#Chapter21
Jasmine's POV
Kahit mismo si Ashton hindi mawala ang tingin sa larawan naming tatlo.
"I always see your pure laugh and smile when you're with your siblings, I can see how much you love them"
"I love them, I can be their parent if they need some"
Willing akong maging magulang pag tungkol na sa mga kapatid ko, kaya mahal na mahal din ako ng mga ito dahil sa pinapakita kong pagmamahal sakanila.
"Their love is already enough for me" mahina kong sabi habang nakatingin sa larawan.
Nakarinig naman kami ng pag ubo kaya napalingon kami sa pinto, nakita ko ang mga pinsan nito.
"We are here to see you and ofcourse to take some pictures" excited na sabi ni Belle.
Pumasok naman ang photographer, inalalayan naman ako ni Ashton pabalik sa inupuan ko kanina, tumabi naman ito saakin syempre pumwesto na din sa likod namin ang mga pinsan nila kasama ang mga asawa nito.
"Nag mumukha talagang ako lang ang walang asawa dito" tumawa naman kami sa naging turan ni Alexander.
"Ang bilis ng panahon hyung, nung ako ang kinasal, kabilaan kayo ni Ashton hyung dahil wala kayong mga partner tapos ngayon ikaw nalang ang naiwan"
Bilib din ako sa pamilyang to, kahit anong karangyaan ang meron sila, kung makaasta ang mga ito parang hindi mayayaman at hindi tinitingalaan ng maraming tao. Gulat nga ako nung una dahil kumakain pala ito ng streetfoods which is hindi ako kumakain, sarap na sarap pa si Ashton at Nethon kumakain sa harap ko nung nakaraan ng balot.
Iniwan naman kami ng mga asawa nito para makakuha ng larawan ang mag pipinsan na kasama ang ikakasal.
Hindi din sila nag tagal, umalis din ang mga ito dahil sa mga anak nito. Pumasok naman ang mga magulang namin ni Ashton.
Kumuha din kami ng larawan na kompleto na kami, ngayon lang ako binisita ng mga ito, tinanong ko si Jewell kanina kung nasaan ang mga magulang namin ang sabi niya sinasamahan daw si Ashton na eh welcome ang mga bisita, kaya sila lang magkapatid ang bumisita saakin kanina.
"Take care of your wife son okay?" tinapik tapik pa ng tatay ni Ashton si Ashton sa balikat.
"Ngayon na ikakasal ka na at mag kakapamilya ka na, maniniwala na akong hindi ka bakla" tumawa naman ako ng mahina sa sinabi ng tatay nito, pumalag pa si Ashton sa tatay niya pero nilingon niya lamang ako at ngumiti.
Walang tigil kong naririnig ang pag click ng camera, kahit na nagsasalita ay patuloy lang ito, kanina pa ito kaya may mga larawan na masyadong maganda ang kuha dahil puro ang pinapakitang emosyon sa harap ng camera.
Hindi lahat ng candid ay maganda lalo na't scripted ang candid mo.
Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa mag amang nagkukulitan. Talagang sa tatay siya nag mana sa kakulitan niya, masaya naman ako na ganon pala ka close ang dalawa. Kabaliktaran naman si Misha sa kapatid at tatay niya, hindi naman masungit ang nanay ni Ashton, sa maikling panahon na nag sama kami ng magulang ni Ashton napansin kong malambing itong nanay niya kaya nakapag tataka kung saan nakuha ni Misha ang pagiging matalas ang dila at masungit.
"Pinuntahan ka na ba ng mga kapatid mo kanina anak?" tanong naman saakin ni mommy tumango naman ako bilang sagot.
"Umiyak ang dalawang yun bago kami umalis sa bahay"
"huh? bakit po?"
"Kasi mawawalan ka daw ng oras sakanila"
"They can visit me naman po o di kaya ako ang bibisita sakanila, nothing change, parang tulad lang ng dati nung lumipat ako ng bahay."
"Umiyak din kaya ang mga kapatid mo non, pinipilit nga ako ni Jazreal na pumayag na sumama sayo"
"Hindi ko alam yun mom" ngumiti naman ito saakin.
"Ikakasal na ang anak ko, paniguradong magiging mabuting ina ka dahil naging mabuti kang kapatid sa mga kapatid mo, they said you're the best, alam kong sasabihin din iyon ng magiging anak niyo"
"Let's stop this drama mom" umirap naman ako nang makita kong naluluha na ang nanay ko.
May kumatok naman sa pinto, bumukas ito at pumasok si Alexander.
"The ceremony will start" tumango naman kami, kasabay ni Alexander sa paglabas ang mga magulang namin.
"Are you ready?" tipid lamang akong ngumiti kay Ashton, hinalikan niya pa ako sa noo ko bago inalay ang kamay nito para tumayo kami.
May kurtinang nakaharang sa entrance ng garden.
"Let's all welcome the soon to be married couple, the groom with his beautiful bride" sabay naman nag palakpakan ang lahat at bumakas ang kurtina.
Nakita ko ang dami ng tao lahat sila ay nakatingin saamin at may ngiti sa mga labi, masaya ang mga ito habang nakatingin saamin ni Ashton na naglalakad sa isle.
Nag simula namang umulan ng mga flash ang camera ng mga mediang andito, hindi matanggal tanggal ang ngiti namin ni Ashton dahil don.
hanggang sa marating kami sa altar, andon ang pari.
"You may now kiss the bride" anunsyo ng pari matapos kaming mag palitan ng vows at I do ni Ashton.
Napuno naman ng sigawan ang buong garden, humarap kami sa isa't isa, he cupped my cheeks and kiss me gently.
Lumakas naman ang palakpakan ng mga tao at mas dumami ang flash ng camera nang mag lapat ang mga labi namin ni Ashton.
"Let's all give an applause to the newly wed everyone!" sigaw naman ng MC, ngumiti pa saakin si Ashton nang mag hiwalay ang mga labi namin. Humarap naman kami sa madla.
Umakyat naman sa entablado ang pinsan ni Ashton na si Nethon at kumanta don, masaya naman akong pinapanuod ko itong kumakanta.
"Hoping for happy married for both of you" yun ang huling sinabi ni Nethon bago bumaba sa entablado at lumapit sa pamilya nito.
Nag simula naman ang celebration ng lahat, may speech ang mga kaibigan ko saakin at para kay Ashton, kahit ang mga kaibigan ni Ashton na sila Tyler, Hanz at ang asawa ni Misha. Syempre hindi mawawala ang kapatid nito, parang pinapagalitan niya ang kapatid niya sa speech niya kaya napuno ng tawanan ang buong garden.
Lumapit naman ang pamilya namin ni Ashton para sa isang picture taking.
Binagsak ko naman ang katawan ko sa kama nang makapasok kaming dalawa ni Ashton sa hotel room namin.
Maagang natapos ang seremonyas dahil sa pagod na naramdaman ko at maaga din umalis ang mga pinsan ni Ashton dahil sa mga anak nito, pati na din ng mga magulang ko.
Tamad akong bumangon at hinubad ko ang suot kong wedding dress, tinulangan namana ko ni Ashton nang makita niya akong nahihirapan.
Nag bihis naman ako ng pang tulog at nag tanggal ng make up at nag hilamos.
"I'm going to sleep, I'm tired" yun ang huli kong sinabi bago ko hinayaan ang sariling lamonin ng antok.
BINABASA MO ANG
His Unheard Feelings ✔
Roman d'amourKyril Series #5: His Unheard Feelings Aladdin Ashton Kyril is the second child of the Kyril. He act like a kid, freedom is like his third name. He is the second powerful Kyril next to Alexander when it comes to business but he choose to enjoy his li...