Criticism vs. Critique

171 5 0
                                    

Criticism vs. Critique

• Ang criticism ay naghahanap ng mali habang ang critique ay naghahanap ng estruktura.

• Ang criticism ay naghahanap ng kulang habang ang critique ay naghahanap kung ano ang puwede.

• Ang criticism ay nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan habang ang critique ay nagtatanong para maliwanagan.

• Ang criticism ay nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig habang ang critique ay nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig.

• Ang criticism ay negatibo habang ang critique ay positibo.

• Ang criticism ay malabo at malawak habang ang critique ay kongkreto at tiyak.

• Ang criticism ay seryoso at hindi marunong magpatawa habang ang critique ay nagpapatawa rin.

• Ang criticism ay naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda habang ang critique ay tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina.

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now