Chapter 6: Budding romance (Peak's POV)

37 8 1
                                    


Sa paglipas ng mga buwan ay nabili ko ang aking unang sasakyan gamit ang naipon ko sa pagtatrabaho at sa lumalaking partnership business namin ng isa kong highschool classmate.

Hindi ko alam kung bakit, pero ang mga mata ko ay mainit para sa mga pick-up trucks kaya ang nabili ko ay isang black Ford Raptor.

Tuloy pa din ang tawagan namin ni Lucy. Madalas sa video call at minsan sa voice call. We rarely limit it to text messaging.

Malaki ang tiwala sa akin ng parents niya. Pero hindi naman nagkukulang si Mr Ferrer na ipaalala na ipinagkakatiwala niya sa akin ang seguridad ng kaniyang nag-iisang anak. Lagi ang kanilang pasasalamat sa tuwing inihahatid ko si Lucy na ligtas sa bahay pagkatapos ng mga workshop niya at mga voice lessons.

Dapat lang, dahil siya lamang ang tagapagmana ng company nila. Ngunit kahit na nag-aaral pa si Lucy about Fashion, Marketing, and Business para makatulong sa company nila, hindi nawawala ang oras niya sa sarili at pagpapasaya ng ibang tao through music.

Mabilis na nagustuhan online ang mga song covers niya. Kung saan tinuringan pa siyang "online sweetheart" ng isang sikat na page sa facebook. At dahil dumami ang supporters niya at fans ay kailangan niya silang i-meet every once in a while.

Sinasamahan ko siya palagi sa mga meet up niya with her followers sa social media, sa mga events, at invites para siya ay magperform.

And yeah... madalas maitanong kay Lucy kung ano ang relasyon naming dalawa dahil napapansin ng mga fans niya na madalas kaming naghahanapan sa mga events at parang napaka-concerned namin sa isa't isa.

Hindi naman ako nagtataka dahil pati pagpunas ng pawis kay Lucy gamit ang sarili kong panyo, pagharang sa ilang fans o followers na sobra kung makahila sa kaniya para magpapicture, pag-abot ng tubig kapag feeling ko ay uhaw na siya, at the fact na ako ang lagi niyang kasabay umuuwi ay napapansin ng lahat.

At first, ang mindset ko lang ay ang suklian ang lahat ng kabutihan niya at ng family niya sa pamamagitan ng pagsama ko sa kaniya at pag sigurado na safe siyang nakakauwi. Pero kalaunan ay hindi na kami mapag-hiwalay. Hindi tumatanggap si Lucy ng invite sa isang event kung hindi siya bibigyan ng extra passes para sa akin.

She never failed to introduce me to everyone as her closest friend.

Everyone likes Lucy. Napansin ko na medyo may nakatago siyang pagka-socialite. Ayaw na niya ang dating nakakulong lamang sa isang lugar na walang kausap or ginagawa. Which naiintindihan ko naman dahil noong kabataan niya ay hindi siya pinalalabas ng bahay ni Ms Ferrer. Kapag mayroon silang mga bisita sa bahay noon ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya. Dito niya nadiskubre ang talent niya sa pagkanta at pagtugtog ng piano.

Lucy has few female friends naman pero mas komportable daw siya na ako ang kasama. Dahil feeling niya ay mas totoo ako kumpara sa iba.

Hindi ako nagdadalawang-isip na sabihin sa kaniya kung may mali sa suot niya, kung sobra ang make-up, kung mukha ba siyang bagong-gising, o kung may hindi siya na-notice na isang fan. Hindi ko din naman nakakalimutang sabihin na napakaganda niya and/or napakagaling pagkatapos ng mga performance niya kahit saan.

Siya ang tipo ng babae na ayaw nababalewala ang efforts. May instance pa nga na nakiusap siya na bumaba ulit ng sasakyan nang may makitang teenager na humahabol para makapagpa-picture kasama siya. Hindi niya inaalintana ang safety niya para sa iba.

Sinasamahan ko din siya sa tuwing magpapaayos ng buhok or nailworks. Pati nga tuwing monthly check-ups niya ay tinatawagan pa niya ako para samahan siya.

Tinatamaan din naman siya ng sumpong lalo na kapag dinadatnan, tahimik lamang siya. Ako naman 'nun ay hahanap lamang ng paraan para mabawasan ang init ng ulo niya.

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon