FAQs About Self-Publishing

150 3 3
                                    

— Yunna Jung's post

1. Paano po magself-pub?

Walang exact way kung paano magself-pub unless tatawagan mo or maghahanap ka ng pub house na pwede tumanggap at mag-publish ng gawa mo. Sa experience ko sa materica, ako ang piniem nila sa wattpad at emails. Doon kami nagkaroon ng agreement kung paano ang gagawin. Tinawagan pa nga nila ako if I still have questions regarding their offer.

2. May bayad po ba ang self pub?

Icocorrect ko lang po ang sinabi ko. All this time akala ko may bayad ang self-pub. Wala pala. Magkakaroon lang ng bayad if and only if gagastos kayo sa paghahanap ng editor, book cover and etc.

3. Required po ba na maraming readers muna at votes?

Technically, yes. Kasi pub house is a business. Hindi nila ipa-publish ang libro mo kung walang nagbabasa. Kaya nga nauso ang self pub dahil may mga authors na hindi naoofferan pero gustong-gusto mag-pub ng libro. At the end of the day, business pa rin ang magma-matter. If self-pub ang gagawin mo, you have to market your works at saan mo ba or kanino ima-market? Sa readers mo. So the questions is, paano mo ima-market ang gawa mo?

4. Mahirap po ba magself pub?

Oo. Hindi siya madali lalo na kung di ka pa masyadong kilala. Malalaki ang kalaban mo. Tapos ikaw, nagsisimula ka pa lang. Hindi mo alam kung may bibili ng gawa mo kahit may supporting readers ka.

Comments' Questions —

Q: Paano po mag approach sa kanila? I mean, ano po ang sasabihin? Tanong ko lang para malaman ko kung paano po.

A: Itanong mo kung pwede mag-self-pub. Kung anong kailangan. Ganon.

Q: Paano isend sa kanila ang story?

A: Through email po. I-attach niyo lang.

Q: Paano po pag gusto mag-self-pub pero ayaw mo ng may copy para i-market? Gusto mo lang isang book ba, pang sayo lang. Pwede po ba 'yun?

A: Magde-depende lahat 'yun sa agreement between you and the pub house.


Q: Makakapag self-pub ka ho ba through online? Diba sabi mo, pwedeng ikaw yung tumawag sa pub house na 'yon. Pwede ho bang makapag-publish nang hindi pinupuntahan ang pub house na 'yon? Like sa online lang kayo makakapag usap?

A: Yes. 'Di rin naman kasi ako pumunta sa mismong kumpanya ng Materica para doon. In-email ko lang sa kanila yung book details na kailangan nila like book synopsis, title, manuscript saka yung book cover. Pwede rin through email yung contract if may contract na kailangan i-email.

Q: So paano po ibibigay ang bayad?

A: Kung may bayad mo yung pag-self-pub, usually sa bank account po yan ng kumpanya ihuhulog. Pero wala po kasi yung akin dahil libre.

Q: Ah, so anong kompanya ho 'yung pwedeng mag-alok sa'yo? Or, ilang reads and votes muna ang dapat na maachieve ng story mo bago ka makatanggap ng tawag from that company?

A: Lahat pwede ka alukin. It takes time naman bago ka maalok ng pub. Hindi ko alam kung ilang reads or votes ang pinagbabasehan nila, e. Pero nung inalok nila ako niyan, may tatlo na akong libro sa wattpad na nasa hundred thousand ang reads at votes.

Ochoa Katherine: Wala pong bayad ang self-pub. Ang may bayad is yung vanity press.

Q: Do international pub houses publish books na naka-Filipino? Someone messaged me kasi sa wattpad saying na she's from a pub house somewhere in Indonesia ata.

A: Meron din po talagang ganyan kaya better check or search muna. Ingat lang po sa ganyan baka scam.

Tips on Self-Publishing

1. On self publishing, kailangan wala ng mali ang libro na ipapasa mo. Isipin mo yung makakabili ng libro mo tapos panay error ang mababasa nila. Hindi ba nakakahiya yon? Isipin mo nagmamarket ka ng pagkain tapos pangit ang pagkakadisenyo? Syempre walang bibili non. Ganoon din sa libro. Kailangan perfect or close to perfection ang libro na iseself pub. Paano gagawin yon? Read tips on how to improve your works. Kung may online workshop kang mahahanap, then grab it. Correct your grammatical errors, dialogue tags  action tags and so on so forth.

Quality ang hinahanap usually ng isang mambabasa at ang quality ay magdedepende sa kung gaano kalinis ang libro na gagawin mo.

2. NO FILLER CHAPS. Mahal ang papel. Mahal ang printing at kung kasama pa ang filler chaps sa libro na gagawin mo. Kakapal ang libro. Ang tendency, magmamahal ang libro at mas lalong 'di maaafford ng readers mo. Dapat siguraduhin mo na lahat ng chapters sa gagawing libro eh may sense. May needs. Hindi pang-dekorasyon lang. Kasi aanhin mo yung pang-dekorasyon kung wala naman sense?

3. Lastly. You have to market your book. Kung marketing student ka, paniguradong madali lang magmarket para sayo. Pero ayun nga. You have to market your book bago mo ipadala sa pub house ang manuscript mo eh dapat alam na ng readers mo na may libro ka na iseself pub, na ganito presyo. Ganito ganyan.

4. You have to prove your readers that your book is worth to buy. Itodo mo na pagmamarket mo. Kung may inclusion silang makukuha, then ipaalam mo sa kanila. Lay your cards to them kasi ang pinakasurprise na sa kanila dyan is yung buong nilalaman ng kwento mo. Dapat mapatunayan mo sa kanila na karapat-dapat bilhin ang libro mo. Dapat maakit mo sila sa pagbili at dapat kung ano ang ineexpect nila, mahigitan mo yon.

Ayun lamang po. :) I hope these tips will help you.

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now