CHAPTER 3

81 3 0
                                    

TAHIMIK lang na nakikinig si Happy kay Ma'am Flor Tañedo habang nagpapakilala sa kanilang lahat. Hindi niya maiwasang mapagkamalan itong masungit dahil sa nakataas nitong mga kilay at sa boses nitong nakaka-intimidate. Nalaman din nilang siya pala ang magiging adviser nila para sa buong taon.

"Okay class, I am one of the new teachers here in Golden Bright High School. I already introduced myself earlier so now it's your turn. I know that some of you are also newbies here so it's good if we will start to know each other well. Let's start."

Isa-isang nagpakilala ang mga kaklase niya. May mga nahihiya pang magsalita sa harap dahil naiilang sa mga titig na natatanggap at may mga sinulit na rin ang pagkakataon para magpapansin at magpa-cute sa kanilang mga crush.

Sunod-sunod naman na nagpakilala sina Jane, Sheena, at Paula. Napaawang na lamang ang bibig ni Happy sa gulat nang makita niya kung gaano kalakas ang loob ng mga ito. Paano ba naman kasi ay lantaran talaga kung magpabebe at magpapansin ang tatlo. Panay ang sulyap at ngiti nila sa likod kung saan nakaupo ang apat na lalaking katabi niya habang namumula ng husto ang mga mukha.

Grabe talaga sila. Walang kinakatakutan, walang ikinakahiya.

Nagpatuloy sa pakikinig si Happy sa mga kaklase niya. May mga ibang bagong mukhang mababait at meron din talagang mukhang masusungit. Habang papalapit na nang papalit kung kailan siya na ang pupunta sa harap, hayan na naman ang kabang nararamdaman niya.

"Happy, kalma lang. Huwag masyadong kakabahan. Magpapakilala ka lang sa harap then tapos na. Pang-huli ka pa naman kaya ayos lang. Naku, mahirap kapag nagkamali ka na naman." Pabulong na sabi niya sa kanyang sarili.

'Di niya mapigilang manginig dahil sa tensyong nararamdaman. Minu-minuto siyang napapabuga ng malalim na hininga para kahit papaano ay maibsan ang kanyang kaba.

"Okay, next."

Biglang tumayo ang isa sa apat na lalaking ka-row niya. Nakaupo ito sa kabilang dulo kaya medyo malayo-layo ito sa kanya.

Naging aktibo na naman ang mga babae sa kanilang klase. Hindi magkamayaw ang mga ito sa kakangiti dahil magpapakilala na ang apat na kinahuhumalingan nila.

Jusko naman.

"Goodmorning. I am Tyler Zachary Dizon, 17. The thing that I want you to know about me is that I really love music. It is my passion and it helps me to express my moods and emotions. That's all. Thank you." Nakangiti nitong pagpapakilala. Sa kanilang apat, siya ang may maaliwalas na mukha. Kapag ngumingiti ito ay hindi na makita ang mga singkit nitong mga mata.

"Fafa Tyler ko!" Mahinang ani ng kaklase niyang kulang na lang ay maging hugis puso na ang mga mata.

Nginitian naman ni Tyler ang babae na mas lalong ikinapula nito.

Mukhang mabait siya. Mukha nga lang.

Pagkaupo ni Tyler ay sunod namang nagpakilala ang lalaking may suot na salamin. Tahimik lang ito at parang hindi palasalita. "I'm Shawn Allen Gonzaga. I'm already 17. One of my hobbies that consumes all my free time is reading. It really helps me a lot." Pagkatapos ay tahimik ulit na bumalik sa kanyang upuan.

Ah mukhang matalino ang isang 'to. Mabait din kaya? Parang busy palagi sa pagbabasa.

Parang nawala na naman sa tamang huwisyo ang mga kaklase niya dahil sa kilig.

Biglang napatingin si Happy sa kanyang katabi nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata, agad na nagbaba ng tingin si Happy dahil sa hiya. Nasa isip-isip niya na baka hinuhusgahan na siya ng binata dahil sa pamamaraan ng pagtitig nito sa kanya.

Habang hindi mapakali ay tumingin na lamang siya sa sunod na nagpakilala.

May ngisi ang mga labi nito na mukhang nasisiyahang magpakilala sa harap "Hello, everyone! It's nice to see you all here. Alam kong kilala na ako ng karamihan sa inyo pero sa mga baguhan, lemme introduce myself to you. I am George Andrew de Leon. I am 17 years old. Some of my hobbies are basketball, swimming, dancing, and travelling. If you want to know more about me, you can come to me especially you girls. Let's be friends. Huwag kayong mahihiya sa akin. I'm very sure that you will going to enjoy every moment of your life when you're with me." Confident na confident ito habang nagpapakilala.

Ang hangin naman ng isang 'to. I'm very sure he's a playboy. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Sabagay malakas ang loob dahil may ipagyayabang.

"Waaah George sa akin ka na lang." Sabi ng isa niyang kaklase.

Bigla namang sinagot ito ng binata. "Sure baby girl, wanna have fun? Laters."

Nangamatis naman ang pisngi ng babae.

Narinig naman niyang nagtawanan ang buong klase.

Napailing-iling na lang si Happy sa kalokohan ni George.

Napatahimik naman ang lahat nang biglang tumayo ang lalaking katabi niya. Mukhang itong iritado at wala sa mood kaya siguro walang naglakas ng loob magpapansin dito.

Hindi maialis ni Happy ang tingin sa lalaki. Ewan ba niya at parang may humihila sa kanya para pagmasdan ito ng mabuti. Sa tangkad ng lalaki, mukhang hanggang balikat lang siya nito. May maputi at may katamtaman din itong pangangatawan. Bumabagay dito ang medyo magulo nitong buhok na nakakadagdag pang lalo sa taglay nitong kaguwapuhan. Napakatangos din ng ilong nito at may natural na mapupulang labi na siguro ang ilan sa mga dahilan kaya madaming nagkakagusto dito.

Pero ang pinakanakakuha talaga ng pansin ni Happy ay ang mga misteryoso nitong mga matang ang sarap titigan.

Tumigil ka Happy! Kung ano-anong iniisip mo!

"I'm Liam James Smith, 17. Nice to meet you all." Maikling pagpapakilala nito at agad na bumalik sa kanyang upuan.

"Mr. Smith, you did not tell us about your hobbies." Nagtatakang sambit ni Ma'am Flor. "By the way, let's go on to the next person who will introduce herself. Now stand up." Turo nito sa kanya.

Nabuhay na naman ang kaba ni Happy dahil siya na ang magpapakilala. May mga narinig siyang mga bulungan at mahihinang tawanan habang siya ay naglalakad papunta sa harapan.

"Here comes the pig."

"Poor girl. Look at her face."

Yumuko na lamang si Happy dahil hindi alam ang gagawin. Nahihiya siya dahil sa mga titig na nakukuha niya. Gusto na lamang niyang lamunin ng lupa para hindi niya marinig ang mga pang-iinsultong ibinibigay sa kanya.

"Keep silence! We all know that this girl will going to introduce herself. Bakit ang iingay niyo? Kanina pa kayo ha. Kung ano-ano 'yang lumalabas na masasamang salita diyan sa mga bibig niyo. I will not tolerate that kind of behavior inside my class kaya umayos kayo." Pagtatanggol sa kanya ng kanyang guro.

Sumulyap si Happy sa kanyang guro at nginitian niya ito ng tipid. Sinenyasan na lamang siya na magpakilala sa harap.

Huminga siya ng malalim na hininga bago nagpakilala. "Ahm, h-hi. My name is Happy Smile Pascua. I'm 16 years old. Mahilig akong tumugtog ng ilang mga intruments. I can also sing pero hindi naman kagalingan. Mahilig din akong magluto at kumain ng street foods. 'Yun lang, salamat."

"Kaya naman pala mataba." Sabi ng isa niyang kaklase na nagsanhi ng tawanan sa buong silid.

Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito at dali-daling naglakad para makaupo na. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, naapakan niya ang paa ni Liam dahil sa pagmamadali.

"What the f*ck! That hurts." Sabi nito habang hinahawakan ang paang naapakan niya.

"Hala, pasensya ka na. Hindi ko sinasadya." Nanginginig ang boses ni Happy habang humihingi ng paumanhin.

Hindi naman ito nakalampas sa mga kaklase niyang nakiusyoso na din. Nang nalaman nila ang nangyari, ang tatalim na naman ng mga matang nakatutok sa kanya.

"Hindi kasi nag-iingat. Tsk." Pabulong na sabi ni Liam.

Nang napatingin si Happy sa gawi nila Jane, mahinang pinagbantaan siya ng mga ito.

"Humanda ka sa amin."

Easily BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon