Agad akong nakapag-adjust sa aking bagong trabaho bilang kitchen staff dito sa restaurant. Ito ay nasa loob ng isang shopping district dito sa Central mall.Totoo nga ang sinabi sa akin ni Tita Cory. Medyo mabigat ang trabaho sa loob ng kitchen lalo na at ako ang in-charge sa lahat ng maiinit na pagkain.
Malalaking lutuan ang ibinubuhat ko at isinasalang sa apoy. Sabay linis ng mga ito pagkatapos gamitin.
Sa loob lamang ng 6 months ay na-regular ako at na-promote bilang assistant cook. Medyo nagbago ang hubog ng katawan ko. Ang mga dati na loose fats ay napalitan na ng mga muscle. Naging athletic ang physique ko at 6-foot flat na height ko .
Malinis at makinis pa din naman ang mukha ko dahil siguro sa araw-araw na trabaho at pawis na lumalabas sa balat di tulad ng karamihan sa edad ko. Parang exercise na.
Madaming nagkakagusto sa akin na mga katrabaho ko at madalas pa nga nila akong tawaging "chinito crush". Hindi ko naman sila gaanong pinapansin dahil wala pa sa isip ko ang pumasok sa kung ano mang relasyon.
Bukod pa dito ay masyado akong abala sa maraming bagay tulad ng trabaho, gawaing-bahay, at pagbabasa ng libro sa isang bookstore na malapit sa pinagtatrabauhan ko.
Isang hapon bago ako umuwi ay kinausap ako ng isang manager.
"Peak!"
"Bago ka umuwi ipaalala ko lang na Middle-shift ka bukas ah?" simula ng isang babaeng manager.
"Okay po, salamat," sagot ko sabay talikod.
"Marami kase ang tao bukas dahil sa event at ikaw din ang nirequest ni Kuya Vin," pahabol niya.
"Okay!", sabay excited na tumakbo palabas ng restaurant.
Hayss. Si Kuya Vin ang Head ng production. Siguro mga trainee lang ang ilalagay niya ng umaga kasi wala naman masyadong tao nun.
"Ay! Oo nga pala, opening ng bagong Amusement Park bukas sa labas lamang ng Central Mall," pagmumuni ko.
"Kaya pala!"
Lahat ng magpupunta doon ay siguradong dadaan sa restaurant ng gabi upang makakain.
Kinabukasan ay nagbukas na nga ang Amusement Park.
I survived my shift and around 7PM ay natapos ko na ang usual na nakakapagod kong shift.
"Fireworks!" seeing the flashes from just outside the mall.
"..wow.. makapasyal nga sa Amusement park" masaya kong paghanga sa fireworks display.
"Psst..!"
"..may kasama ka ba?" sabay biglang may tumatakbo't umakbay sa akin.
"Uy Nadz..ah..eh sisilip lng sana ako doon kung maganda.." habang itinuturo ang direksyon ng Amusement Park.
"Samahan mo ako try natin yung Loop Coaster!" pag-aaya niya.
Hindi man lang ako pinatapos magsalita ni Nadia ay kinuha niya ang aking kamay saka hinila papasok sa Amusement Park.
Si Nadia ay bagong cashier ng restaurant. Maganda siya, may katangkaran, morena, maganda hugis ng mukha at slim ang hubog ng katawan. Siya ay masayahin, at very outgoing. Crush siya ng lahat ng kitchen staff maging ako. Pero sa mga naririnig ko, hindi siya yung babae na madaling ayain lumabas. Kaya natulala lamang ako sa kaniya habang naghihintay sa turn namin sa ride.
"Huy, bat ka nakatulala dyan.. sakay na daw.."
"ow sorry.. heto na sorry."
BINABASA MO ANG
Winning Two Wars
RomanceLanguage: Tagalog - English Sun and Moon; North and South; Fame and Simple Life; do they even meet in the middle? Do opposites really attract?