Writer vs. Author

242 4 0
                                    

Writer vs. Author
— Melai Quilla Mariñas

   Ang writer ay someone na nagsusulat ng kahit na anong form of writing, tula, short story, novel, article, and more. Hindi necessarily na ang sinusulat ng isang writer ay idea niya. Maaaring ang sinusulat niya ay idea ng ibang tao at pinapasulat lang sa kanya.

   Ang author naman ay someone na siyang bumubuo ng idea, gumagawa ng plot at siyang nag-conceptualize ng buong story or manuscript na isusulat ng isang writer. Ang isang author ay maaaring writer din. Kumbaga, siya ang nag-isip at nagplano ng manuscript at siya na rin ang sumulat noon.

Posible rin namang ang isang author ay hindi writer. Maaaring kasing may idea siya pero hindi niya alam kung paano isusulat kaya humahanap siya ng taong magsusulat kasama niya (co-writer) or taong magsusulat para sa kanya (ghostwriter.)

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now