Outlining Your Characters

261 10 0
                                    

Outlining Your Characters

— Yanne Sereia

Una, kailangan alam at kilala mo ang mga karakter sa story mo. Paano sa tingin mo magiging effective ang isang karakter kung ang mismong author ay hindi kilala nang mabuti ang mga karakter sa story niya?

Character Background

Saan siya nakatira?
Ano ang trabaho niya?
Saan siya nag-aaral?
Sino ang mga magulang niya?
Kailan siya pinanganak?
May kapatid ba siya, kung meron, ilan?
Nakapagtapos ba siya ng pag-aaral?

— Basta mga katanungan about sa karakter mo, 'yung background ng karakter mo.

Physical Appearance

Ano ang height niya?
Ano ang weight niya?
Anong kulay ng mata niya?
Maputi ba siya? Kayumanggi?
Mataba? Mapayat? May abs? Sexy?
Matangos ba siya? Pango?
Manipis ba o makapal ang labi niya?
Anong klaseng mga damit ang sinusuot niya?

— Dito naman, siguraduhin na mas maging specific tayo sa paglalagay ng description about sa mga karakter natin. Mas maganda kung detalyado ang mga description sa mga character. Para maski ikaw ay naiintindihan mo.

Characteristics

Mabait ba siya? Mataray ba? Masungit? Masamang tao?
Ano ang mga kinatatakutan niya?
Ano ang nagpapalakas sa kaniya?
Ano ang mga bagay na nagpapahina sa kaniya?
Ano ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kaniya?
May mga bagay ba na nagpapalungkot at nagpapa-iyak sa kaniya?
Ano ang mga bagay na dapat ginagawa para mapasaya siya?

Interests and Favorites —

Ano ang mga bagay na madalas niyang pagkaabalahan?
Nagbabasa ba siya ng libro?
Anong genre ng kanta ang paborito niyang pakinggan?
May mga paborito ba siyang banda?
Sino ang mga paborito niyang mga aktor?
Anong pagkain ang madalas niyang kinakain?
Mga bagay na kinahihiligan niya?

— These are just guide questions. Of course you can add more questions if you want to. Importante ang PAG OUTLINE ng mga CHARACTERS. Dahil kapag nai-outline mo ang bawat character, mas madadalian ka sa mga bagay.

— Mas maganda rin naman kung parang pa slam book ang gagawin mo. Maganda rin kung iisipin mo na nasa isa kang interview, tas tinatanong mo ang karakter mo, at ikaw rin mismo abg sasagot.

— Have fun!

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now