakin.
"That's dirty baby" kinuha ko naman ang maliit nitong kamay na kinakain niya.
"Ahh!" sigaw nito.
"Why are you here? asan si dada?" hindi naman ako sinagot niya hiniga niya nalang ang ulo niya sa dibdib ko kaya niyakap ko naman ito.
Isang taon na si Ashxyl, si Ashton ang nag pangalan nito, pagkatapos kong manganak at makapag hinga sinabi ko kay Ashton na gusto ko ng umuwi ng bansa, gusto na din makita ng mga kapatid ko ang anak ko.
Pero pinigilan kami ng mga magulang ni Ashton, dahil pag umuwi kami ng Pilipinas, sigurado daw silang hindi na nila makikita ang apo nila. Mabuti na din iyon dahil ang mommy ni Ashton ang tumutulong saakin mag palaki kay Ashxyl.
Nung una naalala ko umiyak pa ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kay Ashxyl, pinalitan ko na ng diaper, pinadede ko ayaw naman kaya umiyak ako buti nalang pumasok ang mommy ni Ashton para silipinin kami at siya nag pakalma kay baby Ashxyl.
Tinuruan niya naman ako sa gagawin ko sa tuwing iiyak, pero pag hindi ko na talaga kaya, pinupuntahan ko ito para humingi ng tulong.
Ngayon wala ang mga magulang ni Ashton, umalis sila ng bansa, yun daw ang hilig ng mag asawa, yun ang sabi saakin ni Misha, once a month bumibisita si Misha dito para makasama ang mga magulang, minsan dinadala niya ang pamilya niya minsan din siya lang mag isa. Malaki na din ang mga anak ni Misha at nag aaral na ang panganay.
Maagang nakapag salita si Ashxyl kahit ang lenggwaheng espanyol ay kaya niyang sabihin pero yung mga madali lang, nagulat pa ako nung una pero nalaman kong ang daddy pala ni Ashton ang nag tuturo nito.
Marunong na din itong mag lakad pero hindi pa tuwid pero marunong ng bumaba sa crib niya, alam niya paano buksan ang crib niya at bumaba para lumipat dito sa kama.
"Right wala pala si dada ngayon"
Si Ashton naman ay umuuwi sa Pilipinas dahil sa negosyo. Hindi lang daw ang bar ang inaasikaso niya kahit yung illegal na ginagawa niya, alam ko yun syempre dahil don kaya nag tagpo ang mga landas namin dalawa. Kung hindi naman kasi ito krimenal paniguradong hanggang ngayon party girl padin ako. Hinayaan ko siya sa buhay niya basta wag na wag niya akong eh damay sa kagagohan niya o yung pamilya namin.
Bumangon naman ako at kinarga si Ashxyl, lumabas naman kami ng kwarto.
Simula nung ipinanganak ko si Ashxyl, wala na akong pakialam sa kalat ng buhok ko o wala akong make up, lalo na't ako lang mag isa sa bahay nato.
Puro katulong, bantay at si Hanz lang palagi kong kasama dito sa tuwing aalis ang magulang ni Ashton at aalis Ashton.
Pag talaga makabalik na ako sa Pilipinas talagang mag wawala ako don, wala akong pakialam, si Ashton naman mag alaga kay Ashxyl parang napabayaan ko na ang sarili ko.
Hindi ako lumalabas sa bahay nato at gumala lalo na't ako lang mag isa, sa pool area lang para mainitan naman si Ashxyl. Ayoko naman gumala baka mawala pa kami ng anak ko, hindi pa naman ako marunong mag espanyol lalo na hindi ko naiintindihan ang lenggwahe nila.
Kaya ito taga alaga nalang ng anak ko ang kaya kong gawin dito, hindi naman nakakapagod dahil nakikipag laro naman si Ashxyl saakin tulad kay Ashton, ako pa ang nag turo nito mag salita at mag lakad.
"Should I teach how to count?" malambing kong sabi nito, bigla naman itong tumalon talon na parang gusto niya ang sinabi ko, tumawa naman ako ng mahina.
Nadaanan naman namin ang portrait ni Ashxyl, nang mag dalawang buwan na si Ashxyl matapos ko itong pinanganak, pinagkagulohan ng media ang pamilya namin, simula nung tumungtong kami sa lugar nato, walang nahagilap na mga balita ang media tungkol saamin.
Nabalitaan lang nilang nanganak na ako nung nag release ang magazine company, yung company na pinagkakatiwalaan ng pamilyang ito, may larawan naming tatlo don at solo ni baby Ashxyl.
Kinuha lang ito dito sa bahay, ayaw pa ni Ashton na ilabas labas si baby Ashxyl kaya dito lang kinuha ang mga larawan sa bahay.
Pagkatapos namin kumain ni Ashxyl bumalik lang kami sa kwarto at naglaro lang kami hanggang sa mapagod ito at natulog sa tabi ko, napag desisyonan ko na din matulog habang yakap yakap ko ito.
Nagising naman ako nang wala akong makapa sa tabi ko, mabilis akong bumangon at hinanap ang anak ko pero hindi ko ito nakita.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, malikot pa naman ito, lumabas naman ako ng kwarto at tumakbo pa baba.
"Give it to dada baby" natigilan naman ako sa gitna ng hagdan nang matanaw ko ang anak ko, kumalma naman ang pag tibok ng puso ko nang makita kong kasama nito ang daddy niya.
"Very good!" masayang sabi ni Ashton.
Akala ko ba bukas pa ang uwi nito? nung isang araw lang ito umalis, masyadong mahaba ang oras ng byahe hindi ba ito napagod? nakipag laro pa kay baby Ashxyl kaysa natulog.
"Mama!" sigaw naman ni baby Ashxyl, napangiti naman ako don.
"Mommy is still sleeping, siguro pinapagod mo si mommy no kaya humihilik ito kanina?" tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng mag ama.
"Mama!"
"Sabi ko sayo bago ako umalis dapat behave ka lang para hindi pagod lage si mommy ayan tuloy tinatawag mo kahit tulog, ako muna mag aalaga sayo" malambing nitong sabi sa anak at kiniliti niya naman kaya nag tawanan ang dalawa.
Maganda tignan ang dalawa, masyadong malapit si Ashton sa anak, hindi nga ako na dismaya nung sinabi kong iingay lang ang bahay pag andiyan siya, dahil umingay na ulit ito nang dumating siya, ingay na masarap sa pakiramdam. Tawa nilang dalawa ang bumabalot sa bahay nato.
"Gising ka na pala" tumango at ngumiti lang ako sakanya bago niya binalik ang atensyon sa anak niya.
"Mama!"
"Why? ayaw mo na kay dada dahil gising na mommy mo?" parang batang sabi ni Ashton.
Nakipag lambingan naman si Ashxyl sa daddy niya, nakita ko ang saya sa mga mata ni Ashton sa tuwing nakikipag laro ito sa anak.
Kung hindi lang talaga ito babae ang anak namin, paniguradong JR ito ni Ashton dahil sa pareho nilang mata at ilong nung bata pa si Ashton, nakita ko ang mga baby pictures ni Ashton, pinakita ito ng nanay niya.
"Kiss dada" mabilis naman sinunod ni Ashxyl ang sinabi ni Ashton, wala akong kalambing lambing sa katawan. paniguradong kay Ashton nakuha ni Ashxyl ang pagiging malambing nito.
"Love na love ka ni dada hokie?" sumigaw naman si Ashxyl, no I mean tumili ito bago ulit sila nag tawanan dalawa.
Nang dumating si Ashxyl sa buhay namin, binuhos niya lahat ng atensyon dito, when I said lahat ng atensyon, literal na lahat ng atensyon niya ay nakapukos kay Ashxyl.
Bumuntong hininga naman ako, tinignan ko ulit sila bago napagdesisyonan na bumalik sa kwarto.
-
Ashxyl (Pronounce: Ashel) Jas Veingle-Kyril ♡
BINABASA MO ANG
His Unheard Feelings ✔
RomansaKyril Series #5: His Unheard Feelings Aladdin Ashton Kyril is the second child of the Kyril. He act like a kid, freedom is like his third name. He is the second powerful Kyril next to Alexander when it comes to business but he choose to enjoy his li...