Chapter 24: Mama's sentiment (Lucy's POV)

27 9 6
                                    

Dahil sa mga madalas na misunderstanding namin ni Peak hindi ko na maiwasang maikwento ito kay Troy.

Troy then told me that Peak maybe lying because ang mga sundalo daw ay kadalasang nadedeploy sa isang lugar lamang for 1 year or more at maliit lang ang chance na ilipat.

Never pumasok sa isip ko na si Troy ay hanggang sa Army Infantry deployment lamang bago iwan ang service while Peak is in Special Forces deployment.

Nagiging comfortable na ako kay Troy kahit papaano sa mga nagdadaang araw. He contacted me one day gamit ang kanilang business phone para sabihan na sarado ang range ngayong Saturday dahil sa isang exclusive event.

Bago mag end ang call ay tinanong niya ako kung heto ba ang aking personal number, at sinabi ko naman na ito ang number ko.

Ilang minuto lamang ay nagtext si Troy sa akin asking me to save his personal number incase kailangan ko ng kausap or kung ano man.

Nang sumunod na sabado, ay inumpisahan ko na ulit magprepare ng mga gagamitin sa pagbalik ko ulit sa shooting range.

"Mam Lucy, may tao po sa labas naka-grey na sasakyan isasabay na daw po kayo papuntang range." sabi ng helper namin na nanggaling sa gate.

"Huh?"

Lumabas ako na nakapang-bahay pa at nagtungo sa gate. It was Troy and he is smiling habang palapit ako.

"Lucy, baka gusto mong sumabay na?" anyaya ni Troy habang nakasandal sa kaniyang Audi na sports car.

"Nanggaling ako dito sa company building namin dito sa Metro City.. Babalik din ako mamayang 2PM doon so naisip ko na isabay na kita papunta sa range then hatid nalang kita mamaya pabalik?"

"Ah..eh.. maaga pa." pagdadahilan ko.

"No worries, I can wait." 

Hindi pa ako tapos mag-ayos ng gamit at hindi pa ako nakabihis. At nahihiya naman akong tanggihan siya.

"Okay, tara pasok ka muna sa loob."

"Mag-aayos lang ako."

Pinapasok na siya ng security namin sa gate at sumunod sa akin si Troy. Nakatingin lamang siya sa akin habang lumalakad kami papunta sa bahay.

"Ate, pakikuha siya ng makakain."  request ko sa helper namin.

"No, Im good! busog pa ako."

"Troy dito ka muna maupo," iniwan ko muna siya sa living room.

Nakita siyang pumasok ni Mama kaya kinausap muna ni Mama si Troy.

Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila I just went in my room para maligo and magbihis na.

Nang makabihis na ay lumabas na ako kaagad at nagpaalam kay mama.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" sabi ni mama.

"Ay.. oo nga pala Mama, si Troy."

"Troy, mama ko."

Tumawa si Mama. Obviously she is acting weird about the fact that a man came para sunduin ako.

"Ay oo nga pala nagpakilala na siya sa akin kaninang nagbibihis ka."

"Joke lang anak."

"Osya, mag-ingat kayo."

Saka umalis si Mama na kakaiba ang ngiti.

Nakakainis.

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon