Chapter 21: Peace Short-lived (Peak's POV)

30 8 6
                                    

Binuksan ko ang pinto at lumabas sa driveway.

"Salute.."

"..Anton, kumusta?"

"Saludo, mabuti naman lieutenant.." saka niya tinapik ang likuran ko.

"Bakit mo dala ang sasakyan ng Headquarters at naka-uniporme?

"Hayy...more of a bad news ching (usual tawagan ng battle buddy).. heto nalulungkot, narecieve mo ba ang tawag ni General at yung email?"

"Hindi ko man bakit?"

"..kakauwi ko lang eh." pagtuloy ko.

"Basahin mo ang email."

"Pasok ka muna sa bahay, tara." pag imbinta ko kay Anton para tumuloy muna.

Tumuloy siya sa loob ng bahay kung saan ipinakilala ko siya sa mga kapatid ko habang si Lucy naman ay busy gumagawa ng meryenda sa kusina.

Binuksan ko ang laptop ko para magcheck ng email. Habang iniabot ni Lucy ang itinimplang coffee kay Anton.

"Ikaw ba mam ang girlfriend ng mokong na to?"

Nagulat si Lucy. Hindi siya sanay sa tono at mga biruan naming mga sundalo.

"Sh*t.. sorry nalimutan ko.. Lucy, siya si 2nd Lieutenant Anton Sevilla buddy ko noon sa training."

"Anton, si Lucy, girlfriend ko."

"Hi Lieutenant," saka nakipagshake hands si Lucy kay Anton.

"So ikaw nga..." Anton took a sip of his cup of coffee.

"..yung laging bukam-bibig ni Peak kapag nagkukumustahan kami..."

"...minsan kahit natutulog din yan sa barracks bukambibig ka padin. Hahaha!" paghalakhak ni Anton.

"Gagi ka ching.." natawa ako saka pabirong sinipa si Anton.

Ngumiti lang si Lucy at bumalik sa kusina.

Nakatanaw padin si Lucy sa interaksyon namin ni Anton dahil halos pabulong nalang kami habang nag-uusap. Nagtataka siguro siya kung ano ang nangyayari.

"Sh*t." sagot ko pagtapos mabasa ang email.

"Direct Order yan mula sa taas," sagot ni Anton.

"Nagkagyera sa isang probinsya sa Southern, kailangan nila ng karagdagan na Special forces operators doon"

"..siguradong mamadaliin nila ang training natin sa Special Forces dahil marami ang nalagas sa mga tropa."

"..alis natin ay mamayang twenty-three hundred, pero pinapasundo ka na ngayon para makapaghanda ng mga gamit mo." tuloy-tuloy na pagpapaliwanang ni Anton.

Twenty three hundred ay military slang na nangangahulugang 11PM sa normal na pagbasa.

"Napakabilis naman.. napanood ko to sa news noong isang araw hindi naman pumasok sa isip ko na maapektuhan din pala tayong mga bagong officers." bulong ko.

"Magpaalam ka na sa pamilya at girlfriend mo hihintayin kita sa labas." sabay pagtayo ni Anton at paglakad palabas ng bahay.

Hindi ako makapag salita at binasa ulit ang email dahil sa pagkakaalam ko talaga ay may 10 days pa kami sa vacation namin.

"Totoo nga." bulong ko.

Si Lucy ay lumabas mula sa kusina at papunta sa akin para iabot ang aking coffee. Napasulyap siya sa bintana habang iniaabot ang coffee ko.

"Nandiyan pa siya?"

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon