Chapter 37: The Conservative Fiancé (Lucy's POV)

42 9 12
                                    

(Lucy's Point of View)

Magkahawak ang aming kamay na pumasok sa bahay.

"Mam-sir handa na po ang dinner in 30 minutes." sabi ng helper namin sa bahay.

"Thanks ate, maliligo lang kami." sagot ko.

Pumasok na kami sa room namin ni Peak then diretso sa bathroom.

"Mauna na ako?" tanong ko kay Peak.

"Nako, isang oras ka kung maligo, dun na ako sa kabilang bathroom."

Bago pa siya makatalikod ay ibinaba ko na ang swimming dress ko at natira lang ang two piece swimsuit ko. He looked at me and my body.

"Wow.." pagbulong niya.

"...doon na ak..."

Then hinila ang kamay niya para sabay kaming pumasok sa sliding glass door ng shower.

"Babe di..."

Sinindihan ko kaagad ang shower para mabasa na kami. Wala na siyang nagawa pa.

"Nope, dito ka maliligo kasama ko..."

"...ano nahihiya ka sa magiging asawa mo?"

"Hala hindi ah."

"Eh bakit ka pulang-pula?"

Ngumiti lang si Peak at hinila niya ako palapit sa kaniya. Ramdam ko ang buhangin sa katawan namin na unti-unting inihuhulog ng tubig. Hinayaan muna naming mawash-off lahat bago magsoap.

"Alam mo bang ito na ang pinaka-matagal na ligo ko babe?"

"...sa army at special forces ang ligo namin ay halos 40 seconds lang, magsasabon lang ng mabilis at shampoo tapos lublob na sa ilog, walang shower pero malinis at mabango padin."

"For real?"

"Yup..."

"Since sumobra ako ngayon sa 40 seconds, parusahan mo ako mam."

"Teka ano kaya Captain?"

"Paliguan kita?" suggest ni Peak.

"Sige, kunin mo yung shampoo ayun.. sa kamay mo muna..then ilagay mo sa buhok ko.. ayan... then pagkatapos mabanlawan ay conditioner naman."

"Yes mam!"

Yung tawa ko ay may kasamang kilig. Hindi ako makapaniwala na ginagawa ni Peak ito kahit halatang hindi siya sanay.

"Kunin mo yung loofa sponge.. ayan nakasabit..lagyan mo ng bodywash then.. scrub mo sa likod ko."

"Yii... Teka nakikiliti ako.. idiin mo ng kaunti ang sponge.. ayan.."

I took my two piece swimsuit off then hinawakan ko ang kamay ni Peak para iguide ang sponge sa buong katawan ko. Medyo nanginginig pa siya kapag idinadaan ko ito sa dibdib ko pero hindi siya nagreklamo. In the end we we're both naked, kissing, and feeling each other's warmth under the cold shower. Yeah.. sa una awkward para sa aming pareho. Pero masasanay din naman kami kapag mag-asawa na kami.

After naming magbanlaw ay kumuha na ng towel si Peak para sa aming dalawa. Nagwrap siya, kissed me, then lumabas na nakangiti pero wala man lang imik.

Imbis na i-wrap ko ng towel ang katawan ko ay ni-wrap ko muna ito sa buhok ko at lumakad papunta sa bathtub.

Habang nakababad ako ay naisip kong baka nauna nang kumain ng dinner si Peak dahil magtatagal ako dito sa tub. Pero maya-maya lang ay pumasok siya sa bathroom in shorts na may dalang dalawang cocktail drink na nasa champagne glass.

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon