CHAPTER 12

70 5 4
                                    

MABILIS lumipas ang mga araw at ngayon nga ay naghahanda na sila para sa paparating na Intramurals ng kanilang paaralan. Kailangan nilang matapos ang nga gawain lalong lalo na't dito rin ibabase ang kanilang grado sa partisipasyon.

"Class, dahil nga malapit na ang Intramurals natin, we need to have representatives to compete for the Ms. and Mr. Intramurals for this school year. Kailangan din nating magkaroon ng mga players sa iba't-ibang mga sports." Wika ng kanilang guro na si Ma'am Flor.

Narinig naman niyang naghiyawan ang kanyang mga kaklase dahil sa excitement. This event is one of the most exciting part of the school year para sa kanila kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ganito ang kanilang mga reaksyon.

Sadly, this is not good for her. For the past few years she had experienced it, walang nagbago. She was alone. Minsan nga ay ayaw na niyang pumunta kapag may mga event sa school pero hindi pwede dahil ayaw naman niyang bumagsak. Kaya kailangan pa ring makihalubilo kahit ayaw ng mga ito sa kanya. Ang mahalaga naman doon ay makatulong kahit papaano.

"So who wants to join the pageant? Mas maganda kung malalaman na natin agad kung sino ang mga representatives natin para makapaghanda na kung sino man sa inyo ang lalaban." Ani ng kanilang guro.

Napatingin ang lahat kay Jane nang bigla itong nagtaas ng kamay at malapad na ngumiti sa kanilang lahat.

"Ma'am, I would like to join the pageant." Taas-noo nitong sabi. Talagang confident na confident.

"I'm sorry Jane, but based on what I heard, ikaw yung nilaban last year at nanalo pa. I think we need to give your classmates a chance to join this. But don't worry, I appreciate your willingness. I will assign you to help our representatives for them to win just like you did." Paliwanag ng guro.

Ang malapad na ngiti ni Jane ay napalitan ng pagkadismaya dahil sa narinig sa guro. Kaya dahan-dahan na lamang itong umupo at tumango.

"Ma'am! Ma'am!" Sigaw ng kanyang kaklase habang nakataas ang kanang kamay.

"Yes, Gina? Gusto mo bang ikaw ang ilaban namin? Tutal muse ka naman."

Bigla namang nagtawanan ang mga kaklase niya.

"Talo na tayo agad ma'am kapag si Gina. Mangchichismis lang 'yan doon." Ani ng kaklase nilang si Robert na hindi na makahinga sa kakatawa.

"Hoy, ang kapal naman ng mukha mong ulupong ka. Gusto mo sipain kita diyan? Tsaka, ma'am pinagtripan lang nila akong gawing muse." Naaasar naman na sagot ni Gina.

"So why are you raising your hand?"

Nangusilap muna ito sa kausap bago hinarap ang guro. "Ma'am, I want Joy Mendez to join. She's a perfect choice ma'am! Beauty with brain. Mananalo tayo kapag siya ang inilaban natin. I will assure you that we will gonna have a back-to-back win, trust me!" Nasasabik nitong sabi habang nagtatatalon pa.

Dahil sa sinabi nito, agad na sumang-ayon ang iba pa nilang kaklase.

"Oo nga no? Yes, ma'am! Si Joy na lang po ang ilaban natin. Tiyak na sa atin na naman ang korona!" Ani ng kanyang katabi na si Trina.

Nahihiya naman na nagtaas ng tingin si Joy sa kanilang lahat. Halatang hindi nasisiyahan sa mga sinasabi ng mga ito.

"Hala ma'am. I don't think that's a good idea po. Uhm, what I mean is maybe there's someone else who is deserving than me po. Baka matalo po tayo." Naiilang na sabi ni Joy.

Mabilis namang umiling ang ibang mga kaklase nila dahil sa sinabi nito.

"Hindi 'yan, Joy. Ikaw pa. Ang galing-galing mo nga eh."

Easily BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon