CHAPTER 8

64 5 0
                                    

HINDI pa rin maalis-alis sa isipan ni Happy ang gulong nangyari sa kanila kanina kahit anong pampalubag-loob ang gawin sa kanya ni Joy. Patuloy niya pa ding sinisisi ang kanyang sarili dahil pati ang kaibigan niya ay nadadamay sa sarili niyang gulo.

Paulit-ulit niyang itinatatak sa kaniyang kukote na siya na nga lamang ang nag-iisa niyang kaibigan na laging nandiyan para sa kanya kaya naman hangga't maaari ay hindi ito masaktan at masangkot sa mga ginagawan siya ng masama.

Kahit ako na lang, 'wag lang si Joy.

Kung nag-ingat lamang siya na hindi mabangga si Liam, walang mangyayaring ganito. Hindi sana ito makikipagsagutan ng ganoon. Maayos sana ang lahat at wala siyang iniisip na kung ano-ano.

Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko? Okay na sana eh. Kasalanan ko talaga 'to!

Nasa kalagitnaan siya ng malalim na pag-iisip at pagmumuni nang bigla siyang tawagin ng kanyang gurong nagtuturo sa harapan.

"Are you listening, Ms. Pascua?" Madiing tanong nito sa kanya habang nakapamewang pa. Nakataas na naman ang kilay nito na nakakatakot tignan.

Nabalot naman siya ng kaba pagkatapos marinig ang sinabi nito. Unti-unti siyang tumayo mula sa kaniyang upuan para harapin ito.

Everyone is watching her. It makes her knees tremble.

Pilit niyang ibinubuka ang kanyang bibig para humingi ng pasensiya ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya magawa.

Isip Isip Isip

"We are in the middle of our class yet your mind is still not here. If you don't want to listen or even participate, the door is wide open. You can leave whenever you want."

Nagbaba siya ng tingin dahil sa sinabi nito. Ngayon lamang siya napagalitan ng kanilang guro kaya halos manginig na siya sa takot. Hindi siya sanay na ang guro mismo ang nagagalit sa kanya. Hayan tuloy, dumagdag na naman ang bigat na nararamdaman niya.

"Ahm... ma'am, I'm sorry ho." Mahina niyang sambit.

"Next time, I don't want that kind of behavior inside my class. If you do it again, don't come to me begging to change what's written on your report card."

Dahan-dahan naman siyang tumango. "Yes, ma'am."

Nang ibaling na ng kanyang guro ang tingin sa mga kaklase niya, agad na siyang umupo sa kanyang upuan habang nanghihinayang sa nangyari.

"Okay. Who else knows the answer? Anyone?" Iginala nito ang kanyang paningin sa buong silid.

Napunta ang kanyang tingin sa kanyang kaibigan na si Joy nang magtaas ito ng kamay. Kitang-kita niya na napalingon ang lahat dito habang bahagyang may gulat sa mukha.

Itinuro ng kanilang guro si Joy. "Yes, Ms. Mendez?"

Habang nakikinig siya sa lahat ng sinasabi ni Joy, hindi niya maiwasang mamangha sa galing nitong magpaliwanag. Talagang maiintindihan ng lahat ang gusto nitong iparating.

Nang matapos na siya, hindi mapigilan ng mga kaklase niya ang mamangha at purihin siya.

"Ang galing mo naman, Joy!"

"Wow, ang talino! Sana all!"

"Hindi lang pala siya maganda, matalino din!"

"Paturo naman kami niyan."

Ilan lang ito sa mga narinig niyang sinabi ng mga kaklase niya.

Nakita niyang nginitian lang ni Joy ang mga ito bago umupong muli sa kanyang upuan.

"Excellent! That's the answer I was looking for. Do you understand, class? Especially you, Ms. Pascua?"

Nahihiya siyang nagtaas ng tingin. "O-opo."

"Good"

"Mukhang nabobo na si Happy." Mahinang banggit ng nasa harapan niya habang may kasama pang tawa.

"Wala na talaga. Nakakahiya naman kasi talaga siya eh 'di kasi nakikinig. Napahiya tuloy."

Hindi na lamang niya pinansin iyon kahit masakit. Wala naman siyang magagawa eh. Kasalanan din naman niyang hindi nakinig sa klase.

Hay, deserved ko naman 'to.

Nakita niyang nakatingin si Jane sa kanya habang may nakakalokong ngisi sa mga labi.

"Buti nga sa'yo."

Habang lumilipas ang oras, pinilit ni Happy na makinig sa harapan. Ibinuhos niya ang kanyang buong atensiyon sa pakikinig para naman kahit papaano ay mas maisagot na siya.

"Are you okay, Happy?" Biglang tanong ni Joy sa kanya habang kumakain sa cafeteria dahil lunch time na.

"Oo, ayos lang ako."

Pilit niyang binibigyan ng ngiti si Joy para hindi na ito mag-alala pa ngunit hindi niya talaga kaya. Sa sobrang daming hindi magandang nangyari ngayon, hindi na niya alam kung papaano mabalik ang kanyang sigla.

I feel tired. Can I have a break from these negative vibes?

"Joy, I'm sorry. Pasensiya ka na talaga kanina kasi nadamay ka pa sa gulo ko."

"'Yan ba 'yung naiisip mo kanina pa? Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. Just please, stop blaming yourself."

"But still, I'm sorry."

"Masyado lang kasing judgmental 'yung ibang mga students dito. Don't mind them, okay? Mawawala ka na naman sa sarili like earlier. Ayokong nagkakaganoon ka."

Hindi na lamang siya nagsalita pa. Alam naman niyang nag-aalala lang ito sa kanya ngunit mas lalo siyang nag-aalala para sa kapakanan nito. It is her way to boost her confidence and also to build her up but it will take time to happen. She knew the truth. Even if Joy will going to fight for her, everyone will not going to stop until she suffered. Ganyan naman ang buhay niya magmula noon, kahit wala pa ito sa tabi niya.

Sa mundong ginagalawan niya, alam niya kung papaano tratuhin ang isang tulad niya. She lives in a society wherein looks is very important. Ang hirap makibagay dahil inuuna nilang tinitignan ang panlabas na kaanyuan. Ang taba, pangit, at lampa na nga niya; Kapag ganyan ang katangian ng isang tao, hindi talaga kamahal-mahal.

Ang lagi ngang nasa isip niya, wala naman siyang magagawa. Ganito na ang katangian niya kahit noon pa. But she's trying her best to become better even it's hard especially there's a lot of people who are still dragging her down. Sa bawat hakbang, may pilit pa ring humihila sa kanya. Ang masaklap, hinahayaan niya itong mangyari kaya siya ang kawawa.

Hindi niya maiwasang bumaba ang tingin niya sa sarili. Nalulunod na siya sa negatibo niyang pag-iisip.

I was just wondering why did my parents name me Happy when it's just the opposite of what I feel?

What an irony!

Maybe someday, people will understand that she's also a human being.

Nagsalin na lang siya ng tubig sa baso at mabilis na nilagok iyon. Naglagay ulit siya at minadaling inubos ito.

Mukhang napansin naman ni Joy ang pagkapraning niya dahil napasulyap ito sa kanya. May pag-aalala na namang makikita sa maamo nitong mukha.

At dahil nga expert siya pagdating sa pagpapanggap, she still gave her a small smile.

Habang pabalik ulit sila sa kanilang silid, she was still lost in her thoughts. Malayong-malayo ang itinatakbo ng isip niya. Para siyang mawawala sa sarili, para siyang mababaliw.

She was aware that she's very sensitive and get easily hurt by someone. But now, she has Joy that will make her at peace even for a while.

I will do everything to keep her safe from my misery.

Easily BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon