CHAPTER 10

62 4 0
                                    

NAPAGPASYAHAN na lang nilang dalawa na pumunta sa pinakamalapit na mall. Habang nasa loob sila ng sasakyan, puro kuwentuhan at tawanan ang naganap. Hindi talaga maitatangging namiss nila ang isa't-isa.

"Ikaw talaga, Joy. Bakit hindi mo kasi ako sinabihan? Nagulat naman ako sa'yo kanina."

Natatawa naman itong sumagot. "Eh gusto nga kitang i-surprise tsaka feeling ko gumana naman 'yon. Pati tuloy si tita napa-oo kaya magkasama tayo ngayon."

"Akala ko 'di ako papayagan eh. Hindi naman kasi ako masyadong lumalabas."

"Basta ang mahalaga, pinayagan tayo 'diba? Minsan lang 'to kaya i-take na natin. Tsaka, this is our first bonding time together outside the school so we should enjoy it!" She happily said.

Napangiti na lang siya. She was so overwhelmed by Joy. She's indeed a blessing to her.

"Tinanong ko na din sa parents ko kung saan 'yung mga magagandang pasyalan dito sa lugar natin. Sana mapuntahan natin lahat ng 'yon soon."

"Ahm, sana nga."

Mga ilang minuto pa ang lumipas bago sila nakarating sa kanilang paroroonan. Mabilis silang bumaba ng sasakyan para makapasok na at makapamasyal.

"Bye, manong! Pasundo na lang po kami mamaya ni Happy. I-text ko na lang po kayo ni mama. Salamat po." Magalang na pagpapaalam ni Joy sa kanilang driver.

"Oh sige, mga hija. Mag-iingat kayo ha?"

"Noted, manong. Kayo din po."

Nang makaalis na ang driver, agad silang pumasok sa loob. Hindi matatawaran ang mga ngiting nakaukit sa kanilang mga labi dahil sa sobrang kasiyahan.

Hindi din maitago ni Happy ang kanyang pagkasabik. Tama nga si Joy, this is their first bonding time together as well as her first time going out with a friend that really cares for her.

Minsan lang maging masaya kaya lulubos-lubosin ko na.

"Anong gusto mong gawin natin, Happy? Kakain muna o gagala?"

"Kahit ano, Joy." Nahihiya nitong sambit.

She heavily sighed. Hindi niya maiwasang mahiya dahil wala naman siyang dalang pera. Basta sumama na lamang siya dahil gusto niyang makasama ang kaibigan. Kahit gusto man niyang gumastos at makihati na lang sa mga bayarin ay hindi niya magawa.

"Nood muna kaya tayo ng movie? I think masaya 'yon." Nasasabik na sabi nito.

"A-ahm Joy, w-wala kasi talaga akong dalang pera."

"I already told you, akong bahala. This is my way of saying thank you because you're always by my side. I am beyond grateful because I met someone like you. So please don't worry okay? My treat." Nakangiti nitong sambit.

"Joy, thank you. I really appreciate all those things that you've done to me pero 'di ko din maiwasang mahiya. Ang dami mo ng naitulong sa akin. Hindi ko alam kung papaano ko masusuklian ang lahat ng iyon."

"You don't need to do that. Okay na sa akin na binigay mo 'yung time mo ngayon. That's really enough for me. Thank you."

Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya but she's very thankful because of her.

"Tara na, Happy! Nood tayo. Sige na pleaseee." Pangungulit nito.

Wala naman siyang magagawa. Kapag ito na ang nangulit, bibigay na siya agad.

Hinila siya nito papunta sa pila kung saan kukuha sila ng ticket ng kung ano man ang kanilang panonoorin. Nagpaubaya na lamang siya habang hila-hila pa rin siya nito.

Easily BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon