Chapter 19: A summit and a kiss Part 2 (Lucy's POV)

31 9 11
                                    

(Lucy's Point of view)

The Marshmallows taste good. Medyo crunchy yung outside dahil na expose sa init ng apoy ng charcoal burner at sobrang sweet naman overall.

I rolled in the blanket. Sobrang lamig. Peak lifted the blanket and hugged me from behind sabay hila ng blanket pabalik para sa aming dalawa. Kinantahan ko siya para makatulog.

Saka ko naman itinuloy ang pagbasa ng mga reactions sa IG and facebook sa picture namin ni Peak. Nakakatuwa dahil parang nakatulog na si Peak with his arms around me. I rolled to my other side para magkaharap kami. He opened his eyes.

"Matulog ka na gorgeous one."

"Maaga pa tayong aakyat."

He kissed me on the forehead. While feeling his warm breath, I just closed my eyes.

Peak woke me up at 11:40PM. Nasa labas na yung local tour guide, Kuya Nard who is 49 yrs old.

Medyo inaantok pa ako, Peak took a wet towel then wiped it on my face. Pinalitan niya ang jacket na suot ko ng mas comfortable for the hike.

Hindi daw kase advisable ang super kapal ng jacket during the hike dahil pagpapawisan ka naman ng sobra habang naglalakad. We can bring it to the summit naman kung saan freezing ang temperature.

We talked to Kuya Nard, He will be bringing my tripod and my other Camera. I have another camera strapped around my neck.

We started the hike at exactly 12AM.
Nauna kami ng kaunti sa ibang grupo dahil maaga naman kaming na briefing ni Kuya Nard kanina.

Normal hike, will require a ratio of 5 hikers for 1 tour guide. Pero dahil kami lamang dalawa ni Peak at exclusive trip kami, we have an exclusive tour guide for just the two of us...

We were both wearing our brown hiking pants and hiking shoes terno. Naka-jacket na ako, Peak is still in his brown t-shirt. He is wearing a black ballcap on his head and I am wearing a beanie.

The trail is not bad. May ilang parts lang na matarik pero kaya ko pa naman.

Todo alalay naman si Peak sa akin. Sobrang dilim pa at nakikita ko lamang ang dinadaanan through our headlamps.

We stopped on multiple occasions. Madalas titigil kami kapag nararamdaman na ni Peak na medyo hinihingal na ako.

He took my backpack halfway ng akyat, siguro dahil pinagpawisan na ako. Kuya Nard offered to carry it since wala naman siyang masyadong dala pero tumanggi si Peak.

"Exercise na sa akin 'to sir," sagot niya.

"Sus, ang yabang mo nanaman." biro ko.

Peak just smiled, though I can see he isn't even trying. Darn handsome! Very muscular. Parang wala siyang dalang dalawang backpack kung maglakad.

He would hold on to my waist on some occasions while pushing me forward kapag naiiwan ako minsan. Ayaw niya sigurong  ma miss namin ang sunrise na objective namin sa hike.

We arrived at Camp 2. Maybe just an hour nalang daw before the summit. Kung nagtanggal man ako ng jacket kanina, now ay isinusuot ko na ulit dahil mas lumalamig na habang palapit sa summit.

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon