CHAPTER 4

74 5 0
                                    

NAKATULALA si Happy habang nagbibigay ng maikling orientation ang kanilang guro sa harapan pagkatapos nilang magpakilala. Nakasaad sa mga sinasabi nito ang mga rules and regulations na dapat nilang sundin habang nasa loob sila ng campus. Ngunit tila lumilipad na naman ang kanyang isip dahil sa mga nangyari kanina kung kaya't wala siyang maintindihan ni isang salita.

Kriiiiiing!

Napatigil sa pagsasalita sa harap si Ma'am Flor. Bigla namang napasigaw sa tuwa ang kanyang mga kaklase dahil sa narinig na malakas na tunog.

Recess na pala, 'di ko namalayang kanina pa ako wala sa sarili. Hays lutang ka na naman Happy.

"Okay class, you can take your break."

Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase niya para lumabas at bumili ng makakain. Ang iba naman ay marahil gustong puntahan ang mga nawalay nilang kaklase para kumustahin dahil napunta ang mga ito sa ibang section.

Maingat na nilabas ni Happy ang baon niyang sandwich para kainin. Walang siyang balak na lumabas sa kanilang silid dahil tiyak na pagpipiyestahan lang siyang lolokohin sa labas kapag umalis pa siya. Baka nga may magbato na naman sa kanya ng kung ano tulad na lamang noong nakaraang taon. Ayaw na niyang maulit pa itong muli.

Wala din naman siyang kasama at makakausap dahil wala namang may gustong lumapit sa kanya. Ni wala siyang kaibigan ni isa.

Pinagmamasdan na lamang niya ang labas ng kanilang silid dahil katabi naman niya ang bintana. Hindi niya maiwasang mainggit dahil sa mga nagdaraang mga estudyanteng may mga katawanan at kakuwentuhan. Makikita talaga sa mukha ng mga ito na sila ay masaya samantalang siya, pinipilit na lamang kahit hindi naman talaga.

"Kailan kaya ako magkakaroon ng mga kaibigan? 'Yung tatanggapin ako kung sino at ano ako." Malungkot niyang tanong sa sarili.

Nilibot na lamang niya ang tingin sa kabuoan ng kanilang silid. May mga ibang naiwan din katulad niya na sa tingin niya ay mga baguhan sa kanilang paaralan.

Napatingin siya sa isang babaeng may mahabang buhok na aabot hanggang sa bewang nito ang haba. Sa pagkakatanda niya ay isa ito sa mga nahihiyang nagpakilala kanina dahil kung makatitig ang mga kalalakihan sa kanya ay wagas. Litaw na litaw kasi ang ganda nito kaya siguro madaming napapatingin dito ng wala sa oras.

Ang ganda niya.

Pilit niyang inaalala ang pangalan nito kaso hindi niya talaga matandaan.

Biglang napatingin sa gawi niya ang babae at binigyan siya nito ng tipid na ngiti. Kumaway pa ito sa kanya.

Nagulat si Happy sa ginawa nito. Hindi niya inaasahan iyon. Akala niya ay hindi siya nito papansinin. Minsan lang iyon mangyari kaya talaga namang hindi niya alam ang gagawin.

Nagbalik din siya ng tipid na ngiti at yumuko.

Habang nakayuko si Happy, naramdaman niyang may tumabi sa kanya. At nang lingunin niya kung sino 'yon, bigla siyang umayos ng upo. Bigla siyang na-intimidate.

"Ahm, h-hello." Ani niya sa mahinang boses

Kanina lamang ay pinagmamasdan ni Happy ito sa malayo, ngayon naman ay ito pa mismo ang lumapit sa kanya. Gulat na gulat siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin.

Nakangiti naman itong bumaling sa kanya.

"Hi! Your name is Happy, right? Nilapitan na kita kasi mukhang mabait at magkakasundo naman tayo. Sorry medyo FC" Sabi nito na may kasama pang tawa.

"O-oo, ako nga si Happy. A-ayos lang naman. Ikaw? Pasensya ka na hindi ko matandaan 'yung pangalan mo." Nahihiya niyang sabi.

"Gan'on ba?" Natatawa nitong sagot. "My name is Joy Mendez. Galing ako sa ibang lugar bali kalilipat lang din namin dito sa lugar niyo. Actually, I did not expect na we will stay here permanently kasi ang alam ko magbabakasyon lang kami but my family told me na dito na ako mag-aaral and that's okay with me naman."

"Ahh...W-welcome Joy dito sa amin. Sabi nila madaming mga tourist spots dito na puwede mong mapasyalan."

Gumuhit sa mukha ni Joy ang namamanghang tingin. "I love that! Even before, one of my hobbies talaga ay ang pagtatravel. Isa 'yan sa mga nilolook forward ko sa pagsstay ko rito. I hope that you can join me when I visit some places soon."

Nagningning ang mga mata ni Happy. Biglang nabuhayan ang kanyang loob sa sinabi nito. "T-talaga? Ahm, gusto mo akong makasama? Pasensya ka na ha pero hindi ko alam masyado 'yung mga patok na pasyalan dito. Naririnig ko lang kasi at nakukuwento sa akin nila mama kung gaano kaganda dito sa amin. Wala akong maitutulong sa'yo."

"Ano ka ba naman Happy, it's okay. No problem. Magpapatulong ako kay mommy at daddy tutal may alam din naman sila sa lugar na 'to. Tsaka, siyempre para sabay na rin nating mapasyalan 'yung ibang mga lugar na hindi mo pa napupuntahan. Sayang din 'yon."

Mas lumawak pa ang ngiti ni Happy sa narinig. "S-salamat, Joy."

"Sure, aasahan ko 'yan ha. Teka ang daldal ko masyado." Natatawa nitong ani. "So are we friends now?" Sabay lahad ng kamay.

Nahihiya man ay tinanggap ni Happy ang kamay nito na may kasamang pagtango.

"Yehey! Sa wakas may kaibigan at kausap na rin ako dito. Nice to meet you again Happy. Sabay tayo kumain mamaya?"

"S-sige. Salamat sa pagyaya sa akin."

"No problem, Happy. Sige balik na muna ako sa upuan ko. Usap ulit tayo later para mas makilala natin ang isa't isa."

Pagkaalis ni Joy, hindi maiwasan ni Happy na mapangiti dahil sa wakas ay may kaibigan na siya. Kanina lang ay tinatanong niya sa sarili kung kailan siya magkakaroon nito at agad naman itong nagkaroon ng sagot. Gumaan bigla ang kanyang pakiramdam at nakaaninag ng kahit kaunting pag-asa na may mga tao pa ring tatanggap sa kanya na hindi tumitingin sa kanyang pisikal na katangian.

Sana magtuloy-tuloy ang saya.

Nang marinig ng lahat ang malakas na tunog ng bell, nagsibalikan na lahat ng mga estudyante sa kanilang mga silid. Habang tumatakbo ang oras, hindi mapuknat ang ngiti ni Happy dahil nasasabik siyang makausap at makilala pang lalo ang kanyang bagong kaibigan.

Pagsapit ng tanghalian, agad siyang nilapitan ni Joy. Dala nito ang mga gamit niya habang may maaliwalas na mukhang nakakagaan ng loob.

"Tara na, Happy?" Masayang tanong nito.

Nagmadali siyang nagligpit at tumabi sa kanya.

"Ahm sige, tara na."

Easily BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon