Alternatives to "sabi" in
Dialogue Tags
- J. R. Agustin
1. Wika, pagwiwika
- Ito raw po proper form ng "ika niya" and "aniya"
2. sagot, katuwiran, pangangatuwiran, paliwanag, pagwawari, pagpapaliwanag, paglilinaw, paglalahad, lahad, babala, tugon, pagtugon, pagtalima, talima, bulgar
- Pag ang salaysay ay sagot sa tanong
3. tanong, duda, pangungulit, pagtatanong, pagkukuro, pagkakagulumihanan, pagtataas ng kilay
- Pag may question mark (?)
4. sigaw, pagdaramdam, pagtangis, paghihinagpis, giit, panggigiit, pagpupumilit, panunumbat, sumbat, hiyaw, paghagulgol, hagulgol, pag-iimbot, pagsusumamo, dabog, pagdadabog, banta, pagbabanta
- kapag may exclamation mark (!)
5. dagdag, pagpapatuloy, salaysay, kuwento, pagkanta
- Kapag ang pangungusap ay karagdagan sa naunang salaysay
6. mungkahi, singit, sabat, panlilibak, paniningit, sawsaw, pananawsaw, pambabara, entrada, panghihimasok, pangingialam
- Ginagamit kung ang salaysay ay pagsingit ng pangatlong tauhan sa usapan ng dalawang tauhan
7. Pagsisinungaling, panlalansi, panlilinlang, pambubugtong, panlilito, pambubulaan, pagkukunwari, panloloko
- Kapag ang tauhang nagsasalita ay nagsisinungaling, hindi alam ng kausap niya na nagsisinungaling ito ngunit kailangang malaman ng mambabasa na ito ay kasinungalingan
8. Bulyaw, kantiyaw, tukso, panunukso, ngisi, ngiti, kindat, singhot, uyam, pang-uuyam, balintuna, pamamalintuna, pamamaywang, pangingiliti
- Ginagamit kapag ang tauhan ay nanunukso o nang-iinis
9. Panlalait, pangmamaliit, insulto, pang-iinsulto, pangmamata, pangmamatapobre, pagmamataas, pagkutya, kutya, pangungutya
- Kapag ang tauhan ay nang-iinsulto
10. Biro, pagbibiro
11. Utos, dikta
12. Turo, panunuro, pangangaral, pagtutuwid, sermon, panenermon
13. Pangtatakam, pamimitin, pambibitin, panimula
- Ginagamit kapag ang salaysay ay nagtatapos sa ellipsis (...)
14. Senyas, pagsenyas, panenenyas, kumpas
- Kapag hindi direktang sinabi ng tauhan ang isang mensahe ngunit naunawaan ito ng receiver
15. Bulong, buntong-hininga
- Kapag ang isang salaysay ay sinabi nang pabulong
16. Paninipol, sipol
- Kapag ang isang salaysay ay sinabi nang pakanta
17. Pitik, pamimitik, palakpak
- Kapag ang salaysay ay sinusundan ng pitik o palakpak na nangangahulugan ng realisasyon o pagkatanto ng kausap sa katotohanan
18. Pangungumbinsi, tapik, pananapik, pangangalabit, kalabit, payo
- Kapag ang tauhang nagsasalita ay nagpapayo o nangungumbinsi
19. Sundot, panunundot, panggugulat, panggugulantang
- Kapag ang tauhan ay nanggugulat
20. Pagpapatahan
21. Ulit, pag-ulit
22. Daing
23. Pagkontra, pagtuligsa, panunuligsa
24. Tuya, panunuya
25. Tatwa, pagtatwa
26. Tawa
27. Konklusyon, pagbubuod
- Kapag ang tauhan ay nagbubuod ng usapin o nagtatapos ng usapan
28. Pagbati, bati, pamamaalam, paggalang, pagtango
- Ginagamit sa pagbati o pamamaalam
29. Paalam
- Ginagamit kapag nagpapaalam sa gagawin
30. Dakdak, daldal, tsismis, pananalastas
- Ginagamit sa mahahabang salaysay at pangungusap na sumasaklaw sa isa o higit pang talata
31. Pagmumura, pagtutungayaw
32. Sambit
33. Turan
34. Usal
YOU ARE READING
Hands Which Cannot Write
RandomAre my hands good enough to write something good? Writing-related notes. 🖊
