#Chapter39
Jasmine's POV
Hanggang sa pwede ng lumabas ang anak ko sa hospital ganon lang ang sitwasyon namin. Si Misha lang ang nag aalaga saakin walang Ashton na nagpakita saakin.
"Alam mo minsan hindi ko talaga maintindihan utak ng kuya ko o sadyang wala itong utak" sabi naman nito habang nag mamaneho.
Nasa likod si Ashxyl nakikipag laro kag Jackson, tinuloy talaga ni Misha ang plano niya, kahit ayaw ko wala akong magawa dahil kahit mga gamit namin ni Ashxyl ay dala niya.
Tinanong ko pa ito pano niya nakuha si Ashxyl, sabi niya si Tyler daw ang naging bantay nito dahil may emergency si Ashton at kasabwat niya naman ang mga tao sa bahay mula kay manang hanggang sa mga bantay sa tao. Hindi ko alam pano niya ginawa yun.
"Masyadong isip bata, yes sinabi niya saamin ang nakita niya pero nung tinanong namin kung nag usap kayo, wala siyang masagot tapos umalis pa ito ng bansa kasama si Ashxyl. Ewan isip bata talaga! tutol nga kami nung mag file siya ng annulment, si JM pa pinagalaw niya pero namin ito napigilan, nagulat na lang kami sa anunsyo niya"
Nang maging malapit kami ni Misha, nalaman kong tulad lang din pala ito ng kapatid niya masyadong madaldal.
Nakasunod naman saamin si Hanz, ihahatid niya lang daw kami bago ito bumalik sa amo para daw ilabas niya ang acting skills na nalalaman.
"Gusto ko talaga bugbogin ang kapatid ko, mas kampi pa ako sayo kaysa sa sarili kong kapatid"
"Sigurado ka ba dito Misha?"
"Yes, bibisita naman ako sainyo araw araw sama ko si Jackjack para may kalaro si Ashxyl."
"Kay Belle gumana itong paglalayas, hinanap niya pa si Belle noon kahit saan lupalop ng mundo ito nag tatago, tapos si Alice din! sa Spain pa nagawa si Zyros" umiling iling ito habang inaalala niya lahat ng kwento ng mga pinsan niya.
Wala akong alam sa kwento nilang mag pipinsan, hindi naman kasi kami close ng mga pinsan niya.
"At isa ipagtutulakan ko talaga si Ashton na hanapin ka, andito ka lang naman sa Manila kaya hindi ito mahirapan hanapin ka."
Hindi ko alam ang takbo ng utak ni Misha, sinabihan niya din akong wag daw muna akong pumasok sa trabaho, alagaan ko muna ang mga anak ko, yun naman talaga ang gagawin ko dahil wala naman akong katulong sa pag aalaga nitong dalawa.
-
Isang buwan na ang nakalipas, andito padin kami sa maliit na bahay na di ko alam san nahanap ni Misha.
Bumibisita padin si Misha saamin hanggang ngayon. Binabalitaan niya naman ako pero pakiramdam ko palpak ang gusto niyang mangyari dahil ang sabi niya umuwi daw ito ng espanya, yun ang sabi sakanya ni Misha at hanggang ngayon wala na silang balita sa kapatid niya.
Kahit sila Tyler at Hanz daw ay nasa kompanya na daw nag tatrabaho, inambandon ni Ashton.
Sinabihan ko din si Misha bakit niya kasi ginawa ito yan tuloy palpak.
"Alam mo kaya ka tinatrato ni kuya ng ganon dahil kampante siyang andiyan ka lang at mag titiis hanggang sa makapag desisyon siyang bumalik sayo"
Yan ang sinabi niya saakin.
"Kaya naisip ko din ito para naman magising siya na hindi habang buhay kang mag titiis, mapupunot mapupuno ka at iwan mo din siya para magising siya na hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Tignan natin kung hindi kayo hanapin mag ina. Family is important to us Jasmine and babies can make my kuya happy lalo na siguro kung anak niya ito, Ashxyl and Jackrill can make my kuya complete kahit wala itong asawa."
"Nasa mansyon ito naninirahan ngayon alam mo bang sa tuwing nakikita niya ang mga anak namin na nag lalaro, nakatingin lang siya don hanggang sa mag sawa siya at aalis ng bahay"
"Pero nagulat na lamang ako isang araw sabihan niya akong uuwi siya ng Spain, wala namam daw kasing rason na mag stay pa siya dito. Tatakbo naman ang bar niya dito ng wala siya."
"Gusto ko itong pigilan pero pinigilan ko ang sarili ko, gusto ko itong magising isang araw at sabihin niyang mas kailangan niya kayo kaysa sa pride at ego niya"
Pilit kong inintindi lahat ng sinabi saakin ni Misha pero minsan gusto din puntahan si Ashton at ipakita sakanya ang mga anak niya.
"Tita Misha!" biglang sigaw ni Ashxyl nang makarinig ito ng kotse sa labas, kilalang kilala niya ang kotse ng tita niya.
"Ayan na si tita Misha baby Jackrill!" masaya kong sabi sa anak kong karga karga ko.
Pumasok naman sila Misha kasama ang anak na si Jackson, sumunod dito ay sila Tyler na may dalang groceries.
Kinarga naman ni Misha si Jackrill kaya tinulongan ko sila Tyler sa pag aayus ng mga pinamili nila.
Umingay ang maliit naming tinitirhan ngayon dahil sa paglalaro ng dalawang bata.
"Kailangan mo ata ng katulong dito Jasmine" Hanz
"Hindi okay lang, mas okay saakin na ako nag aalaga sa mga anak ko may naging oras ako" ngumiti naman ako dito.
"Namayat ka na, dumedede pa sayo si Jackrill tapos nag aalaga ka pa sa anak mo, you're not sexy anymore" pabirong sabi ni Tyler na siyanf ikinatawa namin ni Hanz.
"You find me sexy huh?"
"Of course duh, sino ba hindi ma sesexyhan sayo noon pa kahit dalaga ka."
"That's good to hear, parang nagka gana ulit akong mag ayus sa sarili ko" pabiro kong sabi dito.
"Mag pahinga ka muna don Jas, kami na dito mag luluto ng makakain" tumango na lamang ako at lumabas ako ng kusina.
Napangiti naman akong nakikita si Ashxyl na nakikipag laro kay Jackson habang si Misha naman ay nag baby talk kay Jackrill at tumatawa maman ang anak ko.
"This is where are you hiding after all?" natigilan naman kami ni Misha nang marinig namin ang pamilyar na boses kahit si Jackjack at Ashxyl ay natigil sa pag lalaro.
"Daddy!" sigaw ni Ashxyl, nakatulala ko lang itong tinitigan.
BINABASA MO ANG
His Unheard Feelings ✔
RomanceKyril Series #5: His Unheard Feelings Aladdin Ashton Kyril is the second child of the Kyril. He act like a kid, freedom is like his third name. He is the second powerful Kyril next to Alexander when it comes to business but he choose to enjoy his li...