Chapter 33: Devastated (Lucy's POV)

29 9 7
                                    

(Lucy's Point of View)

It has been a month mula noong huling may marinig ako kay Peak.

Basta ang sinigurado lamang sa akin ni 2nd Lieutenant Nikki ay safe sina Peak sa mission at smooth naman daw lahat so far.

Meanwhile, Troy never stopped from his effort to reach out. At some point ay naiirita na ako sa kaniya.

For sure alam na niya na engaged na ako dahil naipost ko iyon sa Instagram and Facebook account ko. Pero sadyang makulit siya. He comes to my doorstep, work, and some of my events.

There was once a trade show sa isang trade center na pinuntahan ko since ako ang nagrepresent sa company. Hindi naman kasali ang company ni Troy pero pumunta pa din siya doon. Pilit na nagstay sa booth namin which is a bit awkward. When we tried to ask him to leave, dinahilan niya na interested siya sa mga products namin and pwede daw siyang maging company partner. Pero ang mga tanong niya ay hindi naman related sa company namin kundi puro sarili niya or about sa buhay ko.

He doesn't sound normal to me anymore. Medyo creepy na ang mga galaw niya. Hindi ko nga lang siya maiwasan basta-basta dahil sinasadya niyang magpakita sa mga lugar na maraming tao at kakilala.

Kapag pinansin ko naman siya kahit minsan lang ay parang nabubuhayan siya ng loob para lalong puntahan ako saan man ako naroon.

But after 2 months ay biglang tumigil si Troy. Nagpunta siya sa bahay bago siya mawala pero hindi ko siya kinausap. Pinasabi niya kay Melvina na may business trip siya sa Southern.

Balita ko ay tinanggihan ang bidding ng company niya para magsupply ng weapons sa Armed Forces. Malaking lugi ang matalo sa bidding dahil nagmass produce ang company nila in advance thinking mananalo sila.

Well... Atleast makakalabas muna ako in peace since hindi niya ako guguluhin.

Nainvite ako para magperform sa isang malaking event na kasama ang iba pang well-established singers and artists.

Too bad nasa vacation si Melvina for a week. At si Secretary Annie naman ay busy sa mga clients namin na pina-asikaso ko sa kaniya.

Naisip kong tawagan si Nikki. Hindi naman ako nag-eexpect na sasama siya pero sinubukan ko padin. Tutal ay itatanong ko din naman sa kaniya kung kumusta na sina Peak.

"Yeah sure.. why not?" sagot ni Nikki na hindi man lang nagdalawang-isip.

"Wah! Seryoso ka Nikki?"

"...sasamahan mo ako?"

"Magpapaalam ako kay Dad. Pagbibigyan naman niya ako so consider it as done."

"Yay! Sanaol talaga anak ni General.."

"Ayt. Grabe ka naman. Osiya, See you Ms Ferrer!"

"Lucy nalang ang itawag mo sa akin Nikki."

"Oki Lucy!"

"See you Nikki! Thank you!"

The day finally came maagang dumating si Nikki sa bahay. Nag tea muna kami at nagkwentuhan. Then inumpisahan na niyang mag suggest ng isusuot ko sa event.

Nikki helped me with my make-up. Napaka-girly din naman pala ni Nikki. Mali lahat ng first impression ko sa kaniya.

Nakadating kami sa event ng hapon. Still early since evening pa ang event. Tuwang-tuwa si Nikki dahil nakita niya ang iba niya pang idolong mga artista at nakausap niya pa. Salamat sa VIP ticket na dapat ay kay Melvina.

Tatlong beses akong mag-aappear sa event. Yung unang dalawang song ay mga duet kasama ang ibang mga singers. Ang panghuli naman ay solo.

At dahil sa naalala ko si Peak ay inialay ko sa kaniya ang kanta. Hindi ko din alam kung bakit ito ang napili ko pero pinush ko.

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon