NAGULAT si Happy pati na rin ang kasama niyang si Joy nang marinig nilang tinawag sila ni George habang papaalis sila sa cafeteria. Hindi talaga maalis-alis ang ngising mukhang nakaplaster na yata sa pagmumukha nito. Pasimpleng iginala ni Happy ang tingin sa apat na lalaking dahilan ng paghaba ng leeg ng mga kababaihang kanina pa lingon nang lingon.
Nakita niyang nakatingin sa kanilang dalawa si Tyler na may maaliwalas na mukha at ngiti. Ito 'yung mukhang mabait na nagpakilala sa kanilang lahat kanina. Halos hindi na talaga makita ang mga mata nito sa sobrang singkit. Napakaputi din nito at ang disenteng tignan.
Sunod naman ay si Shawn na may suot na headphones at may binabasang libro. Ni hindi nga ito lumingon sa kanilang dalawa at mukhang ayaw magpaisturbo.
Ah sabagay, siya yung mukhang tahimik at mahilig magbasa. Baka mainis kapag ginulo nila ito habang may ginagawa.
Nang mabaling naman ang tingin niya sa lalaking may napakamisteryosong mga mata, hindi na naman niya maiwasang mapatitig dito ng matagal. Mukha talaga itong iritado at masungit dahil magkasalubong na ang mga makakapal nitong kilay habang nakatitig sa mga kasama. Pero hindi alam ni Happy bakit tila nahihila nito ang kanyang atensiyon. Those mysterious dark brown eyes, his messy hair style, his lips, and that aura is very attractive. So close to being perfect.
Sa mga nakalipas na taong nag-aral siya rito, ngayon lang niya natitigan ang mga ito ng malapitan. Palagi kasi siyang nagtatago at umiiwas sa mga tao. Tuwing dadaan silang apat habang may mga aktibidad dito sa paaralan, hindi na lamang siya lumilingon at binibigyang-pansin ang mga ito kahit na madaming naghihiyawan. Kaya hindi na nakapagtataka kung hindi niya masyadong kilala ang apat na binatang kinahuhumalingan ng madla.
Isa pa, may mga usap-usapan pa nga na mga loko-loko ang apat na iyon kaya kailangang mag-ingat at baka siya pa ang mapag-tripan.
Mahirap na. Mas maganda nang lumayo kaysa mapahamak na naman, 'di ba?
Pero ewan ba niya, magmula kanina habang nagpapakilala sila, hindi niya maiwasang titigan ang apat lalong-lalo na si Liam. Parang may magnet itong kasama at naaattract siya.
Jusko Happy, tumigil ka!
"Yes? Do you need something from us?" Nakangiting tanong ng kasama niya.
She blinked. Nagulat na lamang siya dahil nagsalita si Joy. Ganoon ba siya kalutang habang tinititigan si Liam?
Lumapad pang lalo ang ngisi ng tumawag sa kanila.
"I just want to say hi. If my memory serves me right, you two are my classmates. I'm just being friendly here." Wika ni George.
Nabaling ang tingin niya rito. Mukhang hindi talaga mapagkakatiwalaan ang isang 'to.
Natawa naman ang isa sa apat kaya napatingin sila dito.
"Bro, stop that. You're making them annoyed." Ani Tyler.
Naiilang naman na nagbaba ng tingin si Happy at pasimpleng nagtago sa likuran ni Joy.
"Tara na Joy." Ani niya rito.
Sumabat naman ulit si George. "Oh hi there miss four eyes."
Binigyan naman niya ito ng tipid na ngiti.
"Excuse us, we need to go." Maayos na pagpapaalam ni Joy.
Pagkalabas nila ng cafeteria, doon lang nakahinga ng maluwag. Hindi niya kayang tumagal doon lalong-lalo na at madami ng tumitingin sa gawi nila. Nakakailang din ang pakiramdam na malapit ang mga ito dahil mukhang ginugood time lang sila. At isa pa, gusto niyang iwasan ang mga ito para malayo siya sa gulo.

BINABASA MO ANG
Easily Broken
Genç KurguPeople describe Happy Smile Pascua as an ugly fat duckling girl with big eyeglasses on. Nang dahil sa katangian niyang ito, palagi siyang pinagtitripan at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita. Wala siyang kaibigan kaya palagi siyang nag-iisa. ...