#Chapter37

52 1 0
                                    

#Chapter37

Jasmine's POV

Binukas ko ang mga mata ko, puting kisame ang bumungad saakin. Masakit ang ulo kong pilit na bumangon.

"Gising ka na pala"

"Hanz?"

"Nawalan ka ng malay pagkatapos ng pangyayari, dalawang araw kang natulog"

"Asan si Ashton? si Jazreal ba?"

"Jazreal is fine, galit ito ngayon kay Ashton, hindi na din namin mabago ang isip nito kaya hinayaan namin ito."

"Si Ashton?"

"Nasa bahay binabantayan si Ashxyl"

"Binibisita niya ba ako dito?" nagbabakasali kong tanong pero umiling lang ito.

"Misha visited ko, siya ang nag babantay sayo tuwing gabi" tumango na lamang ako bilang sagot.

"Nagugutom ka ba?"

"I'm fine gusto ko nalang umuwi"

"Kailangan mo munang mag pahinga Jasmine kung hindi makukunan ka talaga" napalingon naman ako sa nagsalita si Misha.

"Wag mong ipilit ang sarili mo lalo ka lang ma stress niyan, hindi nakakabuti sa bata sa tiyan mo and the worst is makukunan ka"

"I will pero gusto kong magpahinga sa bahay"

"Mag asawa nga parehong matigas ang ulo, fine! I will take care of the papers" masungit nitong sabi at lumabas ng kwarto.

Humiga ulit ako at pinikit sandali ang mga mata ko.

Hinatid naman ako ni Misha sa bahay, nag habilin pa ito ng kung ano ano, wag daw mag palipas ng gutom, kumain ng masustansyang pagkain basta yung nakakabuti sa sinapupunan ko.

Bumuntong hininga naman akong pumasok, nag taka pa bakit may mga bantay na dito sa bahay pero binalewala ko nalang ito sa isip na baka pinadala nila daddy para hindi na maulit ang nangyari saamin ni Jazreal.

"See mommy! please!" iyak ng bata ang bumungad saakin pag pasok ng bahay.

Nakita ko si Ashxyl nakaupo sa sahig habang ang si Ashton pinapanuod si Ashxyl na nag wawala.

"We will see mommy Ashxyl stop it" Ashton.

"Now! see mommy" naluluha ko naman silang pinanuod.

"Later Ashxyl Oh ghad, you're being like this since umuwi tayo dito"

"Ashxyl" mahina kong tawag dito pero narinig naman nilang dalawa dahil sabay silang napalingon saakin. Tumayo naman itong si Ashxyl kaya lumuhod ako para salubongin siya ng yakap. Mabilis itong yumakap saakin kaya napaiyak naman ako habang nasa bisig ko ang anak ko.

"Mommy" umiiyak na din ito kaya napatawa ako ng mahina. Namimiss ko boses ni Ashxyl.

"Ashxyl miss mommy" sabi naman nito habang umiiyak.

"Ashxyl is big na" sabi ko naman at humiwalay ako dito ng yakap, tinignan ko ang mukha nito pero mas lalo itong umiyak kaya tumawa na lamang ako at pinunasan ang luha nito.

"Ashxyl miss mommy" paulit ulit nitong sabi, hinalikan ko ito sa labi niya at ngumuti.

"Mommy miss Ashxyl too" niyakap ulit ako nito.

"Stop crying na Ashxyl, Ashxyl is big now, hindi pwede umiyak ang big girl" tumahan naman ito, humigpit ang yakap nito saakin.

"Ashxyl hungry" mahina nitong sabi.

"You want mommy to cook for you?" Kinarga ko naman ito.

"Ang bigat na nga ni Ashxyl, big girl na talaga" Hindi ito nag salita at niyakap lang ako sa leeg, pumasok naman kaming dalawa sa kusina.

"Manang?"

"Ma'am Jasmine" masaya nitong bati saakin at tinigil ang pag luluto nito.

"Nangayayat ka na Ma'am, sana pala hindi nalang po kita iniwan dito."

"Okay lang yun manang"

"Dito na po ulit ako mag tatrabaho, sisiguradohin kong makakain ka limang beses sa isang araw ma'am at mabubusog din ang baby niyo po" tumawa naman ako ng mahina sa naging turan niya, bumalik ito sa pag luluto.

"What's that manang?"

"Spaghetti po, pinaluto ni sir Ashton kasi request daw ni Ashxyl, don nalang po kayo sa dinning mag hintay malapit na din naman ito" tumango nalang ako at lumabas kami ng kusina.

Nakita ko naman si Ashton na nakatayo don, kapapasok palang, tinitigan niya ako pero umiwas ako ng tingin dito.

Biglang sumikip ang dibdib ko nang maalala ko ang mga sinabi niya kay Celion, naiintindihan kong galit siya saakin pero di ko maiwasang masaktan dahil parang nawalan ito ng puso sa sobrang galit saakin.

Pinaupo ko naman si Ashxyl sa upuan niya at umupo ako dito sa tabi niya.

Iniiwasan kong mastress kaya ayoko munang makausap si Ashton, gusto kong iluwal ang pangalawang anak namin na walang problema. Okay lang saakin kung hindi niya tanggap ang anak ko sa sinapupunan ko pero pag lumabas ito, ipipilit ko sakanya, ipa dna ko pa ito sakanya para maniwala siya.

Tanggap ko ang mga masasakit na salita galing sakanya pero hinding hindi ko matanggap yung hinayaan niya akong mapahamak, hinayaan niyang mapahamak kaming mag ina niya.

Hinalikan ko sa noo si Ashxyl.

"Mommy"

"Yes baby?"

"Mommy!" masaya nitong tawag saakin, tumawa pa ito kaya napangiti na lamang ako habang tinitigan si Ashxyl.

"We're going to stay here because of Alexander's request" natigilan ako nang marinig ko ang boses niya malapit saakin.

"Okay, I will call Alexander later to thank him" sabi ko naman dito ng hindi nililingon.

"No need to call him, just stay here with Ashxyl" tumango na lamang ako bilang sagot.

Nagulat na lamang ako nang nasa tabi na ito ni Ashxyl kaya humarap na ako sa mesa at makipag titigan sa kaharap kong upuan. Ayokong tignan siya sa mata, sumasakit lang dibdib ko.

I want to hate him because of what happen but I can't mas mabuting umiwas nalang sakanya para iwas sakit sa dibdib.

"Aalis muna si daddy Ashxyl, be good to your mommy okay?"

"Hokehh"

"I love you" bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya pero naisip kong para yun kay Ashxyl right! never ko itong narinig mag I love you saakin.

"Alabyo daddy mwah!" tuloyan naman itong umalis.

Buong mag damag ko ngang kasama si Ashxyl, gabi na ng umuwi si Ashton pero nag bihis lang ito.

"Daddy will go to work today Ashxyl" sabi niya naman sa bata, nakatingin lang ako sa tv, nanunuod kami ngayon ni Ashton ng cartoons nang umupo ito sa tabi ni Ashxyl, umusog naman ako ng kauti nang masagi niya ako.

"Daddy stay"

"I don't want. Sleep early Ashxyl okay? we will sleep together later okay?" nakita ko naman sa peripheral view ko na hinalikan niya si Ashxyl.

Galit padin pala ito saakin dahil ayaw niyang mag stay dito, kaya ba umaalis ito? bumuntong hininga nalang ako at tumayo, dumiretso sa kusina.

Ganito ba magiging set up namin lage? ako andito sa bahay mag damag habang inaalagaan ang anak namin habang siya iniiwasan niyang mag sama kami sa isang bubong?

Do you really hate me that much Ashton? you're hurting me so much right now. I really want to hate you but I love you.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon