Mga Kadalasang Pagkakamali sa Gramatikang Filipino

1.7K 5 0
                                    

Mga Kadalasang Pagkakamali sa Gramatikang Filipino

— Ariane

Hi! Medyo mahaba po ito, pero sana paglaanan niyo po ng oras dahil makatutulong din po ito sa inyo upang mahasa pa o upang maging mas maayos ang paggamit ng mga salitang karaniwang nagagamit sa maling paraan o madalas na mali ang pagbabaybay.

Hindi ko po alam kung malinaw ang magiging paliwanag ko, pero sana po maintindihan niyo. Kung sakaling may nakikita po kayong corrections o kung gusto niyo pong mag-suggest, feel free to comment your thoughts.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga madalas kong napapansing may pagkakamali sa paggamit. Ito po ay sa Filipino grammar pa lamang, baka sa susunod po ay mag-post din ako ng common mistakes sa English grammar naman.

Sana po ay makatulong.

1. Paggamit ng ng at nang

Ang ng ay ginagamit lamang kung ito ay tumutukoy sa pangngalan.

   Ang nang ay ginagamit kung ito ay sumasagot na 'paano' at/o 'gaano'.
— Ginagamit din ang nang kung ang 'na' at 'na'; 'na' at 'ang'; at 'na' at 'ng' ay pinagsama.
— Ito rin ay panghalili sa salitang 'noon'.
— Kung may kilos na inuulit, ang nang ay ginagamit.

Halimbawa:

a. Humingi ng 1/4 na papel ang mag-aaral nang malamang sila ay magkakaroon NG maiksing pagsusulit.

Paliwanag:

Ginamit ang ng bilang pantukoy sa mga pangngalang 1/4 na papel at maiksing pagsusulit.

Ang gamit ng nang sa pangungusap na ito ay bilang panghalili sa salitang 'noon'

• Iba pang halimbawa para sa paggamit ng nang:

a. asa nang asa; iyak nang iyak; nanloloko nang nanloloko; kumain na naman nang kumain hanggang sa mabusog

— Ang mga salitang kilos ay inuulit sa mga halimbawang ito. Sa huling halimbawa ay muling binanggit ang salitang 'kumain' kaya ang ginamit ay nang.

b. Umiyak nang malakas ang babae dahil sa pananakit ng kaniyang kasintahan.

— Sinagot ang tanong na paano umiyak ang babae? Malakas. Kaya nang ang ginamit.

c. Ang madalas na pagkain nang marami ay nakatataba.

— Sinagot ang tanong na gaano kumain? Marami. Kaya nang ang ginamit.

d. Mayroon nang bagong labas na music video ang BLACKPINK.

— Pinagsama ang 'na' at 'na': Mayroon na na bagong labas na music video ang BLACKPINK.

2. Mga salitang inuulit

May mga pagkakataong nalilito ay karamihan tuwing sila ay mag-uulit ng salita. Mayroon ding mga karaniwang pagkakamali ang madalas na nagagawa dahil ito'y gamit ng karamihan.

a. Iba't Ibang

Ang kalimitang ginagawa ng marami rito ay iba't-ibang, na isang pagkakamali. Hindi na po kailangan ng gitling dahil kung aalisin ang kudlit ay magiging ganito ang kaniyang yari kung idaragdag ang gitling: iba at iba. Lalagyan lamang ito ng gitling kung uulitin ang salita: iba-iba.

Isa pang halimbawa rito ay ang isa't isa. Muli, hindi na po natin kailangang maglagay ng gitling dahil sa kudlit t ('t).

b. Ano-ano at Anu-ano

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now