All About Manuscript Submission and Publishing Houses

368 7 0
                                    

All About Manuscript Submission and Publishing Houses


— Vanh Writes

Since, marami akong nakikitang mga writers na curious about dito, gusto kong i-share ang mga nalalaman ko sa pag-submit ng manuscript sa mga publishing houses/companies. But, I’m not a published author, aspirant lang. Haha.


Definition of Terms —

Publishing House - Ito'y business na gumagawa/nagpo-produce at nagbebenta ng mga magazine, libro and any fiction or non-fiction works.

Manuscript - ito ay original copy ng isang akda/novel/story, either written or typed.

Manuscript Submission - Ito ang pagpasa ng ginawang kuwento sa isang publishing house for possible publication.

Royalty - an amount of money that is paid to the original creator of a book, or piece of work based on how many copies have been sold.


— Self-Publishing, Indie Publishing, and Traditional Publishing —

• Ang Self-Publishing ay ikaw mismo ang magpu-publish ng kuwento mo with the help ng makakasundo mong publishing company or printing services. Magastos ito. Kailangan mo ng editor sa pag-edit ng story mo, mayro'n ding format and layout artist, graphic artist for the bookcover, plus yung printing expenses. Lahat babayaran mo. Lahat ng gastos ay sayo. Ikaw pa ang magpo-promote ng libro mo para may bumili. Pero, kung maraming bumili, much higher royalty rates or malaki ang earnings na makukuha mo rito kumpara sa Indie at Traditional pubhouse.

Indie or Independent Publishing is a smaller publishing companies.
e.g. KM and H Black Paper Forest Publishing House, Pages of Love Publishing House, Djeb Publishing House, and etc.

Ang Traditional naman ay bigger publishing companies which offers a contract to print, publish and sell a writer's work/story, (madalas sa mga sikat na wattpad stories). Pero hindi lang naman sikat na story ang hanap nila, they also publish stories na alam nilang worth it at pwedeng pumatok.
e.g. Pop Fiction, Psicom, Lifebooks, Bookware, and etc.

In addition, unlike Self-Publish, sa Traditional and Indie pubhouse, sila ang gagastos ng lahat ng expenses sa pagpublish ng libro mo. Pero hindi madali ang maka-publish dito. Dadaan pa ang story mo for review or evaluation. Huhusgahan nila ang isinulat mo kung worth it ba itong i-publish. At kapag na-publish na ang story mo, may makukuha kang royalties depende sa napagkasunduan ninyo at sales ng book mo at may publishing companies daw na nagbibigay ng complimentary copy of your book.

Maliit ang chance na pubhouse ang unang lalapit sayo kung underrated ang story mo. Kaya kung gusto mo talagang masalibro ang kwento mo, ikaw na ang kumilos. Ipasa mo ang manuscript sa mga pubhouse na may Call For Submission!


— Manuscript Submission —

Paano magpasa ng story?

1. Syempre, kailangan alamin mo muna kung saang pubhouse may call for submission or open for manuscript submission.

2. Kung may nahanap ka na, alamin mo naman ang submission guidelines. Ano ‘yan? Sa guidelines makikita ang requirements na kailangan mong sundin katulad ng:

Email address, kung saan ipapasa ang manuscript at kung anong subject ang ilalagay

• Ano ang required word count, font size, font style, margin, and etc.

Genre na hinahanap nila at iba pang requirements.

3. Kapag nalaman mo na ang requirements, gawin mo na ang manuscript mo. Paano? Punta ka sa Miscrosoft Word or any apps na pwedeng gumawa ng document file.

4. Copy and paste mo sa blank document ang story mo.

(Note: depende sa pubhouse kung buong story na ang ipapasa or yung summary at first 3 chapters lang. Anyways, nakalagay naman yan sa guidelines.)

5. Kapag na-paste mo na ang story, syempre, kailangan mo nang gawin yung nakalagay sa requirements. Kung ano yung font size and style, yung alignment, at iba pang nire-required nilang sundin. Kapag natapos mo nang ayusin, i-save mo na yung file.

6. Kung okay na ang manus mo, punta ka sa Gmail or Yahoomail. Login mo ang account mo. (Pwede sa PC or CP mo ito gawin basta may internet connection ka).

7. Kung naka-login ka na, mag-compose ka ng email. Ilagay mo sa attach file yung sinave mong manuscript.

(Note: Minsan required na naka-attach din ang resume mo.)

8. Ilagay mo sa “To” yung email address ng pubhouse kung saan ipapasa ang manuscript.

9. Ilagay mo sa “Subject” yung required subject na ibinigay nila.

Ex. For Review: (title ng story) or For Evaluation: (title ng story)

10. Isulat mo sa body letter ang ni-required or hinihingi nila. Kung wala naman, ilagay mo na lang ang gusto mong sabihin, kung anong sadya mo or bakit ka nag-email sa kanila.

Example:


Greetings!

I'm submitting my novel "title ng story mo" for possible publication by (name of pubhouse). Hoping for a response from you to ensure that you received my manuscript. Thank you!

Best regards,
(your name)



That's it! I hope it helps you. Sulat na at magpasa ng manus! Goodluck, fighting! Kung may mali man sa post na ito, please correct me. Thank you.

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now