Chapter 22: Sad Homecoming (Peak's POV)

33 9 9
                                    

Chance na namin 'to. May night vision ang mga scope namin ni Anton. Makikita namin sila lahat.

"This is Nimbus, I got one Tango down," pauna ko.

"Joker, I got two Tangos down."

(gunshots)

"I got Four.."

(gunshots)

"six.."

(gunshot)

"seven.."

"Nimbus, sa may right ng malaking talahib hindi ko makita sa scope ko, ikaw na ang bahala!" sigaw sa radyo ni Anton.

"Copy that!"

(gunshots)

The adrenaline rush is there. Nakikita ko ang mga kislap ng sniper rifle ni Anton sa posisyon niya sa kabilang burol. Kada muzzle flash ng sniper niya ay nagrereport siya ng karagdagang casualty sa part ng mga terrorista. Sobrang galing talaga niya.

Pero hindi araw-araw ay swerte. Anim na ang casualty at walo na ang sugatan sa side ng mga sundalo sa outpost. Nahihirapan silang gumanti ng putok mula sa loob ng temporary outpost dahil napaka epektib ng pag-atake na ginawa ng mga terorista.

Kami lamang ni Anton ang nakakaganti ng putok dahil nasa mataas at tagong parte kami sa labas ng outpost at binibira lahat ng nakikita naming lumalapit dito.

Nakaabot na sa front and back gate ang mga terrorista. Kapag nasira nila ang gate at nakapasok ng tuluyan ay papatayin nila ang lahat ng mga sundalo na nasa loob.

"Base, t-tulong.. makukubkob na kami," radyo ng isang nag aagaw-buhay na sundalo sa loob ng outpost.

Nadiskubre na din ng mga terorista ang mga posisyon namin nina Anton sa burol dahil gumaganti na sila ng putok sa posisyon namin.

"Joker, suicide 'to kung mananatili pa tayo dito!"

"..Balik na tayo sa outpost, ako ang bahala sa front gate at ikaw ang sa backgate!"

"..Surpresahin natin sila sa likuran habang busy sila sa pagbukas ng dalawang gate!" order ko sa buong sniper team.

"Copy that Nimbus! over" sagot ni Anton.

Nagpalit na ako ng armas. From sniper rifle to assault rifle. Isinabit ko muli ang sniper rifle sa likod ng bag ko.

Bumaba na kami mula sa burol at inumpisahan na ang pagtungo sa mga gate ng outpost. Kasama ko ang spotter ko na si callsign Goblin palapit sa frontgate at kasama naman ni Anton ang spotter niya na si callsign Stark palapit sa backgate.

Magmumula kaming pareho sa labas at hindi alam ng mga terrorista na nasa likod lamang nila kami.

Umaasa ang mga terorista sa kaunting ilaw na galing sa buwan habang kami naman ni Anton ay may mga night vision goggles at equipment.

Nauna akong nakarating sa position ko malapit sa Frontgate habang busy ang nasa walong terorista dito na tinitibag ang gate.

"Nimbus in position." report ko.

"Joker, 2 mins out" sagot ni Anton

"Get in position, hintay ka sa signal ko,"dagdag ko.

Eksaktong 2 mins ay sumagot na si Anton.

"In position."

Heto na ang tamang pagkakataon.

"Open fire in three..two..one.."

"Fire!"

(Barrage of gunfire)

Winning Two WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon