#Chapter2

81 1 0
                                    

#Chapter2

Ashton's POV

"Nethon's station said to me earlier na may humarang kila Hanz para ma deliver yung mga drugs" Tyler

"Tapos? yung transaction sa mga baril?"

"May problema sa mga dealer, gusto nilang eh cancel yung pagbili natin"

"Akala ko ba tapos na ang pakikipag deal diyan?"

"Just steal it" matipid kong habol sakanila, hindi naman sila makapaniwala sa sinabi ko.

Minsan ko lang sabihin ang mga katagang yun kaya siguro nagulat sila. Minsan na namin nagawa yun pero naging palpak, kaya nga muntikan na kaming sumabit sa bar.

"We can't do that Ashton"

"What? it's easy than dealing with them"

"Ashton"

"Fine, I'll go to Nethon right now." sabay gulo ko sa buhok ko.

Ang aga aga ang dami ko agad problema.

"Mabuti pa at makapag trabaho ka naman paminsan minsan" inirapan ko lamang ito.

Masyado na ata itong kampante kung makipag usap saakin, kung di ko lang talaga kailangan si Hanz at Tyler, hindi ko ito hahayaan na ganito ako tratohin.

Boss padin naman ako! kaso hindi lang ako ang gumagawa ng trabaho, taga utos lang ako, mas masaya kung taga utos ka lang tapos nag sasaya ka sa buhay mo.

"Let's go to the bar later! I have some deals to do!" sigaw ko bago ko nilisan ang lugar na yun.

"Alice?" lumingon naman ito saakin, mabilis akong tumakbo palapit sakanya.

"Bakit ka andito?"

"Ikaw bakit ka andito?" pabalik nitong tanong saakin na siyang nag pa busangot saakin.

"Ako una nag tanong!"

"tsk childish, I'm just here nothing special" tamad nitong sabi.

"Andito na ba si Nethon?"

"Kararating lang"

"Hokeeey adiós" kumaway ako dito at mabilis na sumakay sa elevator pababa.

Ako lang talaga yung unique saaming mag pipinsan, feeling cold kasi itong mga pinsan ko, ako lang yung naiiba sa kanila, syempre hindi ako cold eh tapos gwapo pa total package na talaga! swerte ng mapapangasawa ko.

Nakita ko naman agad si Nethon, kausap ang secretary niya.

"My favorite cousin!" sigaw ko dito kaya natigilan ang lahat at napatingin naman saakin si Nethon.

"What?"

"Miss mo ba ako?"

"No, what's the problem?" tumikhim naman ako hudyat na mag seseryoso na ako, umupo naman ang secretary niya sa desktop nito at pinagkakabalahan ang pinag uutos ko kaninang umaga.

"Should we our dealers?"

"Pinagsasabi mo?"

"Papayag kaya si Misha sa iuutos ko?" nagtatakang tinignan naman ako ni Nethon at hindi ito nag salita.

"Our dealers want to cancel our deals" kibit balikat kong sabi pero hindi padin ito nag salita.

"Just find out first kung sino may kagagawan nito" tamad kong sabi naman sakanila.

"Wala ka talagang kwenta pag dating sa trabaho"

"Hoy meron ha!"

"Hyung di ko pa nakakalimotan ginawa mo nung ikaw nag tatrabaho dito, muntikan ng may mangyaring masama kay Venice nung ikaw ang may hawak ng lugar nato, tapos ngayon ganyan ka walang kwenta ang mga suhwestyon mo"

"Dami mong sinabi wala akong naintindihan"

Muntik ng may mangyari kay Venice nung nakaraan, buti nalang talaga mabilis ang bantay ni Venice, sinama ako ni Belle sa pinagalitan, si Venice lang dapat yung pagalitan kaso nasali pangalan ko don kaya ayun pati ako nasali ng wala sa oras, dinepensahan ko naman ang sarili ko kaso bugbog sarado naman ako kay Belle.

"Dagdag ka sa sakit sa ulo"

"You know my favorite cousin" inakbayan ko naman ito pero sinulyapan niya lang ako ng masamang tingin, ngumisi lamang ako dito.

"Doing some works na nakakasakit sa ulo is not my thing, enjoying life is my thing"

"Kaya hindi ka nag kaka girlfriend"

"Bakit? mas gusto ko si Achelois" ngumisi naman ako sakanya pero bigla niya akong nilingon at tinignan ng masama.

"stop it hyung"

"My favorite cousin, I don't do relationship"

"Whatever hyung! pinunas ka nalang sana ni tito Momus sa kumot, wala ka naman palang kwenta"

"Ang bastos mo!"

"Umalis ka na ayokong makita ka masyado kang disturbo"

"Yeah, I need to get ready, I'll make some deals later, report me anytime my cousin okay?" nag okay sign pa ako bago ako umalis.

Dumiretso naman ako sa opisina ni Alexander, bumungad naman saakin ang lumilipad ang utak sa kung saan na si Alexander.

Kumunot naman ang noo ko, di naman kasi ito, sa tuwing bumibisita ako dito, nakaharap ito sa laptop, may kausap o binabasa o di kaya kaharap ang mga papeles.

"Problema mo?" napabalik naman ito sa sarili niya at napatingin saakin.

"Oh you're here? why?"

"Just chilling"

"I heard you have some problems, Tyler report it to me. May oras ka pang mag chill?" tumaas naman ang kilay nito.

"Hinahanapan ko na nga ng solusyon, may problema ka ba?"

"I'm just tired"

"You should get some rest, ever since binigay sayo ang tronong yan, di ka na nag papahinga"

"Dagdagan niyo pa"

"Oh wala akong binibigay sayong problema" depensa ko sa sarili ko.

Dahil siya yung panganay sa lahat, sakanya ibinigay ang mabigat na responsibilidad, ang kompanya at kami.

I heard to tito Ricardo, his main responsibility is us, kailangan niyang siguradohin na hindi kami naiipit sa sitwasyon o sinisigurado niya ang mga ginagawa naming kapabayaan ay hindi maging resulta ng pagkasira saamin at syempre sa pangalang inalagaan simula pa sa lolo at lola namin.

Tumutulong din naman ako sakanya pero masyadong mabigat ang responsibilidad niya kaya hindi ko pwedeng akoin ang kalahating porsyento ng responsiblidad niya. Pwede ba yun? I think pwede. Kaya tumutulong nalang ako dito, hindi din ako gumagawa ng kagagohan.

Nagtanda na din ako nung huling kagagohan ko kasi kahit kapatid niya pinagalitan ako, di lang ako pati din si Alexander. Ayoko na din yun mangyari, ang daming nasaling sibilyan. Kaya mas lalo kong naintindihan bakit pinipilit ng mga magulang namin, magsama sa isang lugar ng patago, walang nakakaalam kundi kami lang na pamilya.

Masyadong delikado pag naging isang Kyril ka, lahat ng galaw mo pinapanuod ng madla at ng mga pamilyang nabangga ng pamilya namin.

"May pumunta dito"

"Oh tapos?"

"Ikaw ang hinahanap" masama niya naman akong tinignan, mabilis kong tinaas ang dalawang kamay ko sa ere.

"Wala akong ginawa!" depensa ko dito.

"It's from Veingle Empire" binaba ko naman ang mga kamay ko.

Kilala ko ang Veingle, sino ba naman ang hindi makakakilala sakanila? palaging may article ang mga anak nila, tungkol sa issue, kung kami tinatago namin ang pwedeng makapag sira saamin ang pamilyang yun pinapakita nila kung anong pwedeng ma issue sakanila, lalo na yung panganay nilang anak, araw araw atang may issue yun.

"Bakit anong meron sakanila?" seryosong sabi ko.

Masyadong sakit sa ulo ang panganay nito dahil kahit ako, sinasali sa public life niya. Kung di lang ako umalis, siguro hanggang ngayon, ginugulo padin ako nito.

Napailing naman ako nang maalala ko lahat tungkol sakanya at ano ang pinagdaanan ko sa babaeng yun.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon