Chapter 29: Unexpected Colleague (Peak's POV)

28 9 10
                                    

Patuloy kong sinundan si Lucy ng ilang araw. May mga okasyong biglaang sumusulpot si Troy kung saan nandun si Lucy.

Nakapagtataka. Kaya naisipan kong magmatyag pa.

Minsang nagtungo sa isang coffee house si Lucy at ang assistant niya ay patago akong lumapit sa sasakyan ni Lucy na nasa parking. Naglabas ako ng basahan at kunwari ay pinupunasan ang sasakyan habang naghahanap ng bagay na...

"Aha!.. nahanap ko din to"

May inilagay na tracking device ang duwag na si Troy sa sasakyan ni Lucy. Hindi ito madaling makita ng mata dahil maliit lang ito pero natrain ako sa mga ganto. May magnet ito para kumapit sa ibabang parte ng likuran ng kotse.

"Hay nako Troy papunta ka palang, naka-ilang balik na ako't nagkape pa." bulong ko.

Ngayon ay malinaw sa akin na si Troy ang pilit na lumalapit kay Lucy.

Umuwi na ako sa bahay at nag-send ng picture ng gps tracking device sa business email ni Troy.

 Captioned..

"Hoy, kapag hindi mo pa itinigil ang kahibangan mo sa girlfriend ko, ipapa-trace ko ang source neto sa mga pulis at kakasuhan kita."

Matutulog na sana ako nang makarecieve ako ng tawag mula sa headquarters.

Ashfall Alert daw sa Cavite at mga tabing probinsya. Agad pumasok sa isip ko si Lucy. Tumayo ako at kinuha ang mga N95 masks na nakaimbak sa drawer ko. Isinakay ko ito sa Raptor at bumyahe. Nang malapit na ako ay may nahuhulog nang puting abo sa windshield ng Raptor kaya mas lalo kong binilisan.

Nagdoorbell ako sa bahay ni Lucy. Ang assistant niya ang nagbukas ng pinto. Nagulat siya dahil siguro naikwento na ni Lucy ang away namin...

"Nasaan si Lucy?"

"Ah..eh.. Lucy! May bisita ka!"

"..sino Mel?"

"S-si ano ahm,"

"Sino ba yan?" sabay silip ni Lucy sa pinto. Umaliwalas ang mukha niya sabay yakap sa akin.

"I'm sorry, hindi ko na dapat in-entertain ang mga advances ni Troy..."

"...please let's fix this." saka niya iniangat ang tingin sa aking mata.

I got a little distracted dahil umiiyak siya pero sinubukan ko padin kumalma at hindi ito ipakita. Hindi nalang ako gumalaw or yumakap sa kaniya. I changed the topic and went back to give her the N95 masks.

"Kailangan mo to, may ashfall na sa labas at may sakit na kumakalat galing sa Ibang bansa."

Medyo naging awkward ang conversation dahil wala akong imik. Sinubukan niyang sundan ang aking mga mata dahil hindi siya sigurado kung paano ko siya natitiis sa ganitong scenario.

"Thank you..."

"Yan lang ba talaga ang dahilan mo kung bakit ka pumunta dito?"

"Pinapatawag na din ako sa Headquarters. Ako at ang team ko ay magpopost sa isang border checkpoint sa labas ng Metro City."

"N-nasabi ko lang, baka hanapin mo ako bigla e." 

"Mauna na ako," I awkwardly smiled then dahan-dahang tumalikod na para umalis.

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon