(Peak's Point of View)
Nagising ako ng eksaktong 3AM..
I was on the sofa. I opened my eyes and saw a beautiful lady sleeping on my bed just two meters up front. Napaupo ako kaagad.
Hindi pa din ako makapaniwala.
Oo nga pala, dito ko siya pinatulog kagabi.
I woke her up sa pamamagitan ng paghagod sa kaniyang buhok then to her cheeks. She smiled saka niya hinawakan ang kamay ko.
"Uy, kacute naman ng girlfriend kong bagong gising..good morning.."
Kakatuwa siyang tignan. Halatang inaantok pa siya dahil sobrang aga pa.
"Good morning..." mahinang sagot niya habang gumuguhit ang ngiti sa kaniyang labi.
At dahil mukhang makakatulog siya ulit ay iniangat ko na ang katawan niya at sinubukang i-upo. Nang akma siyang hihiga ulit ay inilagay ko ang braso ko sa likod niya pero bigla niya akong hinila para humiga sa tabi niya.
Our face were just inches away.
"hmm..Excited na ako." bulong niya.
"Ibang klase ka din eh, excited pero inaantok pa?"
"Maliligo na ako," binawi ko muna ang braso ko na naipit sa pagitan ng kaniyang likod at ng bed saka na ako tumayo.
"Ganitong oras ba talaga kayo gumising noong training nyo sa Army?"
"Yes mam.."
"Ganito kaaga?"
"uhuh" pagtango ko.
"Mamaya na ako maliligo pagdating natin ng Highlands."
"..itutuloy ko pa ang tulog ko sa biyahe." sagot ni Lucy habang dahan-dahan na bumangon.
"Copy that!" sagot ko habang dala ang towel ko at damit na pangpalit.
Ang tangi naming dala ni Lucy ngayong pag-alis ay ang mga damit na suot namin at ang wallet namin.
Nag-usap na kami kagabi na wag na mag over-pack. Marami naman kaming na ipon kaka-hintay sa isat-isa kaya't bibilhin nalang namin lahat ng mga kakailanganin namin along the trip.
I took my black Ford Raptor out. Ito ang sasakyan namin papunta and pabalik.
Hays.. bagong linis pa. Iningatan ngang maayos ng helper namin. He also had it modified as requested bago ako pumasok noong training. Medyo mataas na siya and I needed to climb up one step. And it looks badass as well.
We left at 4:15AM. Lucy slept 'til 6AM habang nasa byahe. I originally planned to make a few stops if magutom man si Lucy but since natulog lang siya buong byahe so yeah.. I drove straight to the hotel na sinabi ni Lucy. We arrived at 7:45AM which is not so bad. Maaga din kase kaming bumyahe.
Lucy talked to the reception while I rushed to the restroom para umihi.
Pagbalik ko ay sinamahan na kami ng staff ng hotel sa elevator. Sinabihan niya kami na may dalawang staff sa Penthouse, kung may ipapagawa kami or iuutos. The staff also gave us two proximity cards para sa elevator.
Pag-swipe namin sa elevator ay sa rooftop ito umilaw at doon kami dadalhin.
"Hala, mali yata yung binigay na card Lucy."
"Tama lang.." sagot ni Lucy habang natatawa sa reaksyon ko.
I was thinking na ang penthouse ay isang open rooftop lamang. Hindi pa kase ako nakakakita ng isa.
BINABASA MO ANG
Winning Two Wars
RomanceLanguage: Tagalog - English Sun and Moon; North and South; Fame and Simple Life; do they even meet in the middle? Do opposites really attract?