-PROLOGUE-

120 9 1
                                    

Malamig ang pawis na tumutulo sa aking mukha kasabay ng paunti-unting pagpatak ng ulan.

Hindi pa ako lubos na nakaka-recover sa mga sugat at galos ko sa nakaraang encounter sa Southern Island Group ngunit heto nanaman ako sa isa nanamang delikadong mission dito sa Central City. 

"Hello base, this is Captain Maeve Peak Romano reporting..."

"...Hash, eight, zero dash zero, seven, Niner, in position."

"...set Nimbus as operator name, over." una kong report para ipaalam sa kanila na ako ang mangunguna sa pagligtas kay Lucy na ngayon ay nasa panganib ang buhay.

Hindi ako mapakali dahil wala pang sumasagot sa huling pagradyo ko sa Headquarters. Nag-aalala na ako sa sitwasyon at lagay ni Lucy.

Tanging iniutos lamang kasi ng base ay kumuha ako ng mataas na position di-kalayuan sa dalawang magkasunod na Entry gates ng Headquarters.

Naka-position ako sa rooftop ng isang building halos 1000 meters mula sa First entry gate at 700 meters mula naman sa Second entry gate. Nakadapa sa semento ng rooftop at hawak ang sniper rifle. Mataman kong binantayan ang paligid mula sa mga kaaway na papasok.

Hindi ko na nahintay ang spotter ko na si Sergeant Carl dahil on-the-way pa lamang siya sa Headquarters nang sumiklab ang gulo sa labas ng mga gate.

"Hello base, preparing to engage, over.." ikalawa kong report sa command base nang mapansin kong nakapasok na sa First entry gate ang humahabol na SUV sa sasakyan ni Lucy.

"Base, am I cleared to shoot? over.." pagtatanong ko .

(radio buzz)

"Nimbus, it's your call. over..(buzz)" ang sagot ng base.

Ang military slang na "it's your call" ay nangangahulugang desisyon ko na bilang military operator kung ano ang gagawin. Sa maikling salita, bahala na ako.

"Acknowledged," agad kong tugon.

Kalaunan ay bumangga malapit sa second gate ang sasakyan ni Lucy. Kasunod nito ay ang pagtigil ng SUV na humahabol sa kaniyang likuran.

Pinaputukan ko agad ang driver ng SUV na tumigil at akmang bababa. Parehong driver at kasamahan nito sa right passenger side ang napuruhan ko. 

Sa pag-aakalang safe na ang lahat ay hindi ko napansin ang paglabas ni Troy sa likurang bahagi ng SUV. Kaagad niyang naaninag si Lieutenant Nikki na inilalabas si Lucy mula sa sasakyan para tuluyang  maipasok sa Second inner entry gate. Mabilis siyang nakahugot ng baril at pinaputukan si Lieutenant Nikki. Agad na nabitawan ni Lieutenant Nikki si Lucy at halos sabay silang bumagsak sa sementadong daan. Matapos niyang barilin si Nikki, marahas niyang hinila si Lucy palayo sa Second entry gate.

Hindi pa siya nakakalakad ng ilang metro ay mabilis na pinaligiran siya ng mga rumespondeng military police mula sa First gate.

At dahil dating sundalo si Troy, alam niya na mahihirapan kami na paputukan siya kapag nakadikit siya sa katawan ni Lucy. Bukod pa dito ay umatras siya at sinadyang sumandal sa isang sasakyan para hindi siya paputukan sa likuran. Siguradong tatamaan si Lucy kapag basta-basta na lamang kami nagpaputok.

Alam ko naman na ginagawa nila ang lahat sa ground para mailigtas si Lucy mula sa kamay ni Troy. Maging si Nikki man ay nanganganib na din dahil may tama din siya ng bala at nakahandusay sa kabilang parte ng sasakyan na sa kabutihang palad naman ay hindi na maabot ng tingin ni Troy.

Sa dinami-dami ng operation na kinabilangan ko ay first time kong maranasan na matakot sa mga susunod na desisyon na gagawin ko.

Sinubukan kong asintahin si Troy. Inobserbahan ang bawat galaw. Iniiwasan kong madistract ng nararamdaman ko habang ginagawa ang aking trabaho. Malinaw man ang view ng scope ko kay Lucy ay pinilit kong ni-focus ang mata ko sa demonyong may hawak sa kaniya. Ako ngayon ay naiipit sa pag gawa ng desisyon na baka bumago din sa aking buhay.

Maligalig si Troy na biglaang lumilingon sa iba't-ibang direksyon ngunit nanatiling nakabalot ang kaniyang braso sa leeg ni Lucy at ang baril naman niya ay nanatiling nakatutok sa tagiliran.

Hinihintay ko ang tamang pagkakataon na magkamali si Troy at makitang lumihis ng kaunti ang katawan niya mula kay Lucy. Ngunit hindi ito nangyayari. Sinubukan ko ding gumawa ng back-up plan kung sakaling hindi gumana ang negosasyon.

Almost 30 minutes na pero hindi padin ako makakuha ng clear shot dahil malikot si Troy at itinatago niya ang buong katawan niya sa likod ni Lucy. Hindi padin ibinibigay sa kaniya ang hinihingi niyang armored get-away vehicle.

Ang naisip kong paraan kung lumala man ito ay ang asintahin ang balikat ni Lucy para tumama din ang bala sa dibdib ni Troy at mapigilan siya sa pagbaril kay Lucy sa tagiliran. 

Risky ang plano na ito. Planong sugatan lang si Lucy sa balikat kapalit ng tiyak na kamatayan na hatid ng demonyong si Troy. Maari ding maging kapalit neto ay ang buhay ni Lucy kung hindi ko nagawa ng maayos. 

Ilang minuto pa ang lumipas ay nag iba na ang lagay ng sitwasyon. Hindi na sumasagot sa mga tanong ng hostage negotiator si Troy. Ang noo niya ay nagsimula ng magkunot at ang ngipin ay ikinakagat na sa ibabang parte ng kaniyang labi na tila balak ng tapusin ang lahat.

Si Lucy naman ay tumigil na sa kakasigaw ng pagmamakaawa kay Troy. Tanging luha nalang ang pumapatak mula sa kaniyang mata.

"Wag Lucy, nandito pa ako..."

"...please wag ka munang susuko..."

"Base, this is Nimbus. I'm taking the shot now..over," report ko.

Bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses sa radyo.

"Captain wag.."

".. si N-Nikki to argh t*ngina ansakit.. s-susubukan kong barilin siya s-sa paa... Ikaw n-na ang b-bahala sa kasunod.."

"Nikki paanong...??"

"May tiwala ako sayo Captain.."

Nagulat ako dahil nakita ko sa scope na dahan-dahang iniaangat ni Nikki ang kamay niya hawak ang kaniyang pistol at inasinta sa paa ni Troy na nasa kabilang bahagi ng sasakyan. Nagdesisyon siyang gawin ito kahit siya man ay nasa bingit na ng kamatayan.

Pagkislap ng baril ni Nikki at pag galaw ng katawan ni Troy pakaliwa ay huminga na ako ng malalim at mabilis na kinalabit ang gatilyo ng sniper rifle ng dalawang beses. Hindi ko na hinintay pa ang tunog mula sa baril ni Nikki dahil sang ayon sa training namin sa marksmanship, palaging nauuna ang flash kumpara sa tunog, lalo kung nasa malayo.

(Gunshot) (gunshot)

(slowed time)

"One sec.."

"..Two secs.."

"..Three secs.."

Sa tatlong sigundong ito ay nagflashback lahat ng ala-ala noong una kong makilala si Lucy na hawak ang kaniyang kamay at nakangiti. Ang napaka ganda niyang mukha na tanging pangarap ng kahit sinong lalaki na makilala siya. Ang babaeng iiwan lahat para sa taong pinaka mamahal niya. Ang babaeng sobrang supportive sa mga nais kong makamit sa buhay magdulot man ito ng pagsasakripisyo sa part niya. At ang tanging babaeng nagmahal sa akin sa kung sino ako.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
IF YOU LIKE THE CHAPTER, PLEASE DO NOT FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW TO SUPPORT THE AUTHOR.

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon