PAGKALABAS ng silid, hindi nakalampas sa kanyang paningin ang mga estudyanteng agad na napasulyap sa kanyang katabi na si Joy. Agaw pansin talaga ang ganda nito. Hindi na siya magtataka kung madaming magkagusto dito kahit baguhan pa lamang ito sa kanilang paaralan.
"Ang dami pala talagang nag-aaral dito no? Tsaka ang lawak din ng school." Manghang sabi ni Joy sa kanya.
"Ah, oo Joy." Maikling sagot ni Happy.
"Matagal ka na ba dito?"
"Oo. Lumipat ako dito sa GBHS noong grade 7 pa lang ako."
"Nice. Tour me around here ha tsaka help me to adjust sa bagong surroundings ko."
"Ahm sige."
Pagkarating nila sa cafeteria, agad na naghanap ng puwesto si Joy para makaupo na sila. Nang may makitang magandang pagpupuwestuhan, agad siyang hinila nito papunta roon. Uupo na sana silang dalawa nang may sumita sa kanilang isang estudyante.
"Huwag kayo diyan dahil nakareserved na 'yan. Teka baguhan ba kayo dito? 'Di niyo ba alam na 'yung grupo lang na 'yon ang puwedeng umupo diyan? Tsk. Hanap na lang kayo ng ibang pagpupuwestuhan baka kayo pa ang mapagtripan." Masungit na sabi nito.
Napakunot siya ng noo pati na rin ang kasama niya. Sa tagal na niyang nag-aaral dito, hindi niya alam na may gano'n palang patakaran sa mga upuan na 'yon. Sabagay, hindi nga naman siya madalas lumabas kaya marahil hindi siya kilala ng estudyanteng 'yon.
Kahit papaano pala may hindi pa nakakakilala sa akin bilang sikat sa pagiging tampulan ng tukso.
"Weird. Alam mo ba 'yon Happy?" Nagtatakang tanong ni Joy.
Mabilis siyang umiling. "Hindi eh."
"Hays, tara hanap na lang tayo ng iba."
Medyo nahirapan itong makahanap ng pagpupuwestuhan dahil madami na ding mga estudyante ang naroroon. Lunch time pa naman kaya talagang pahirapang makakuha ng mauupuan.
Nang makakita na na hindi naman kalayuan sa nauna nilang nahanap, agad silang umupo.
"Anong gusto mong kainin Happy? Libre ko na."
Mabilis na umiling si Happy. "Ay naku nakakahiya naman Joy...huwag na. May baon ako kaya ayos na 'to."
"Don't be shy. Sabihin mo na if may gusto ka." Pamimilit nito.
"Ayos na talaga ako huwag kang mag-alala."
"Sure ka ba? Wala kang gustong ipabili or what?" Naninigurado nitong tanong.
Nginitian niya ang kausap bago tumango. "Oo, Joy."
"Oh sige. Pila na ako ha para mabilis kong makuha yung pagkain. Wait me, okay?"
Pagkaalis ni Joy, inilibot niya ang tingin sa buong cafeteria. Punong puno ng mga estudyante ang loob nito. Napakaingay din at napakagulo na siyang nakapagpapahilo sa kanya.
Nang lumingon siya kay Joy habang nakapila, nagulat na lang siya nang madaming kumakausap dito na sinusuklian naman niya ng tipid na ngiti. Ang iba pa nga ay pinauna na siya sa pila na tinanggihan naman niya. Makikita sa mata ni Joy na masaya siya habang kausap ang mga ito.
She's so friendly.
Habang hinihintay si Joy na makuha ang inorder nitong pagkain, maingat naman niyang kinuha ang kanyang baon mula sa bag. Palagi siyang nagbabaon tuwing may klase dahil mas nakakatipid siya ng pera. Hindi din talaga siya kumakain dito sa loob ng cafeteria dahil nakasanayan na niyang kumaing mag-isa sa loob ng classroom pero dahil nga may kasama na siya, pinaunlakan na niya ang pag-aaya ni Joy.

BINABASA MO ANG
Easily Broken
Teen FictionPeople describe Happy Smile Pascua as an ugly fat duckling girl with big eyeglasses on. Nang dahil sa katangian niyang ito, palagi siyang pinagtitripan at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita. Wala siyang kaibigan kaya palagi siyang nag-iisa. ...