EVERYTHING was fine for the past two months. Sa mga nakalipas na 'yon, mas lalo pa niyang nakilala si Joy. She's very kind and thoughtful that anyone wants her to be with. When someone needs a hand to hold, she's willing to help in the best of her ability. Ang bait-bait niya sa lahat lalong-lalo na sa kanya. Hindi siya nito pinapabayaan at hinahayaang hinuhusgahan lang ng iba.
Lagi din siya nitong sinasabay tuwing uwian. Talagang kinukulit siya nito kapag sinabi niyang magcocommute na lang siya. Parati na lang kasi siyang hinahatid ni Joy sa bahay nila imbes na dumiretso na lang pauwi. Nakakahiya man pero hindi naman ito nagpapatalo hangga't hindi siya umo-oo kaya sa huli, pumapayag na lang siya't sumasakay.
Matalino din ito sa klase. Napaka-aktibo nito at talagang nakikinig. She's also a good leader that makes her more wonderful. She always make sure that everything is under control. Hindi na nakapagtataka kung isa siya sa mga estudyanteng mag-eexcel sa kanilang seksyon. Halos lahat nga ng mga kaklase niya napapabilib sa galing niya kaya gustong-gusto siya ng mga ito.
Kahit sa maikling panahon palang nag-aaral si Joy dito sa Golden Bright High School, madami nang nakakakilala sa kanya. After all, she's confidently beautiful with a soft and big heart. And the thing that Happy loves about her, she's humble and sweet even her life is the life that everyone seeks.
I am very proud of her.
Madami ngang nagsasabi, hindi siya nababagay bilang kaibigan ni Joy dahil total opposite sila in terms of appearance. Palagi nga siyang pinagchichismisan na mukha daw siyang alalay nito dahil sa itsura niya. Yes, she knew that. Hindi niya din maiwasang isipin ang bagay na 'yon pero wala namang masama 'diba? Siguro naman hindi naman nakakagawa ng kasalanan na maging kaibigan ang isang tulad niya. Huwag naman na sanang ipagkait ang bagay na 'to dahil ito na lamang ang mayroon siya.
It hurts sometimes but I am getting used to it. Ano pa bang bago?
But Joy never let her feel the feeling of insecurities. She is helping her to embrace everything that she has. Lagi lang siyang nandiyan, parating sinusuportahan siya sa lahat ng bagay.
Do I deserve her? She's almost perfect not like me, full of scars.
"Anak, sure ka bang ayaw mong tulungan kita?" Ani ng kanyang inang kanina pa nakamasid sa kanya.
Lumingon siya rito. "Ayos lang mama. Kaya ko pa naman 'to. Nood muna kayo diyan."
Nandito siya sa kanilang bahay dahil Sabado naman. Pinagpahinga niya ang kanyang ina kaya naman siya na lang ang gumawa ng mga gawain. Kanina pa pumasok ang kanyang ama sa bago nitong pinagtatrabahuan kaya dalawa lamang silang natira dito. Nagpapasalamat sila dahil nakahanap ito agad ng bagong pagkakakitaan kaya kahit papaano ay may ipinangtutustos sila sa pang-araw-araw.
"Tawagin mo na lang ako ha kapag may kailangan ka, anak."
"Opo."
Ayos lang naman ito sa kanya. Gusto niyang tulungan ang kanyang mga magulang kahit sa simpleng paraan man lang.
Napakadaming sakripisyo ng mga magulang niya para sa kanya. Ginagawa nila ang lahat para mabigyan siya ng magandang kinabukasan. There's a lot of times that they nearly give up but still, her parents manage to create a solution that seems so impossible to do. Lumaban ang mga ito para sa kanya. Walang katumbas ang pagmamahal ng magulang niya kaya pinapangako niyang magsisikap siya ng mabuti para sa kanila.
I will make you proud ma, pa.
Kahit mahirap at napakadaming problema mang dumating sa kanilang buhay, patuloy siyang lalaban para sa kapakanan nila. Maybe she's not lucky when it comes to other aspects, but her parents was enough to make her feel blessed.

BINABASA MO ANG
Easily Broken
Genç KurguPeople describe Happy Smile Pascua as an ugly fat duckling girl with big eyeglasses on. Nang dahil sa katangian niyang ito, palagi siyang pinagtitripan at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita. Wala siyang kaibigan kaya palagi siyang nag-iisa. ...