Chapter 14: Not a good day to Lie (Lucy's POV)

31 8 3
                                    

(Lucy's Point of View)


With the help of Ate Tasha, nakapagset-up na si Secretary Annie ng venue para sa Christmas Party ng company.

Inoffer ni Ate Tasha ang rooftop ng pinagtatrabauhan na 5 star hotel and restaurant.

Nang gabi ng Christmas party, halos lahat ng guest ay dumating na. The venue was filled with people. Nanatiling napaka-organized ng lahat. Thanks to Ate Annie.

May food, drinks, pool access, music and lots of socializing from the people of the company.

The music stopped for a moment para opisyal na umpisahan ng CEO ang program. Papa gave a short speech then the program started. Games were played. The company gave all attendees expensive giveaways.

Nagparaflle din si Papa ng ilang brand new na kotse na maiuuwi ng mga maswerteng employee.

Pagkatapos ng lahat ay inilabas na ang mga drinks and wines. 

"Wine, Ms Ferrer?"

I heard a familiar voice behind me.

Paglingon ko, "Jake??"

Halos hindi ko na siya makilala dahil napakalaki ng pinagbago sa itsura at katawan niya. He was now a lot taller, muscular fit, and dresses well. Unlike before na kung magbihis siya ay akalain mong kung sinong gangster.

"What are you doing here?" rattled kong tanong.

"Are you not happy seeing me my dear Lucy?"

"..have you forgotten the good times we had before?" sinadya niyang ilapit ang mukha niya sa akin.

I pushed him back with my hand, "huh? yeah.. until nagdesisyon kang gamitin ako to get money and fame for the benefit of your clan?"

"You know hindi ganun ang intensyon ko Lucy...you didn't even give me a chance to explain myself.. bigla mo nalang akong iniwan."

"Wag ka nang mag act na victim Jake."

"Obviously sinadya mong maging close sa akin noong secondary para makausap at mapilit mo si Papa to run a deal with your friend's suspicious business and extort money?"

"..ako pa talaga ang nakahuli sayo noong kausap mo yung kaibigan mo sa phone? Really?"

"..you did  it for yourself Jake.. hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko." looking at him with a slight disgust.

"Hindi mo naiintindihan Lucy, ginawa ko yon para sa atin."

"Liar." bulong ko.

"Back then I was just a freelance advertising dude and a small time model.. wala akong mukhang maihaharap sa Dad mo kung ganon ako kababa kaya naisip ko na pumayag sa business proposal ng kaibigan ko.. and also my friend promised me to be a co-owner of his business."

"Stop.. Teka bakit nga ba nandito ka?"

"..it's our company's christmas party.. you shouldn't be here." 

"Yes, it's OUR company's christmas party" sagot ni Jake.

"Our?" pagtataka ko.

"I'm a business partner of the company now, Frontpage model ako this coming year ng Jewelry Catalog for men."

"What?" still puzzled.

"Nagbago na ako Lucy, mula noong iniwan mo ako..."

"...I walked away from those friends to look for something na pwede kong ipagmalaki sayo."

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon