What!!!, What?!

247 5 2
                                    

Eto medyo common na tip lang, co-writers. Kapag magsusulat tayo ng lines, iwasan natin 'yong masyadong maraming paggamit ng punctuation marks kasi masakit sa mata. If that's your way para ma-emphasize 'yong feelings or emotions ng nagsasalita, we can use other ways naman para malaman ng readers ang gusto natin iparating.

Example:

"Lumayas ka!!!" sigaw niya.
"Lumayas ka!" sigaw niya habang namumula na ang mukha dahil sa galit.

See? Mas maganda sa paningin 'yong ikalawa kaysa sa nauna. Pero okay lang naman din 'yong dala-dalawang punctuation marks ang gamit, which is "?!" like that na madalas din nating gamitin. Madalas ginagamit 'yon kapag nagtatanong, at the same time may heavy emotions 'yong lines ng character or the character is mad, pissed off, or shocked. So eto nakasanayan na lang din pero mas advisable ang nabanggit na isa-isa lang.

Example:

"You did what?!"
"What have you done?!"

Choice niyo pa rin naman kung mas gusto niyo 'yong "!!!!!" or "??????" kesa sa "!" at "?" lang. Pero kung mapapansin niyo, sa published books, or sa mga kilalang authors, hindi gaanong marami 'yong punctuations kahit nanggagalaiti na sa galit or sobrang nagtataka 'yong characters nila. 'Yon lang for tonight. Good night, writers! Sleep well tapos sulat ka na ng update bukas, okay?

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now