Chapter 9: The Dedicated One (Peak's POV)

32 9 2
                                    

Got home at last. Before I stepped out of the car I found a brown shemagh- a type of scarf that can be worn on the neck or used as a bandana- in the car's compartment.

May iniwan ding note dito si Lucy.

"Mag-iingat ka...hihintayin kita," ang nakasulat.

I smiled.

Natatandaan ko pang minsan ay isinuot ito ni Lucy sa isang event na pinuntahan niya sa Baguio. It is a very expensive scarf. Although hindi naman ako gaanon ka-bothered sa presyo, mas binigyang halaga ko ito dahil nanggaling ito kay Lucy.

I was a little surprised noong maamoy ko dito ang typical na scent ni Lucy. Napangiti ako habang itinatabi sa kama kasama ng iba pang gamit na dadalhin ko.

According sa instructions na narecieve ko via mail, I am only allowed to bring few personal things with me sa aking backpack.

Ayun, isinama ko yung scarf para nadin maalala ko siya.

"6 months may not be too long for others. It is forever to those who left a loved one outside," sabi nga sa isang librong nabasa ko.

I will miss my family, friends, and my very special girl.

Kinabukasan, 30th of May.

I ate my last civilian meal. Had my precious long hair shaved off by the barber. Medyo awkward sa pakiramdam dahil nasanay akong naipupusod ko ang buhok ko. Ngayon halos kalbo na.

I took a bath then nagbihis na ako. Maong pants at White t-shirt tulad ng isinaad sa mail.

Napatingin ako sa salamin at natawa sa itsura ko.

Inihatid ako ni Guro Cortez gamit ang kaniyang sasakyan sa pick-up point.

I got to know Guro Cortez a little more dahil sa martial arts training na itinuring na niya akong parang sarili niyang anak.

Andaming tao. About a hundred, all with big backpacks and envelopes. Magka-kaiba ang kulay ng balat, magka-kaiba ang porma at hugis ng katawan, at magka-kaiba ng height. 

The recruitment buses came. We all showed documents and went in.
Pagbaba sa loob ng kampo ay narinig ko na agad ang mga sigawan ng mga Army Instructors.

They guided each recruit to form an organized line and formation. They asked us to put our bags down on the cement floor. They also asked us na tanggalin lahat ng accessories at mga bagay na 'di namin kailangan sa katawan.

They guided a group of recruits to a room. Each group consist of 10 recruits.

Ilang minuto lamang ay ang grupo na namin ang inilalakad papunta sa isang kwarto.

Habang pumapasok ako dito ay napansin ko ang mga nakalinyang telepono at mga note na nakapost sa pader. Kada isang telepono ay may nakabantay na isang Army Instructor na naka uniform.

Ipinuwesto ako sa isang telepono at nakatitig sa akin ang isang Army instructor.

"Tumingin ka sakin!" nanlilisik na tingin.

"Basahin mo ang nakasulat ng malakas!"

Pagkatapos kong mabasa ito ng halos pasigaw ay...

"Hindi ko narinig! Ulitin mo!!!." sigaw ng instructor

Inulit ko naman ng pasigaw.

Ang sulat sa pader ay nagsasabing kailangan namin tumawag sa mga numerong isinulat namin sa dokumento na maaring kapamilya o nakakakilala sa amin sa labas. Ito ay upang ipagbigay alam na papasok kami sa training at mawawala sa loob ng ilang buwan.

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon