CHAPTER 13

49 4 0
                                    

NANG maiuwi siya ni Joy sa kanilang bahay, agad nitong ipinaalam sa kanyang ina ang nangyari sa kanya sa eskwulehan. Mas nag-alala pa ang mga ito nang makita nilang namaga ang kanyang mukha dahil sa lakas ng impact ng nabatong bola. Agad naman nila itong ginamot at sinuri kung maayos na ba ang kanyang pakiramdam.

"Ikaw naman kasi Happy eh, hinintay mo na lang sana ako kanina na lumapit edi sana hindi ka na nasaktan doon." Ani ni Joy sa may pag-aalalang boses.

Nalulungkot naman siyang nagtaas ng tingin mula sa pagkakayuko. "Hindi ko naman alam na mangyayari 'yon eh." 

Bumuntong-hininga muna ang kanyang ina bago nagsalita, "Ayos ka na ba talaga anak? Hindi ka ba nahihilo o ano?"

Marahan siyang tumango. "Okay naman na ako, ma. Hindi na po ako nahihilo. Pasensya na po."

"Sino ba ang nakabato sa'yo, anak? Humingi ba siya ng paumanhin? Baka walang pakialam 'yon?" Usisa pa nito.

Sa tanong ng kanyang ina, bumalik na naman sa kanyang alaala ang nangyari kanina. Naalala na naman niya kung papaano mag-alala si Liam sa kanya. Hindi talaga siya makapaniwala kaya biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso na para bang galing siya sa karera.

Hindi niya alam kung bakit wala siyang maisip ni kahit anong salita para sagutin ang kanyang ina. Marahil ay okupado pa rin ang isip niya sa nangyari.

"'Nak?"

"Tita, nabato po siya ng kaklase namin na naglalaro. Pero po nilapitan naman po niya si Happy, baka po para humingi ng sorry." Sagot ni Joy para sa kanya.

"Opo, ma."

Hindi naman na humaba ang kanilang usapan. Nagpaalam na rin agad si Joy sa kanila para makauwi na rin. Mukhang may importante pa siyang lakad.

"Happy, magpahinga ka ha. See you tomorrow. Tita, una na po ako." 

"Mag-iingat ka, hija. Salamat sa paghatid kay Happy."

Pagkaalis ni Joy, kinausap muna siya ng kanyang ina.

"Okay ka na ba talaga? Magpahinga ka muna sa kuwarto mo, 'nak. Ako munang bahala rito."

May pag-aalangan pa siya bago sumagot. "Sige po, ma."

"Tsaka nga pala 'nak, nasira pati salamin mo ano? Daan tayo bukas sa bayan para makita mo ng malinaw ang kagandahan ng mama mo." Pagpapatawa nito.

Hindi niya mapigilang hindi ngumiti. "Si mama talaga. Ikaw pa po."

Gaya nga ng bilin sa kanya, tinungo na niya ang kanyang kuwarto para mabawi ang kanyang lakas. Mukhang kailangan niya talaga ito dahil medyo masakit pa rin ang kanyang mukha. Sobrang lakas kasi ng pagkakabato ng bola sa kanya kaya ganoon na lamang ang naging resulta.

Pagkahigang-pagkahiga ay naramdaman niya ang sobrang pagod na bumalot sa kanyang buong katawan. Pagod na nga siya sa pisikal, pagod pa siya sa kakaisip ng kung ano-ano pa man. Kailangan niya talagang magpahinga para maging handa at may matapos man lang na kahit anong gawain.

"Meow,"

Nang marinig niya si Yannie, agad niya itong iniakyat at inilagay sa kanyang tabi. Ganito ang palaging nangyayari kapag pumapasok ito sa kanyang kuwarto na sa malamang ay gustong magpalambing.

"Yannie, natamaan ako ng bola sa mukha." Pagkukuwento niya habang hinahaplos-haplos ito.

"Meow, meow." 

Napangiti siya dahil parang naiintindihan siya ng pusa. She's very thankful because she has Yannie na makikinig sa mga kinukuwento niya. Hindi man ito nakakapagsalita na katulad sa mga tao pero alam niyang lagi lang siyang nasa tabi at handang makinig sa lahat ng kanyang sasabihin.

Easily BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon