WALA SA SARILI si Happy habang kumakain sila ng hapunan. Nakatulala siya habang sumusubo ng pagkain dahil lumilipad na naman ang isip niya. Hindi niya makalimutan ang nangyari kanina na parang sirang plakang paulit-ulit na lamang na lumilitaw.
Pakiramdam niya ay nababaliw na naman siya. Ewan ba niya at bakit niya nararamdaman ang bagay na 'yon. Ang weird lang.
"Hey!" Someone said.
When she glanced at them, her heart was racing intensely when she met Liam's gaze.
"Hey." Maayos na pagbati ni Joy.
Pero wala sa mga ito ang kanyang atensiyon kundi nasa mga mata ng lalaking walang emosyon ang mukha.
Habang tinititigan niya ito, hindi niya mapigilang purihin ang kaguwapuhan nito. Is he even possible? He looks so perfect.
Lahat naman sila ay biniyayaan ng kaguwapuhan ngunit napakamisteryoso talaga ng mga mata ni Liam. Nakakaakit ng mga tingin. Alam niya ang pakiramdam non dahil ilang beses na niya itong naranasan. Tulad ngayon.
'Wait, inisip ko ba 'yon? Ano ba 'yan Happy, tumigil ka. Hindi 'yan maganda.'
Sa tagal na niyang nag-aral sa GBHS, talagang hindi niya napapansin ang mga ito dahil lagi siyang umiiwas sa mga tao. Pero ngayong nagkaroon siya ng pagkakataong matitigan sila kahit minsan, hindi niya masisisi ang mga kababaihan dahil talaga namang nabiyayaan sila.
It because of the looks, right? Big deal talaga lalong-lalo na sa mapanghusgang mundo ngayon.
Okay. That's bitter but the truth.
Hindi pa din natitinag ang titigan nila. Tila natulala na ata siya.
Then she was shocked when she saw him smirk.
'Wait, what?'
Hindi na niya kayang makipagtitigan pa dito nang matagal. Para kasi siyang natutunaw. Kaya yumuko na lang siya at ipinagpatuloy kumain.
'Looks over attitude? Hindi dapat.'
Nang lingunin naman niya si Joy, makikita din dito ang pagkailang but she easily covered it with a fake smile.
"It's nice to see you. Why don't you join us here? May space pa naman. Come." Ani George habang may nakakalokong ngisi na naman sa labi.
Kahit kailan talaga. Huwag magpapaloko sa mukhang 'yan, mahirap na at baka mapahamak pa.
Naalala niya pa kung papaano ito ngumisi at nasiyahan habang pahiyang-pahiya siya sa harap ng madaming estudyante noong nabangga niya si Liam. Mukhang magkakaugali lang talaga sila, natatago lang ng magandang mukha.
"No, thanks. We're fine." Sagot ni Joy.
"I think you're toasted, bro." Natatawang sabi ni Tyler.
"Pity." ani pa ni Shawn na may suot-suot na headphone.
"Are you sure?" Ani George habang hinaharap kami, particularly kay Joy. Talagang nangulit pa ito. "Mas masarap pa namang kumain kapag maraming kasama."
Huminga muna ng malalim na hininga si Joy bago sumagot. "I said, we're okay here. Kumakain na kami." Mukhang naiirita na ito.
"Okay, okay." Pagsuko ni George habang nakataas pa ang mga kamay. "But if you want, just tell me right away."

BINABASA MO ANG
Easily Broken
Teen FictionPeople describe Happy Smile Pascua as an ugly fat duckling girl with big eyeglasses on. Nang dahil sa katangian niyang ito, palagi siyang pinagtitripan at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita. Wala siyang kaibigan kaya palagi siyang nag-iisa. ...