"CLASS, 30 MINUTES LEFT!"
Nagulat si Happy nang marinig si ma'am Flor. Ngayon kasi ang exam nila. Half-day lang sila ngayon at kasalukuyang nasa last subject na.
Happy, isip-isip. Huhuhu
Wala siya sa focus habang nagsasagot. Kahit anong pilit niyang intindihin 'yung tanong, wala talaga.
Papaano ba naman kasi, hindi naging maayos ang pagrereview niya kagabi. Pinipilit niya ang sariling magmemorize at intindihin lahat ng mga lessons pero mismong utak na niya ang umaayaw.
Minu-minuto kasi ay ang nakakahiyang eksenang ginawa niya kahapon sa pagbilihan ng street food ang naiisip niya. Gusto na lang niya magpalamon sa lupa nung mga oras na iyon. Jusko kung hindi pa siya hinila ni Joy palayo sa lugar ay hindi pa siya makakagalaw dahil sa gulat.
Kaya ang resulta, wala siyang naipasok na kaalaman sa utak niya para sa kanilang pagsusulit ngayon.
"Man, are you done?" Narinig niyang bulong ni George.
Hindi pa rin nagbago ang posisyon nila sa kani-kanilang mga upuan. Ganoon pa rin ito kaya kahit medyo lumayo ang distansya ng mga katabi niya ay naririnig pa rin niya ang pinag-uusapan nila.
"Not yet, dumbass." Ani Shawn
"Faster so that I can see your answer." Bulong ulit nito.
Hindi niya mapigilan ang mapalingon sa gawi ni George. Alam niyang nandadaya ito at hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na hindi iyon maganda.
Bigla namang napasulyap sa gawi niya ang lalaki na ikinagulat niya. Nagsalubong bigla ang mga kilay nito.
"Hey, miss four eyes. Don't you dare tell Flor about this or else, I will tell them about what happened yesterday." Pagbabanta nitong at may kasama na namang nakakalokong ngisi. As usual.
Aba, Flor lang ang tawag kay ma'am. Bastos talaga.
"Hindi kasi tama 'yan." Malumanay ngunit pabulong niyang ani.
"Ito naman napaka-kj mo. Masyadong mabait."
Bigla namang sumingit si Shawn. "Shut up, dude. Ang ingay mo. Here," Pagkatapos ay iniharap nito ang sariling test paper kay George.
"Thanks, man. I'll treat you isaw later." Sabay ngisi.
"Quiet, bros. Masyado kayong halatado eh." Sabat ni Tyler na kanina pa tahimik na nagsasagot sa gilid.
"Chill man." George.
Napailing na lamang siya sa mga ito. Wala naman na siyang magagawa. Kahit magsumbong siya baka mas paniwalaan pa ng mga tao ang apat na 'to kaysa sa kanya.
"Seems like you're out of your mind, nerd."
Nang marinig niya ang boses na iyon ay natigilan siya. Hindi niya inaasahan 'yon.
"Ha-aa?" Parang tangang sagot niya.
Nang lingunin niya ay walang emosyon ang mga mata nito. Tinuro na lamang nito ang panyo niyang nahulog sa baba.
"Sa-alamat."
Sa halip na sagot nito ang marinig niya, boses ni ma'am Flor ang narinig niyang nagpakaba sa kanya nang todo.
"YOU TWO! STAND UP!"
Nabulabog ang buong katawan ni Happy ng marinig ang madiin ngunit walang emosyong sabi ng kanilang guro. Boses pa lamang nito ay nakakanginig na ng tuhod. Nang iginala niya ang tingin sa buong klase, nakita niyang nakatingin ang mga kaklase niya sa gawi nila. Ang malala, pati ang kanilang guro ay matalim ang mga matang nakatitig sa kanila.

BINABASA MO ANG
Easily Broken
Teen FictionPeople describe Happy Smile Pascua as an ugly fat duckling girl with big eyeglasses on. Nang dahil sa katangian niyang ito, palagi siyang pinagtitripan at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita. Wala siyang kaibigan kaya palagi siyang nag-iisa. ...