Wastong Gamit ng Punctuation Marks

425 5 1
                                    

Wastong Gamit ng
Punctuation Marks

- Melai Quilla Mariñas, via Hyacinth Gucci

Punctuation marks matter. May mahalagang role din ang punctuation marks sa pagpaparating na tamang emosyon ng mga tauhan habang sinasabi nila ang kanilang linya. Remember, an effective story is powered by effective delivery of lines and narration. To make it possible, you need to maximize the correct use of punctuation marks. Use punctuation marks properly to express character's emotional state within a scene. These are just few. May iba pang hindi nakasama dito. It's up to you to consult Google.

1. Tuldok o Period (.)

Naghuhudyat ito ng pagtatapos ng pangungusap na paturol o pautos. Saktong linya. Walang masyadong stress sa emosyon. Madalas gamitin ang period sa simple conversation.
- Period din ang gamit sa mga dialogue lines na walang kasunod na description ng linya.

Example:

Kinuha ni Chii ang folder na ibinigay ni Rose. "Salamat dito." Tumalikod na siya at umalis.

2. Kuwit o Comma (,)

Ang punctuation mark na ito ay ginagamit para mag-indicate ng separation of ideas or elements within the structure of a sentence. - Ang comma ay maaaring nasa dulo ng isang sugnay or phrase, o nasa pagitan ng magkakasunod na mga salita.
- Comma rin ang pumapalit sa period sa mga dialogue sentence na may kadugtong na description ng linya.

Example:

a. Kinuha ni Chii ang folder na ibinigay ni Rose. "Salamat dito," sinserong sambit niya.

b. Kinuha ni Chii ang folder. "Salamat dito, Rose." Tumalikod na siya at umalis.

c. Kinuha ni Chii ang ballpen, notebook, bag, at folder at ibinigay ang mga iyon kay Rose.

3. Hyphen (-)

(ai: This is one of the types of dashes. To summarize the uses of the other types, see picture below.)

Ang punctuation na ito ay gamit sa pagitan ng mga salitang tambalan o inuulit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang punctuation na ito ay gamit sa pagitan ng mga salitang tambalan o inuulit.
- Ginagamit din ito sa paghihiwalay ng unlapi, gitlapi, at hulapi sa mga Ingles na salita.

Example: araw-araw, nae-excite, napakunot-noo, nako-corny-han

4. Talaas o Asterisk (*)

Gamit ito sa pagtawag ng attention sa isang footnote or talababa, o para mag-indicate ng isang omission.
- Madalas gamiting omission ng letra ang asterisk sa mga salitang vulgar tulad ng pagmumura o mga rated PG words upang mabawasan ang bigat ng salita.

Example: sh*t, f*ck

5. Ellipsis (...)

Sa pag-uusap ng mga karakter sa isang literary work, ang tatlong tuldok o elipsis ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais sabihin.

-May rule sa paggamit ng tuldok.
a. Tatlong tuldok (...) kung ang statement ay binitin lang at may kasunod pa; at
b. Apat naman na tuldok (....) kung tatapusin na roon ang pangungusap.

Example:

"Nakita ko siya... nakahiga sa kama na waring iginugupo na ng kanyang karamdaman."

6. Pananong o Question Mark (?)

Inilalagay sa dulo ng isang patanong or interrogative sentence. Kung ang pangungusap ay nagtatanong, nararapat lamang na question mark ang gamit.
-Kadalasang pagkakamali ng mga writer ang paggamit ng period pagkatapos ay sasabihin sa narration na iyon ay isang tanong. Nililito ng pagkakamaling ito ang tamang emosyon sa mambabasa.

Example:

Mali: "Sino ka nga bang talaga." Iyon ang tanong ni Chii sa estrangherong kaharap.

Tama: "Sino ka nga bang talaga?" Iyon ang tanong ni Chii sa estrangherong kaharap.

7. Panamdam o Exclamation (!)

Inilalagay ito sa dulo ng mga exclamatory sentences, o ng isang interjection word.
- Kapag mataas ang emosyon ng tauhan. Galit, excited, o sobrang natutuwa, ang paggamit ng exclamation point ay isang epektibong paraan para ma-emphasize ang taas ng level ng emosyon ng tauhan.

Example:

"Ewan ko sa 'yo! Umalis ka na nga!" - galit

"Wow! Sige, tara na. Ready na ako!" - excited

8. Kudlit o Apostrophe (')

Ginagamit ito bilang katumbas ng titik na inalis sa unahan, gitna o dulo ng mga salitang pinaikli.

example: sa 'yo, gano'n, do'n, sa 'kin

9. Mahabang Gitling o Em Dash (-)

(ai: Isang type lang ng dash ang ipinapakita ni Wattpad kaya tingnan niyo nalang ang picture sa itaas if you wanna know the actual difference between, or you can also search it on Google.)

Gamit ito sa pagi-indicate ng isang unfinished dialog sa mga literary writing.

Example:

"Di mo ba ako naiintindihan? Di ba't sinabi ko na sa 'yo na-" Hindi na niya natapos ang dapat sabihin nang bigla na lang siyang hinalikan nito.

-

Mahalaga ang punctuation marks. Minsan, naiiba ang ibig sabihin ng isang sentence dahil sa gamit ng punctuation marks kaya we all need to be cautious.

Example:

"Hindi, sa akin iyan." - sagot sa tanong na, "Sa kanya ba ito?"

"Hindi sa akin iyan." - sagot sa tanong na, "Sa akin ba ito?"

"Hindi, sa akin iyan?"- sagot sa tanong na, "Hindi ba sa'yo ito?" at hindi sigurado ang kausap sa sagot.

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now