I counted them three times. Tama, PHP 30,000 lahat.Nagreply ako sa text message ni Lucy bagamat sinubukan kong tanggihan ito at ibalik nalang pero ayaw nila talagang kunin pabalik. Nagpasalamat padin ako ng taos sa puso sa kaniya at sa parents niya.
Pabiro ko ding sinabi na ako na ang tatawag bukas kay Lucy pagkatapos kong mabili ang bago kong phone.
Naglalaro ang emosyon ko sa pagitan ng tuwa at pagkakonsensya. Alam ko makakatulong ako sa bahay pero feeling ko ay di ko din deserve ang ganun kalaking halaga ng hindi pinagtrabauhan ito.
Iniabot ko kay Mamoo ang 15k at inilihim ko muna sa kanila na galing ito sa isang napakabuting pamilya na halos kahapon ko lamang nakilala. Tatanggihan lamang nila ito kung sinabi ko ang totoo.
"Naipon ko yan Mamoo.."
"..ikaw na ang bahala." ang sabi ko.
Niyakap ako ni Mamoo.
"I've been praying for a blessing since last night son, I needed my documents renewed so I can fly back to Ireland and get your lolo to help us here"
"di ko inaasahan ito son..." medyo may accent pa si Mamoo but it's cute at dito na din sa naman sa Central ang puso niya.
"It's more than what I was expecting."
Lumuha na si Mamoo. Iniabot ko ang isang baso ng tubig at pabirong sinabing,
"Kung alam ko lang na iiyak ka Mamoo, 'di ko na ibinigay yan."
Niyakap ulit ako ni Mamoo.
"Mamoo, bibili ako ng phone bukas."
"Need ko para sa school at work" dagdag ko.
"O-okay."
"Thanks again son," muling sabi ni Mamoo.
Saka na ako natulog.
Kinabukasan ay mabilis kong tinungo ang mobile phone store sa loob ng shopping center.
Dala ang 15 thousand na natira mula sa ibinigay ng Ferrer Family, humanap na ako ng phone na mabibili.
Gamit ang spare ko pa na cash mula sa sweldo ko ay nabili ko ang gusto kong phone. Phone na pwede na sa video call at marami pang ibang features.
Pag-uwi ko ay ginamit ko ito kaagad pantawag kay Lucy.
"Hello, Lucy?"sagot ko.
"Uy, ang linaw na ng boses mo ah. Bago na yata ang phone!" sigaw ni Lucy sabay tawa.
(Turns video on)
"Haha! Oo.. Salamat sa inyo." masaya kong sagot then smiled noong makita ko siya sa video.
"Ay naku, si Papa lang ang mapilit eh." sagot niya.
(Parang ikaw ang mapilit base sa narinig ko sa pag uusap nyo last time.. hahaha)
"Pakisabi nalang salamat ulit. Hindi ko talaga alam kung paano makakabayad sa inyo."
"Napakabuti niyo." dagdag ko.
"No."
"..Just pay it forward Peak."
"..Sa iba pang mas nangangailangan, hindi mo kailangan ibalik 'yon sa amin."
BINABASA MO ANG
Winning Two Wars
Roman d'amourLanguage: Tagalog - English Sun and Moon; North and South; Fame and Simple Life; do they even meet in the middle? Do opposites really attract?