Nang and Ng

207 7 0
                                    

Proper use of NG and NANG
- Sohye Min


--- NG ---

• kapag sinasagot ang tanong na kailan.
• kapag sinasagot ang tanong na ano.
• kapag tungkol sa oras o petsa.
• kapag tumutukoy sa hitsura.

Narito ang wastong paggamit ng 'NG'

1. Kapag sinasagot ang tanong na KAILAN.

Tanong: kailan umuwi si Mrs. M?
Sagot: umuwi si Mrs. M 'NG' unaga.

2. Kapag sinasagot ang tanong na ANO.

Tanong: ano ang dala mo kanina?
Sagot: nagdala ako 'NG' mga palamig kanina.

3. Kapag tungkol sa oras o petsa.

: gumigising si Marie 'NG' ala sais 'NG' umaga
: darating si Stephanie bukas 'NG' umaga.

4. Kapag tumutukoy sa hitsura. (Ubod ng, puno ng, saksakan ng)

: ubod 'NG' panlalait itong si Josef.
: puno 'NG' kamalasan ang buhay ni Jacob.

--- NANG ---

• Pamalit sa salitang noong.
• Pamalit sa salitang para at upang.
• Para mas masarap bigkasin ang 'na'.
• Kapag katabi ang salitang 'maaga'.
•Kapag inuulit ang isang salita.
• Kapag inilalarawan kung paano isinasagawa ang isang kilos.

1. Pamalit o panghalili sa salitang NOONG (WHEN).

: Nang (noong) isilang ka sa mundong ito...

2. Pamalit o panghalili sa salitang PARA AT UPANG.

: kumain ka naman nang (para) magkalaman ka kahit papaano.

3. Para mas masarap bigkasin ang NA.

: pwede na pumasok (accepted)
- pwede nang pumasok (better)
: ang mamatay na dahil sa'yo (accepted)
- ang mamatay nang dahil sa'yo (better)

4. Kapag inilalarawan kung PAANO isinasagawa ang isang kilos.

: kumain ka 'nang' maayos.
: ipapalabas daw ang He's Into Her 'nang' live kada gabi sa iwant.
: hindi kasalanan ang magmahal 'nang' tapat.

5. Kapag inuulit ang isang salita. (Ligature for repeated words)

: kain ka 'nang' kain kaya ka nataba eh.
: tulog ka nalang 'nang' tulog, 'di ka na nagbago.

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now